Chapter Nine

63.6K 1.5K 8
                                    

Chapter Nine

Niyuko ni Gen ang hawak na basket ng prutas. Nalaman niya mula sa information desk sa lobby nitong ospital na ngayon ang discharge date ni Cain Sandoval. Sayang at ngayon lang niya nagawang makadalaw. Birthday kasi ng tatay niya noong nakaraan kaya umuwi siya sa Malolos. Nagtatampo na daw kasi sa kanya ang tatay niya dahil hindi na niya ito nadadalaw miski sa headquarter. Nagpalipas siya doon ng ilang araw bago muling nakaluwas ng maynila. At ngayon lang nga siya nagkaroon ng pagkakataon. Naalala pa niya ang pagtatalo nilang mag ama kaninang umaga bago siya umalis ng Malolos.

"Genina! Tigilan mo na 'yang kakasunod mo sa grupo ni Johnson para sa kaso ng anak ni Mr. Sandoval." Bigla ay napatingin siya sa kanyang tatay na abala sa pagbabasa ng diyaryo matapos niyang bumaba sa hagdan bitbit ang duffel bag niya.

"Tay ano na naman 'yan?" aniya. Kunwari ay wala siyang alam sa sinasabi nito.

Ngunit hindi na rin siya magtataka kung nalamang nga ng tatay niya ang mga palihim niyang ginagawa. Itinupi nito ang Diyaryo at humarap sa kanya.

"Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo? Nagsumbong sakin si Inspector Ramirez buntot ka ng buntot sa kanila na para bang tuta."

She rolled her eyes. Wala na nang dahilan para tumanggi. Sukol na siya.

"Tay gusto ko lang tumulong. Ayoko naman tumunganga lang." Sagot niya.

"At ano? Makikita ka nalang namin sa balita? Nakabitin sa Jones bridge at patay na? Ganoon ba ang gusto mo? Alam mo bang muntik nang mapatay ang isa sa pulis na nasa grupo ni Johnson? Sakay siya sa Mobile Patrol ng may bumanggang truck sa kanya at itinutulak ang sasakyan niya sa tulay. Ganoon ba ang gusto mo?" Natahimik siya. Pero mas kinatahimik niya ang nangyari sa kapwa niya pulis.

"A-Ano na pong balita sa t-tao niyo?" Hindi niya nabalitaan iyon.

Bumugtong hininga ang ama niya bago muling nagsalita. "Ayos na si Cruz, gasgas at konting sugat lang ang tinamo niya. Pero sa ngayon, nagpapahinga muna siya." Ani ng tatay niya. "Kaya tigilan mo na ang ginagawa mong imbestigasyon. Ikakapahamak mo lamang yan. For once making ka sa akin anak." giit nito.

Umiling siya. "Hindi 'tay." Paninindigan niya. "Para saan pa at naging pulis ako kung maduduwag din lang ako? Tatay anak niyo ko. Alam niyong hindi ako duwag."

Lumamlam ang mga mata nito.

"Sana pala hindi na kita inimpluwensyahan na maging pulis. Gabi gabi umiiyak ang nanay mo dahil natatakot sa mga ginagawa mo. Ayokong atakihin nalang bigla ang nanay mo dahil sa nabalitaan niyang nabaril ka o anu man."

Ang sarap sa pakiramdam na kahit hindi niya totoong mga magulang ang mga taong kumopkop sa kanya ay itinuturing naman siyang totoong anak. Na may mga taong nag aalala sa kanya. Her longing for her own family subsides because there are still a couple of people na handing itaya ang buhay para sa kanya.

Ibinaba niya ang duffel bag at mabilis na yumakap dito. Hindi niya gusting palaging nag aalala ang mga ito sa kanya. Kaya sa yakap man lang ay makabawi siya.

"Kayo talaga tatay. Diba kayo pa nga ang palaging nagsasabing matapang ako. Na palaban at malakas. Kaya wag niyong iisipin 'yon. At wag niyo ring iisipin na parang kasalanan niyo pa na nagpulis ako. 'Tay ito ang gusto ko at ito rin ang pangarap ko. Nakalimutan niyo na ba? Mana kaya ako sa inyo." Na sinabayan pa niya ng paglabi. Gusto niyang pagain ang loob nito.

"Natatakot lang kami ng nanay mo sayo. Kilala kita Genina. Alam ko ang tumatakbo sa isip mo at alam ko rin na hindi mo pa rin sinusukuan ang kaso ng kapatid mo." Nanatili siyang tahimik. "Sa oras na mapabalik ka sa serbisyo. Ako mismo ang maglilipat sayo sa kampo."

"Tay!" Napahiwalay siya dito. "Anong gagawin ko doon? At saka hindi niyo ako pwedeng alisin sa ranggo ko."

"Naiintindihan ko anak. Kaya lamang nag aalala lang kami sayo. Ayaw naming mawala ka samin."

Napangiti na lamang siya ng maalala ang pagdadrama ng tatay niya sa kanya kanina. Bitbit ang prutas ay nakisabay siya sa kumpol ng mga tao na sasakay ng elevator. Sa sulok siya pumuwesto at sumandal. Sa harapan niya ay isang lalaking nakaback pack na kulay itim. Mag nakasabit na itim na helmet sa siko nito. Mula sa Tenth floor huminto ang elevator at muling bumukas iyon. Apat na katao ang pumasok. Napaatras ang lalaki sa harapan niya at ganoon din siya kahit wala na siyang aatrasan. Hindi niya alam kung bakit nakamasid lang siya dito. Hanggang sa nakita niyang umangat ang kanang kamay nito at itinapat sa tenga ang cellphone na hawak.

Talamera

Basa niya sa walong letrang nakasulat sa balat nito. Nakatattoo iyon pahalang kaya basang basa niya. Kumunot ang noo niya na tila may sumungkit sa alaala niya. Tila nabasa na niya sa kung saan iyon.

"Talamera?" Ulit ni Gen.

"Yan ang grupo ng mga hitman na hinihinalang nagtangkang pumatay kay Senator De vega noong inauguration. Matinik ang grupo na 'yan. Wala pa ni isang miyembro nila ang nahuhuling buhay ng pulisya. Kung mayroon man, namamatay agad bago pa man sumalang sa interrogation room."

Kasabay ng mga salitang naalala niyang sinabi ni Kennedy sa kanya ay muling bumukas ang elevator at nagmamadaling lumabas ang lalaki.

"Sandali!"

Natatarantang lumabas siya at hinabol ito. Kung anong bilis nitong lumabas sa kabila ng siksikang tao ay ganoon din ito kabilis nawala sa maluwang na pasilyo.

Shit. 

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now