Chapter Twenty-seven

48.8K 1.2K 27
                                    

Chapter Twenty Seven

Marahang lumapit si Cain kay Gen ng makita niyang nakaluhod ito sa sahig.

"Anong ginagawa mo d'yan? Ba't nan'dyan ka?" Inalalayan Niya ito makatayo.

"A-Ah.. Nahulog kasi itong phone ko. Akala ko mabasag. Buti may carpet." Paliwanag nito. Napatitig siya dito. He doesn't know what kind of magic did she spelled on him kaya siya nagkakaganito.

"Dapat nagpapahinga kana." He avoided not to look at her breasts only covered by his white shirt. Her brows puckered in frustration.

"I don't know why I can't sleep. Samantalang kanina inaantok na ko."

Iminuwestra niya ang kama. "Go in bed and sleep. Ipikit mo lang ang mga mata mo."

Hindi niya gugustuhing manatili sa iisang silid na kasama ito at matagal. Labis labis na nga ang pagtitimpi niya kanina na wag itong halikan. He doesn't want her to fear him. At mas lalong dapat niyang pigilan ang sarili. Dahil hindi niya maunawaan kung saan nga ba patungo ang lahat ng ginagawa niya.

Abel talked to him earlier at miski ang kapatid niya ay hindi na naiintindihan ang mga kinikilos niya.

"I saw her." Bigla niyang sabi. Nakatanaw sila pareho sa mga bisita habang masayang mga nakikipag usap sa mga kasama ng mga ito.

"Gen?" Tanong naman ni Abel.

Tumango siya bago sinimsim ang alak na ansa baso niya.

"Sinundan ko siya nang umalis siya ng apartment niya maaga palang. And I saw her with Lopez."

Bumaling ang kapatid niya sa kanya na may panlalaki ng mga mata. "Y-You mean naconfirmed mo na may involvement silang dalawa?"

"I don't know. But I saw her there. Nakita kopang sumunod siya sa mga tauhan ni Gregory nang lumabas sila. Hinid k na masyadong naintindihan ang mga nangyrai noon kais may dumating nang mga pulis at hayun nga, nagkaroon ng raid." Plaiwanag niya.

"Okay then. Let's wait on the news kung ano ang nangyari after." Sabi ni Abel. Tinungga ni Abel ang kopitang hawak nito saka inabot ang alak na dala ng isnag waiter. "So, what's your plan to her?" Ani nito.

He was talking about, Gen. the suspicious Police Officer that suddenly came to his life. Nakatingin ang kapatid niya kay Gen na ngayon ay kausap si Cabby. Cabby is his childhood friend at matalik na kaibigan din.

Umigting ang panga niya saka naalala ang mga posibilidad na kasabwat ito ni Lopez. "I'll play with her game." He said.

"Paano kung matalo ka?" Tanong naman ng kapatid niya.

"Na hindi ko naman hahayaang mangyari. I will make sure that she will fall from my trap at malalaman ko ang motibo niya bago pa siya may masaktan sa pamilya natin." Determinado niyang saad.

Cain smiled again nang matauhan siyangaa muli. Hindi dapat makahalata ang babae na may plano siya ditto. Kung gusto nito ng laro ay pagbibigyan niya ito.

Tinitignan lang ng babae ang kama at saka tumingin na naman sa kanya. "Mabuti pa ihatid mo na ko sa bahay. Gusto ko na rin sana kasing umuwi." Ani nito sa kanya.

Bumugtong hininga siya. Right, hindi niya ito pwedeng pilitin. That would be very obvious kung ipipilit niya na manatili ito when in fact, he was being rude to her before then become gentle. "Alright, Magbihis ka na muna at ihahanda ko lang yung sasakyan. Magpapaalam lang ako kay na mommy na ihahatid kita."

Tumango naman ito at saka siya lumabas ng silid. Bumuga siya ng hangin nang titigan niya ang nakasarang pinto. Palais na siya ng mapansin si Cabby na nakatayo ilang dangkal ang layo sa kanya.

"I thought you already leave?" Tanong niya ditto. Nakita niya kasi ito kanina na nagpapaalam na sa parents niya. Cabby is his friend since they were kids. At sobrang mala[it sila sa isa't isa.

Ngumiti lang si Cabby. Kanina pa niya napansin na mukhang nasobrahan na ito sa iniinom nito. "I think kailangan mo nang magpahinga. Bakante naman ang kwarto na palagi mong ginagamit. Bukas ka na umuwi." Mando niya dito.

"Relax, babe. I'm not drunk okay?" Sabi nito saka sumandal sa dingding na nakaharap sa kanya.

Cabby used to call him, Babe. Mataba kasi siya noong mga bata sila at palagi siya nitong tinutuksong baboy. "You are not drunk, yeah." Tango niya. Sinakyan nalang niya ang sinasabi nito.

"So, is she?" Tanong nito.

Kukunot sana ang noo niya ng makuha niya na tanong nito. "She's just a friend."

Tumawa naman si Cabby. "That's what exactly you told me after I introduced Monica to you."

Right. Cabby was the one who introduced him to Monica. Magkakilala ang dalawa bago pa niya nakilala ang dating kasintahan. "Walang ibig sabihin ito. She's just a friend. That's all."

"Covince me. Baka mapaniwala mo na ko." She said while she plastered a wicked smile on her face.

'I don't need to convince you kung ayaw mo naming maniwala." Aniya dito.

"I know you well, Cain Sandoval."

"Edi sana alam mo rin na hindi ko ganoon ganon lang kayang palitan si Monica." Naibulaslas niya dito. Patay na si Monica. Hindi na dapat niya binabalikan ang mga nakaraan nilang dalawa pero sa tuwing maalala niyang wala siyang nagawa para tulungan at iligtas ito ay unti unting kinakain ng konsensya ang isip at puso niya. Na kung saan ay naroroon siya sa tabi nito ng gabing iyon hindi sana nangyari iyon sa kanya. Buhay pa sana ito ngayon.

Humawak siya sa batok niya. Tila napuna iyon ni Cabby kaya bahagya itong lumapit sa kanya. "Are you okay?" Tumango siya. "Did you take your meds?"

"Yeah, I got my pill right after the dinner." Aniya. Napagod lang din maharil siya.

"Do you want me to accompany you tomorrow for your check up?" Alok ng dalaga sa kanya. Umiling nalang siya. Hapon pa naman ang check up niya kaya hindi na marahil kailangan na samahan pa siya nito.

"Alam mo naman na bilin ng doctor na regular ang pag inom mo ng mga gamot mo. Kinakaimutan mo naman na siguro." Sermon ni Cabby sa kanya. Inakbayan nalang niya ito palayo.

Tumawa nalang siya. "Yes, Doc."  

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon