Chapter Seventeen

53.2K 1.3K 25
                                    



Chapter Seventeen

Hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin si Gen. Wala siyang nagawa kung di pumayag na kasabay niyang mag agahan si Cain. Nanatili ito sa apartment niya. Ilang beses na niya itong pinagtabuyan ngunit sadyang matigas ang bungo nito.

Ayaw na rin niyang ipilit dahil paulit ulit lang ang mga panakot nito sa kanya.

"Umalis ka na sabi e. Bakit ba kasi ang kulit kulit mo?" Naiinis na sabi ni Gen pagkatapos nilang kumain.

Ngumisi lang ito sa kanya at saka hinawakan ang kamay niya at isa isang isinubo ang mga daliri niya. Mabilis na uminit ang pisngi niya at nagrambulan ang tibok ng puso niya.

"A-Anong gina-gawa mo?" Nauutal niyang tanong dito. Gusto niyang bawiin ang kamay niya ngunit mahigpit itong nakahawak doon.

"Cleaning your fingers?" Paos na tanong din nito. Sunod sunod ang paglunok na ginawa niya.

Bakit hindi? Cain is sucking and licking her fingers. At napakasekswal ng ginagawa nito. Ang dila nito ay humahagod sa bawat daliri niya.

"B-Bitawan mo a-ako." Madiing utos niya dito. Pero hindi ito sumunod. Sa halip mas uminit pa lalo ang paghagod ng dila at bibig nito sa daliri niya. Uungol na sana siya ng magsalita ito.

"Sa susunod na palayasin mo ulit ako. Hindi lang yan ang titikman ko. Pati yan." Saka gumapang ang mga mata nito sa dibdib niya.Mabilis siyang pinamulahan ng mukha dahil sa mga salita nito. Bakit ba napakabastos ng bibig ng lalaking ito? Mukhang nagkamali siya ng pagsisiyasat dito.

"Bastos!" Angil niya saka mabilis na hinablot ang kamay at lumabas ng kusina. Narinig niya ang malulutong at nakakaloko nitong tawa. Na lubos niyang kinainis.

Ipinilig ni Gen ang ulo nang maalala ang ginawa ni Cain sa kanya kanina. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya. Nasa tapat siya ng telepono at idadiyal sana niya ang numero sa headquarters ng kumulo ang tiyan niya. Mabilis na tumakbo siya papasok sa loob ng banyo. Kagabi pa masama ang pakiramdam ng tiyan niya. Nakainom na rin siya ng gamot. Pero mukhang di yata epektibo. Mabilis niyang pinihit ang seradula ng pinto ng banyo malapit sa kusina.

Uupo na sana siya sa toilet bowl ng may kakaibang mapuna sa loob. Gayon na lamang ang gimbal niya ng makita niyang may hubo't hubad na nilalang ang siyang nasa ilalim ng dutsa at naliligo.

"Ahhhhhhh!!!" Napahiyaw siya sa nakita. Mabilis siyang tumalikod at habol hiningang tumitig sa dingding.

Naramdaman niya ang pagpatay ng shower at paglalakad papalapit sa kanya ng lalaki.

"Turn around now. Woman!" Utos ng lalaki sa likuran niya.

Mas lalong kumabog ang dibdib niya ng humarap siya dito dahan dahan at makilala kung sino ito.

"Nandito ka pa rin?" Gulat na saad niya ng makitang nakatapis lang ng tuwalya si Cain. "Animal ka! Tuwalya ko 'yan eh!" Nang gagalaiting nakatingin siya dito.

Her eyes land on his bare shoulder down to his chiseled chest. Naglakbay pa ang mga mata niya pababa pang muli hanggang umabot iyon sa umbok na nasa gitnang hita nito na natatakluban ng manipis na tuwalya na pagaari niya. Mabilis niyang iniiwas ang mga mata.

"B-Bakit dito ka naligo? Jesus! Sandoval! Ilang araw mo nang pinapasakit ang ulo ko." Reklamo niya kahit hindi siya makatingin dito ng deretso.

Matiim itong nakatingin sa kanya.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin? Balak mo ba akong kainin?" Huli na ng marealize niya na iba ang dating ng sinabi niya dito.

