Chapter Three

78.4K 1.9K 36
                                    

Chapter Three

Mabilis na hinablot ni Cain ang hawak na diyaryo ni Abel.

"Hey! Can't you see? I'm reading!"

He crumpled the gray-newspaper.

"Salita ako ng salita pero hindi ka nakikinig." Muli niyang sabi.

"Nakikinig ako sayo okay?" He threw a sharp stare to his brother.

Bunsong kapatid niya si Abel. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak ng mga magulang nila at sinunod ang pangalan nila sa dalawang magkapatid na bible characters. Nabasa pa nga niya noon sa Old Testament kung paano pinatay ni Cain ang kapatid nitong si Abel.

"Kabaliwan ang gusto mong gawin. You didn't prove anything, na may kinalaman talaga si Gregory Lopez sa pagkamatay ni Monica Claire years ago." Ani ni Abel sa kanya. Nakasandal ito habang nakatitig sa kanya.

He gritted his teeth. Muling sumagi sa isip niya si Monica. Ang nangyari dito at ang mga nangyari pagkatapos ng lahat.

"I saw her in my dream last night."

Panaginip na akala niya ay totoo. Panaginip na akala niya ay buhay na buhay.

"And?"

Monica held her hands. Pilit siyang inaabot nito. Hindi niya alam kung bakit hindi magtagpo ang mga palad nila. Ang mga mata nito ay puno ng pagsisisi. Puno ng lungkot. Hindi niya Makita ang mga mata ng dating Monica na masayahin.

"Monica! Monica?"

Nakaharap ito sa kanya habang hilam ng luha ang mga mata.

"I'm sorry.. I'm sorry Cain."

Then she vanished like a shadow in the dark.

"Alam kong nagparamdam siya sakin dahil humihingi siya ng tulong." Sabi niya. Nanniwala siya na tinatawag siya ng dating kasintahan dahil alam nito na siya lang ang makakatulong dito.

"It was just a dream, brother. We can't use that in court at sabihing nagparamdam sayo si Monica saying that she was asking for help. Kahit pa ang theory mo ay 'yon." Nilahad ni Abel ang palad sa kapatid.

"Pero ganoon din 'yon. Hindi magpapakita sa panaginip ko si Monica kung hindi dahil sa hindi siya matahimik. Nagpakita siya dahil gusto niyang mabigyang linaw ang nangyari sa kanya." Giit niya.

Umiiling iling si Abel.

"This is ridiculous! At ano ang gagawin mo? Huhukayin mo ulit ang bangkay niya just like what you did before? Dahil ang sabi mo mali ang autopsy report na binigay ng pulisya sayo?" Bumugtong hininga si Abel sa kanya. "You're going so far. Obssessed kana sa kaso na 'yan."

Naalala niya 'yon. Tama si Abel. Minsan niyang pinahukay ang bangkay ni Monica. He was one of the accussed suspects nang mamatay si Monica. Case was dismissed after his father argued with the police and with the prosecutor. Wala kasing matibay na ebidensya na magtuturo na siya ang pumatay. Napatunayan 'yon noong ipinakita nila ang Passport at airlines report na nagsasabing nasa labas siya ng bansa nang mamatay si Monica. Kasama siya ng Daddy niya noon. Natatandaan niya na sa balita pa niya unang nalaman ang nangyari. Mabilis siyang bumalik ng pilipinas kahit tutol ang ama niya. Na ng mga panahong 'yon ay sinasanay siya sa negosyo. Pero mas importante si Monica sa kanya kaya mas pinili niyang bumalik agad ng bansa.

"Kaya mo bang patunayan sa pulisya na si Gregory nga ang pumatay kay Monica?" Tanong ni Abel.

Naniniwala siya na Malaki ang nagging kaugnayan ni Gregory Lopez sa nangyaring krimen kay Monica. At iyon ang gusto niyang tuklasin. Iyon ang gusto niyang mabigyan ng linaw. Hindi siya papaya na habambuhay nalang nakakabit ang pangalan niya sa pagkamatay ni Monica.

"Pabubuksan ko muli ang kaso ni Monica. Ako mismo ang hahanap ng linaw at mga matitibay na ebidensya para ituro ang dapat makulong."

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant