Chapter Nineteen

56.2K 1.4K 43
                                    


Chapter Nineteen

Sumandal siya sa swivel chair at saka ipinaikot 'yon. Tumingin siya sa salaming dingding na nakatanaw sa buong siyudad. Kita niya ang mga naglalakihang building at kung ano ano pa. Ang daming kailangan niyang unahin. Ang daming dapat niyang intindihin. But Gen's face occupied his mind. After discovering about her identity imbes na layuan na niya ito ay tila may magnet na kinabit ito sa kanya at siya naman ang humahabol ngayon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Ilang linggo ang nakakaraan mula ng huling pumunta si Gen Phoebe sa bahay nila. At ipinatikim sa kanya ng kanyang ina ang empanadang dala ni Gen. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang nakaraam kung saan bahagi si Monica.

"Monica?!" Agad na tumayo ang dalagita na nakaupo sa receiving area ng dormitory na tinutuluyan niya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ng matapos yumakap ito sa kanya.

Ngumuso ito. "Hindi ka umuwi ng San Simon kaya ako nalang ang lumuwas dito."

Inakay niya ang nobya. Bawal manatili sa dormitoryo nila ang mga babae. Isa pa, may dorm mate siya na tatlong lalaki. Hindi niya gugutuhin ang mangyayari kung mananatiling nakatingin ang mga ito sa dalaga.

"Alam ba ng papa at mama mo itong ginawa mo?"

Umakla ito sa kanya saka tumango. Nakilala niya si Monica sa San Simon nang magbakasyon sila doon ng pamilya niya. Tubong norte ang Ina nila ni Abel. Mahirap ang tinatawag nilang Long Distance Relationship pero nakakayanan naman nila. Paminsan minsan ay nagagawa niyang bumiyahe patungong San Simon kung biyernes ng Gabi at luluwas muli ng maynila linggo ng umaga. Iyon ay kung wala siyang masyadong maraming schedule. Madalas din silang magtawagan. Yun lamang, nitong nakakaraang linggo ay madalang. Graduating na kasi siya sa kursong architecture.

"Nag paalam ako sa kanila na magkikita kami ni Cabby sa terminal at sinabi ko sa kanila na siya ang kasama ko dito sa maynila."

Kaibigan niyang matalik si Cabby na kalaunan ay naging malapit na rin kay Monica.

"You shouldn't lied to your parents. Paano kung bigla ka nilang hanapin kay Cabby?" Ngumiti lang ito sa kanya. Sandaling nawala ang lahat ng pag aalala niya.

"As much as I love you to stay here tonight ay hindi pwede. Routine na ng land lady namin ang magrounds tuwing umaga at natatakot ako na baka may makakita sayo. Saang Hotel ka nakacheck-in?" Pag uusisa niya dito.

"Tinawagan ko na si Cabby. Doon nalang daw ako magpalipas ng gabi sa Unit niya." Nakahinga siya ng maluwag. Napaka suppotive ni Cabby pagdating sa relasyon nila.

"Siya nga pala dinalhan kita ng pagkain." Sabay pakita sa kanya sa isang paper bag.

Nang makapasok sila sa kwarto niya. Umupo ito sa gilid ng kama at inilabas ang laman ng paper bag.

"Dinalhan kita ng empanada."

Tumabi siya dito.

"Niluto mo? "

"Hindi. Naalala mo 'yung ate ko na nasa San Francisco? Nagbakasyon siya samin ng isang linggo tapos kaaalis lang niya. Siya ang gumawa nito." Inabutan siya nito ng empanada.

Agad siyang kumagat lalo na ng maamoy niya ang mabangong amoy ng tuna na nasa loob niyon.

"Ang sarap ah. Chef ba ang ate mo?"

Tatawa tawang umiling ito. "Hindi. Magpupulis nga 'yon eh."

"Nasabi mo na ba sa kanya?"

Nag aalala kasi siya na baka hindi pa alam ng mga magulang nito at ng kapatid nito ang tungkol sa kanila. Kahit ganito ang relasyon nila. Gusto sana niyang pormal siyang makilala ng pamilya nito.