"Actually binigyan mo ako ng idea." Sagot nito sa kanya habang nakatitig pa rin sa kanya. Nagiwas siya ng tingin. Dahil di niya kayang salubungin ang mga titig nito.

Hanggang sa nararamdaman niya ang unti unting paglapit nito sa kanya. Ang sakit ng tiyan niya na kanina lang ay pinapahirapan siya ay mabilis na nawala. Bagkus, napalitan nang mga kiliting may init na dala. Bahagya siyang muling umatras ng ang isang pulgada na distansya nila ay maging halos isang dangkal na lamang. Ramdam na niya ang malamig na dingding na tumatagos sa manipis niyang pambahay.

"Hindi ka nagtoothbrush. Amoy tinapa ka pa."

Uminit ang pisngi niya sa pagkapahiya. At lalong nadama niya ang inis ng makitang halos maglupasay ito sa kakatawa. Naikuyom niya ang kamao at saka ito sinapak ng isa.

"Amoy tinapa pala ha!"

Pero agad din itong nakaiwas at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Wag kang pikunin Officer. That's police brutality." Aniya habang nakangisi pa rin sa kanya.

Galit na hinablot niya ang kamay dito. "Lumayas ka sa bahay ko ngayon din kung ayaw mong tuluyang lumapat ang kamao ko sayo."

"Akala ko ba tinatanong mo ako kung kakainin kita? Bakit pinapalayas mo na ako ngayon?" Ang pilyong ngito nito ang lalong nagparagdag sa hiyang nadarama niya.

"Mali ang intindi mo doon okay!" Depensa niya. "Palibhasa puro kabastusan ang alam ng utak mo."

"Why wouldn't I think that way. Kung binibigyan naman ako ng dahilan at motibo?" Bulong nito malapit sa punong tenga niya. Nagtayuan ang balahibo niya sa parteng iyon. Napakasensitibo pa naman niya pagdating doon.

"Pwede ba? Magbihis kana at umalis. May gagawin pa ko." Aniya. Sinabayan pa niya iyon ng pag irap. "Lumayas kana dahil baka hinahanap kana ng Girlfriend mo." Sarkastikong sabi niya.

Kumumot ang noo nito.

"Girlfriend? Who?"

Umirap muli siya. "Kunwari di alam? Sino pa? Edi yung cabby mo!"

sa pagkabigla niya ay tumawa ito.

"She's not my girlfriend."

"Hindi Girlfriend. Sinungaling ka talaga ano?" Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib niya. Pero nanatili itong nakalapit sa kanya.

Na kahit ang hangin ay mahihiyang dumaan sa pagitan nila. Gumapang ang daliri nito sa pisngi niya patungo sa gilid ng labi niya. Labis labis ang kaba at antisipasyon nadarama niya.

"Hindi ko siya Girlfriend. Kaibigan ko lang siya."

Kaibigan? May ganoon bang magkaibigan? Sulsol ng talipandas niyang isip.

"Hindi ko alam na sweet ka pala sa mga kaibigan mo. As in super sweet." Aniya na nakataas pa ang kilay. Inalis niya ang kamay nito sa pisngi niya. Naaalala pa rin niya ang ginawang paghalik ni Cabby sa labi nito. Hindi niya alam kung bakkit isya naiinis sa tuwing maaalala yon.

Muling lumapat ang daliri nito doon matapos niya sawayin.

"And I'll be more sweeter pag dating sayo." Ang tangka niyang pagprotesta ay nilamon na ng kawalan. Dahil tuluyan na nitong sinakop ang labi niya at binibigyan siya ng malalim at mainit na halik. Halik na hindi niya alam kung bakit ganito nalang ang epekto sa kanya. Halik na hindi niya inakalang matititkman pala niya. Hindi niya alam pero sumusunod ang bawat himaymay ng katawan niya sa gusto nitong mangyari. Gustong gusto ng katawan niya ang pagkakalapit nila. Namalayan na lamang niya na nakakapit na sa batok nito ang mga braso niya at siya naman ay yakap nito ng ubod higpit. 

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now