Chapter Thirty-four

39.4K 956 9
                                    

Chapter Thirty Four

Nakausap ni Gen ang caretaker ng building at pinayagan siya nito na Makita niya ang CCTV footage ang gabing hinatid siya ni Cain sa apartment niya.

"Ma'am may nawala ho ba sa unit niyo?" nag aalalang tang ni Mang Leon nang samahan siya nito sa control and maintenance room kung saan iyon ang nagsisilbilng viewing area ng mga cameras sa labas at loob ng building.

Umiling siya sa matanda. "Hindi po manong. Gusto ko lang po Makita kung sino ang huling tao sa labas ng unit ko pagkapasok ko."

Sabay silang pumasok sa loob ng silid sa ilalim ng hagdan patungo sa ikalwang palapag ng builing. May dalawng monitor ang nakapatong sa isang wooded table. Tapos isang plastic chair naman sa harapn niyon. Inalok ng matanda sa kanya ang upuan ngunit tumanggi siya. Kaya ito na lamang ang umupo doon at si naman ay pumuwesto sa likuran nito. Saka ito tumipa sa keyboard at binuksan ang mga videos.

"Matagal na ko dito pero wala pa naman akong nababalitaan na nakawan o anumang krimen dito sa lugar." Ani nito habang nakatutok ang mga mata sa monitor. "Anong oras ba ang kailangan mong Makita?"

Hating gabi na nang dumating sila ni Cain sa apartment niya. "Tignan niyo po ang pagitan ng las onse medya at alas dose hanggang madaling araw po."

Sinunod mng matanda ang sinabi niya. Siya naman ay nakatutok lang ang mga mata sa monitor at minamasdan iyon. Catching if she will saw something in there. "Kayo po marahil ito Ma'am." Ani ni Mnag Leon nang may babae at lalaki sa tapat ng pinto.

Siya iyon at si Cain. "Kasama ko ang lalaking iyan kagabi."

They continued watching the video hanggang sa matapos sila mag uspa ni Cain sa labas ng apartment niya at tuluyan na itong magpaalam sa kanya. Pumasok siya sa loob ng apartment. Iyon ang natatandaan na niya na nagbhis lang siya at inahyos ang sarili saka natulog na. tahimik na ang gabi at may ilang oras silang naghihintay kung may kakaiba pa silang makikita ngunit wala na. eksaktong alas dos ng madaling araw nang saka nila nakita ni Mnag leon sa video ang pagdaing ng isang tao.

Nakita niya ang paglinga linga nito sa paligid saka tumayos a harapan ng ppintuan niya at may kung anong dinukot sa bulsa nito at inilabas iyon.

"Sandali lang po. Ipause niyo sandali." Aniya sa matanda.

Sumunod naman ito s akanya agt saka niya pinakatitigan ang tao. Ngunit hindi niya matukoy kung babae ba iyon o lalaki. Maluwag ang pants na suot nito maging ang hoodie jacket nito. Hindi rin Makita ang mukha nito dahil naka cap ito na itim at may face mask pa. Malabo din ang angulo kung saan may iniwan itong papel sa harapan ng pinto niya dahil nang umalis ito ay nakayuko at patalikod na sa camera.

"Iyan ba hija ang sinasabi mo?" tanong ng matanda.

Hindi niya alam kung tatango ba siya o iiling. "Siya yung nag iwan ng sulat sa labas ng pinto ko." Tanging naisagot niya.

"Hindi mo ba nakikilala?" Kaswal na tanong lang ng matanda.

Umiling lang siya. Hindi niya maidentify kung sino ang taong iyon at ano ang sdahilan nito para takutin siya o bigyan ng babala. Hindi naman pumayag ang caretaker na humingi siya ng kopya ng nasabing footage. Under privacy management daw iyon at mahigpit na piangbabawal sa kanila ang magpakalap ng mga video o anuman. At naiintidihan niya iyon.

Bago siya lumabas ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa at kinuhanan na lamang niya ng litrato ang bawat anggulo ng tao na nasa harapan ng pintuan niya kaninang madaling araw. Tatawagan din niya si Kennedy para sabihin dito ang natuklasan niya.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now