Chapter Thirty-Seven

45.6K 1K 18
                                    

 "Good morning."

Bahagya pang napakislot si Gen nang pagbukas niya ng pintuan ay si Cain ang tumambad sa kanya. And now, he is smiling. Smiling like nothing happened from last night.

"Nandito ako. I can help you in anything. Basta magtulungan lang tayo."

That what Cain told her last night. Matagal pa silang nag usap ng binata bago ito nagpasyang umuwi na. nagbilin pa ito na ilock niya mabuti ang pituan at wag magpapasok sinoman lalo na kung hindi naman daw niya kilala. She sac saw now the protective verson of him. Wala man silang napapag usapan. Pero gusto nalang niiyang isipin na ginagaw aniya iyon dahil naging mahalaga siya dito bilang isnag kaibigan.

"Ready?"

Kumunot noo siya. "Ha? May lakad ba tayo?"

Hinawi ni Cain ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya at saka ngumiti muli sa kanya. "So? Nakalimutan mo?"

Napuno ng pagtataka ang isip niya. "Ang ano?"

May pinag usapan ba sila kagabi na may lakad sila ngayon? wala siyang matandaan.

"Sasamahan kita today. Babalik tayo sa bahay ng Daddy mo at aayusin natin doon ang dapat ayusin." Sabi sa kanya ni Cain.

Binalikan niya ang sa isip ang nangyari kagabi. Saka nag sink in sa isip niya ang tungkol sa kalagayan ng ama niya. And how she cried to him dahil doon.

"Seryoso ka?" Naniniguro niyang tanong.

"Bakit hindi?" amused na tanong naman ng binata sa kanya.

Bigla niyang naalala na biyernes ngayon. "Pero may pasok na ako sa lunes. May mga kailangan akonga ysuin bago ako bumalik sa headquarter." Aniya sa binata.

"No problem. We'll go back here tomorrow morning." Sabi ng binata sa kanya.

Tumango siya bilang pagsang ayon dito. "Sige magbibihis lang ako at para hindi tayo matrafic sa daan."

Tatalikod na siiya nang marinig naman niya ang pamilyar na tinig ni Jimboy.

"Ate Gen!"

Sabay pa silang lumingon ni Cain.

"Jimboy bakit?" May inabot ito sa kanya.

"Yung babae po kaninang umagang umaga hinahanap kayo. Eh nainip po yata kasi tulog ka pa daw kaya iniwan nalang ito." Inabot nito sa kanya ang pulang kahon. Agad niyang kinuha iyon.

"Binuksan mo ba ito?" Tanong niya sa bata. Umiling lang ito.

"Sabi po ni lola wag ko daw bubuksan ang di sa akin." Ngumiti siya. Mabait na bata talaga si Jimboy.

"Anong hitsura nung babaeng sinasbai mong nagbigay nito?" simpleng tanong niya sa bata. Inisip niya kasi nab aka isa lang sa mga katrabaho niya na nasasabik na Makita siya muli sa lunes.

Humawak sa baba ang bata at nagisip na tila inaalala ang hitsura ng nakita nito. "Maganda po. Mukhang doll. Kilala nga pos iya ni Lola eh."

Doon na kumunot ang noo niya hanggang sa nagkatinginan na sila ni Cain. "K-Kilala ng lola mo?"

"Opo" Mabilis na sagot ni Jimboy.

"Ano daw ang pangalan?" Usisa pa niya ulit.

"Hindi ko po alam. Hindi naman sinabi ni Lola." Hinaplos lang niya ang buhok nito at saka lumingon sa paligid.

"Hey, something wrong?" Agad n atanong ni Cain.

May kakaiba kasi siyang kaba na nararamdaman. "May mali eh."

Niyuko niya muli si Jimboy at saka tinanong. "Nasaan ba ang lola mo?"

Tumaas naman ang balikat ng bata. "Umalis po. Pero sabi niya sa bahay lang daw po ako. Wag daw akong aalis."

Lumuhod siya at saka pinantay ang mukha sa bata na ngayon ay ,puno na ng pagtataka sa mga mata. "Sige ganito nalang. Alam mo naman ang cellphone number ko hindi ba?"

Tumango si Jimboy. "Opo."

"Okay, Good." Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. "Tawagan mo ako kaagad kapag dumating na ang lola mo ha. Sabihin mo may itatanong si Ate Gen sa kanya."

Tumingin ang bata sa kanya saka kay Cain. "Okay."

Sinundan nalang niya ng tingin ito hanggang sa nakalayo na. nakita na lamang niya ito na pumaosk na s aloob ng bahay. Siya naman ay nagpaalam sandali kay Cain upang magbihis na. sumunod sa kanya sa loob ng bahay si Cain. Nakita pa niyang kusa na itong umupo sa couch na nasa maliit niyang salas at nakamasid lang. hinayaan naman niya at saka inunnag ayusin ang sarili. Matapos ang may labing limang minute ay lumabas na siya.

"Shall we?" tanong ni Cain nang Makita agad siya.

Tumango naman siya dito. "Tara na."

Sana tama na nga ang gagawin niya. Susubukan na niyang lakasan ang loob na tanungin sa ama ang lahat bago pa man tuluan itong makalimot at hindi na maalala ang lahat buhat sa nakaraan. Napalingon siya kay Cain nang hawakan nito ang kamay niya habang palabas na sila. Ngayon alam na niya, na may tamang dahilan na para tanggapin niya ang naging kwento ng buhay niya. Ano man ang maging kasagutan mula sa nakaraan ngayon niya napagtanto na nabigyan na siya ng dahilan para unawain iyon at tanggapin.

"Thank you." Agad naman angyuko ng ulo sa kanya si Cain matapos niyang bumulong dito.

"For what?" sabay ngiti ng banayad sa kanya.

"For being here."

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now