Chapter Two

107K 2.2K 67
                                    


Chapter Two

Ibinaba ni Gen ang hawak na folder at muling tumitig sa kawalan. Hanggang tanaw lang ang nagawa niya kagabi. Muntik na kasi siyang mahuli ni Tobias. Kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon pang obserbahan ang lalaki. Hindi naman niya gugustuhin madiskurbre agad ng iba ang totoo niyang pakay sa lugar. Pagkatapos magsawa ng mga mata, dumako iyon sa kwadradong litrato na nakapatong sa lamesa niya.

Claire...

That was taken during Claire's graduation in highschool. Bakasyon niya noon kaya nakauwi siya ng Pilipinas. Hindi niya kasama ang Mommy niya noon. At kahit minsan naman ay hindi iyon sumama sa kanyang magbakasyon dito sa Pilipinas. Palagi kasing sinasabi ng Mommy niya na walang idudulot na maganda sa buhay niya ang pakikipagmabutihan niya sa kapatid. Hinaplos niya ang litrato. Ang ganda ng mga ngiti ni Claire doon. Ngiti na puno ng mga pangarap at saya. Ngiti na puno ng buhay at pag asa. Anim na taon na ang nakakaraan ngunit wala pa ring linaw ang kaso nito.

Claire was drugged and abused. Iyon ang kinamatay niya. One year Death anniversary ng Mommy niya nang makatanggap siya ng tawag mula sa Pilipinas at sinabi ang tila bangungot na balitang nagpayanig sa kanya. She's still remember that day. She was mad. Dalawang tao ang kinuha sa kanya sa magkasunod lamang na taon.

Her mother died, one year before Claire's brutal death. Blame her cancer that took her life. Nagpatuloy siya sa pag aaral sa tulong ng mga naiwan at napundar ng ina niya. Brenda Smith was not that rich pero sapat na ang mayroon ito para mamuhay siya ng maayos at komportable. Tandang tanda pa niya ang unang beses na nakita niyang umiyak ang ina. Kilala niya ang Mommy niya na matapang at palaban. Hindi nagpapakita ng takot kahit na kanino. That was the time that she thought there is something wrong to her.

"Mom?" Gen sneak inside her mother's room that afternoon.

"I am sorry."

That same day. Her mom told her the darkest secret about her. Hindi totoong namatay sa aksidente ang ama niya at hindi totoong ikakasal ang mga ito bago pa iyon mangyari. That what her mother told her. Na isang pure blooded Filipino ang ama niya at nakatakdang ikasal ang dalawa kung di man lamang naganap ang aksidente. Her mother's lies and antics. She doesn't knew anything about his Dad. Until her mother told her. Mula san Francisco ay nagbakasyon sa pilipinas ang ina niya. Doon niya nakilala si Renato Delos Reyes. Ang bakasyong iyon ay nagkaroon ng ibang khaulugan nang tuluyang nahulog ang kalooban ng kanyang ina kay Renato. Ang lalaking nangakong mahal ito at hindi iiwan. Sinabi noon ni Renato sa Ina niya na susunod ito sa San Francisco upang doon na magtrabaho. Her mom waited for him there. But he didn't come. Nakuha ni Renato ang buo nitong pagkatao nagbigay ng mga pangako na pinaniwalaan at hinitay naman ng kayang ina. Buntis na ito noon nang mabalitaan niya na nag asawa na si Renato. And that's the end the story that she thought would have a happy ending.mag isa siyang biinuhay ng kanyang ina.

On her 17th birthday, her Mom were diagnosed with Leukemia isang uri ng Blood Cancer o sakit sa Dugo. A Chronic Lymphocytic Luekemia, na hindi nila inanasahan ang paglabas nito at pag apekto sa kalusugan ng kanyang ina. Brenda did not noticed some changes on her. Akala nito ang madalas na pagkapagod at pagbaba ng timbang nito ay senyales lang ng over work nito at puyat sa pagtatrabaho. Pero nang dumalas na ang pagkakaroon nito ng lagnat ay doon na napagpasyahan ng kanyang ina na magpacheck up. At ang sakit nito ang unti unting bumago sa mga buhay nila. Naging mahirap para sa kanila dahil si Brenda Smith lang ang kumakayod sa kanilang dalawa.

Nasa patuloy na gamutan ang kanyang ina nang ipagtapat nito sa kanya ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Noong una ay hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan o ano? Ang nasa isip niya ay baka sinasabi lang iyon ng ina upang di siya matakot na ano mang oras ay pwede siya nitong iwan at magiging mag isa siya. Tandan tanda pa niya ang hitsura ng lumang litrato na ipinakkita sa knaya ng kanyang ina. Brenda even urge her to find him, to find Renato Delos Reyes. Hindi niya alam kung ano pa ba ang pwede niyang matuklasan sa bagay n agustong ipagawa sa kanya ng kanyang ina. But thanks to Ricardo Protacio, kaibigang matalik ng kanyang ina at isang Pulis sa Pilipinas. Ito na rin ang tumayong pangawalang ama niya. Ito ang tumulong sa kanya na tuntunin ang lugar kung saan nakabase ang biological father niya. Sa isang panig ng central Luzon natagpuan ang tirahan ng ama niya sa pilipinas. Happy, contented at may kompletong pamilya. Bagay na hindi siya nagkaroon.

Kinuyom niya ang mga kamao. Pilit na umuukil sa isip niya ang mapait at masakit niyang kabataan. Mag isa siyang itinaguyod ng Mommy niya na kahit may sakit na itio ay pinipilit parin ang sarili na gampanan ang pagiging ina at ama sa kanya. Ilang birthday's, graduation at special occasions ang dumaan sa buhay niya na tanging si Brenda lamang ang kasama niya. Saka niya nakilala si Claire. Anak ng ama niya sa asawa nito. Mabait si Claire sa kanya, bata ng dalawang taon itio sa kanya. Gayun din ang ina nitong is Vanessa Delos Reyes. Pilitin man nya ang sarili na sabihing tanggap siya ng pamilya nito hindi pa rin mababago ang katotohanang---sampid siya, pamilya sa labas at anak siya sa labas.

Walang bukambibig ang ina niya kung gaano nito minahal ang ama niya. Na hindi niya dapat isipin na produkto siya ng isang pagkakamali mula sa kahapon sapagkat nagmahalan ang dalawa at siya ang naging bunga niyon. Pero gayunpaman umasa pa rin sila na gagaling ang ina niya. Pero matapos lamang ang ilang taong pakikipaglaban nito sa leukemia ay binawian na rin ito ng buhay at kusa nang sumuko sa pakikipaglaban nito. Her mom once said, life is choosing a battle you must win. And Brenda choose to give up and find the true happiness in afterlife.

Pinahid niya ang luhang naglandas sa pisngi at pilit na iniwawaglit ang nakalipas na nakaraan. Hindi na mahalaga kung ano ang nakalipas. Ang mahalaga ngayon ay malaman niya ang totoong nangyari kay Claire at mabigyang linaw ang kamatayan nito. Hustisyang naging madamot sa kanya ang pilit niyang hahanapin. At mag uumpisa siya kay Cain. Sa lalaking ugat ng lahat ng ito. 

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now