Chapter Eleven

55.1K 1.4K 98
                                    


Chapter Eleven

Nagpalipat lipat ang tingin ni Gen sa kahon na hawak at sa mukha ni Cain na nababakas ang gulat at---takot?

Bakit hindi? Kahit sinong tao ay tutubuan ng takot sa katawan kung makakatanggap ka ng bala ng baril! Mabilis na lumipad ang mga mata niya sa maliit na papel na nakadikit sa takip ng kahon. Simpleng Get well soon lamang ang nakasulat doon. Na typewritten pa.

Sinong posibleng gumawa nito? Malinaw na death threat ito.

"May kilala ka bang kagalit mo?" Tanong niya agad sa binata.

Nag igting ang bagang nito. Halata ang tensyon sa bumalot sa buong silid.

"Iisang tao lang naman ang kilala kong may kakayahang ipapatay ako." He said. Nag ngangalit ang ngipin nito sa tinitimping galit.

Isinilid niyang muli ang bala sa loob ng kahon.

"Kailangan malaman ng mga magulang mo ito. You're not safe here." Aniya dito. Kung ganitong may pagtatangka sa buhay nito dapat lang na magdoble pa ito ng ingat.

Kinuha nito sa kanya ang kahon at hinawakan ng mahigpit.

"Wala kang pagsasabihan nito." He said in his cold voice.

Nagtatakang tumingin siya.

"B-Bakit? Hindi niyo ba man lang sasabihin sa mga magulang niyo? Sa pulis?"

"Daragdagan ko lang ang pag aalala nila." Maikling tugon nito sa kanya.

"Pero dapat nilang malaman 'yan!" Giit pa niya.

Death is a serious matter. Lahat ng tao ay takot mamatay. Even the senior citizen who still like to travel the world. Lahat natatakot kay kamatayan. Pero hindi niya mabasa sa mga mata ni Cain 'yon. It's like that he hadn't seen a bullet inside the box. Na para bang isang nprank lamang yon na hindi nito dapat seryosohin. Na gawa lamang iyon ng isang paslit na nais itong takutin.

"Umalis kana."

Nabigla siya sa biglang pagtataboy nito sa kanya. "H-Ha? Bakit?"

Tumutok ang mga mata nito sa kanya.

"I said leave! Bingi ka ba?" Napakislot pa siya ng sumigaw ito. Sandaling natilihan siya.

Hindi tama na iwan niya ito mag isa. Baka mapahamak pa ito.

"Hindi. Dito lang ako." Paninindigan niya. Pero lumapit ito sa pinto at binuksan 'yon.

"When I said leave. Leave!" Nag igting ang bagang niya. May kabastusan din pala ang lalaking ito kung gayon. Siya na nga ang nagmamalasakit na bantayan ito sisigawan pa siya. Hindi niya akalain na ganito ito magtrato sa mga taong nag aalala para ditto.

Napatanga nalang siya at inihakbang ang mga paa patungo sa pintuan. Akma siyang lalabas nang bumungad sa kanya si Mrs. Sandoval.

"Hija. Aalis kana?"

"H-Ho... A-Ah." Napatingin siya kay Cain. "Opo. Naalala ko po kasi may importante pa akong gagawin." Pag sisinungaling niya.

"Ganoon ba? Sige mag iingat ka. But I hope makadalaw ka pa rin kay Cain kahit nasa bahay na siya. It would help him."

"Mom!" Pigil ni Cain.

Tumingin si Mrs Sandoval sa anak. "What? What's wrong If I asked her to visit you?"

"She's a busy girl. Wag niyo siyang abalahin." Cain said. Girl? Girl lang ang tingin nito sa'kin? Ano ako Elementary? Nag ngingitngit ang kalooban niya.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now