Malungkot na umiling ito.

"Hindi ko pa nasasabi kay Ate eh. Pero pangako, sa susunod na bakasyon niya ipapakilala na kita sa kanya. At pag nangyari 'yon madali na sabihin kay Mama at Papa. Si ate lang naman kasi ang strict sa kanilang lahat eh."

Hindi niya maiwasang wag maalala ang nakaraan lalo't hindi pa rin siya napapatahimik ng bangungot na yon. Kung hindi siguro namatay si Monica, sila pa rin kaya ngayon? Pero ang panghihinayang na nadarama niya ay dagli ding nawala ng maalala niya ang ginawa nitong panloloko sa kanya.

"You're breaking up with me." He said while looking at her eyes. Nag iwas ito ng tingin.

Akala niya bali-balita lang ang mga tsismis na naririnig niya. Oo at nasa harapan nga niya ang nobya niya ngayon. Ngayon na araw kung kailan siya nagtapos.

"H-Hindi na kita mahal."

Napasuntok siya sa pader dahil sa sinabi nito. Ito pa naman ang araw na ipapakilala niya ito sa mga magulang niya.

"May kulang ba sakin? May hindi ba ako naibigay sayo?"

Nakatingin lang ito sa ibang direksyon. "Sagutin mo ako! Anong kulang?"

May luha sa mga matang tumingin ito sa kanya.

"Oo mayroon! Oras Cain! Oras! Wala ka 'non. Palagi kang busy. Palagi kang wala! Palagi kang hindi mahagilap. Kapag ikaw ang may kailangan ilang oras lang nakakatakbo ako papalapit agad sayo kahit ang layo layo mo. Kapag ako. Palagi kang maraming dahilan!" Nahimigan niyia ang di matawarang hinanakit sa tinig nito. Akala niya naiintindihan nito ang sitwasyon niya. Pero hindi pala.

"Kaya ipinagpalit mo 'ko? Ganoon ba 'yon? Bakit? Yun bang ipinalit mo sakin ay may milyon milyong oras para sayo?" Sarkastikong tanong niya.

"M-Mahal ako ni Greg. At oo marami siyang Oras para sakin."

Napailing siya. Si Gregory ang dahilan kaya siya iniwan ni Monica. Pero sa huli, nalaman ni Monica na may Asawa si Gregory. At ang pinakamasakit pa sa lahat ng malaman niya ay ang katotohanang buntis ito at hindi gustong panagutan ni Gregory ang bata.

"Cain tulungan mo ko. Hindi Ko ito kaya mag isa. Anong mukha ang ihaharap ko may mama at papa? Kay ate? Masusuklam sila sakin kapag nalaman nilang nabuntis ako ng isang pamilyadong tao!"

Siya ang tinakbuhan ni Monica ng araw na sumampal dito ang lahat. Inako niya ang dinadala nito. Kahit ganoon ang nangyari sa kanila. Pinaniwalaan pa rin niya ang nararamdaman niya na baka mahal pa niya ito kaya naaawa siya. Ipinakilala siya nito sa mga magulang nito at sinabing siya ang ama ng batang dinadala nito. Kasalukuyan siyang sinasanay na noon sa negosyo. Balak muna nilang pagtapusin si Monica ng pag aaral bago sana sila ikasal. Love is not about how mistakes had been made. Pinaniwalaan niya ang sinasabi ng isip niya na mahal niya pa rin si Monica. Pero nangyari ang di inaasahan. Nasa Madrid siya kasama ang kanyang ama nang pumutok sa night News ang balita tungkol dito. Natagpuang itong patay sa isang bakanteng lote na di kalayuan sa bahay nila sa San Simon. Doon nagsimula maging malagim ang lahat. Isa siya sa suspect sa pagkamatay ng dalaga. Lalo pa't may mga taong gumawa ng sariling bersyon ng iba't ibang kwento na madalas daw makitang nagtatalo silang dalawa.

Minsan mang nagkamali si Monica sa kanya. Pero hinding hindi niya magagawang patayin ito kasama ang sana'y magiging anak nila. 

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now