Chapter Twenty-five

51.9K 1.3K 26
                                    

Chapter Twenty Five

Walang imik na umalis nang dance floor sina Gen at Cain. Humiwalay sa kanya ang binata nang may tumawag dito na lalaki kasunod ang ama nito na si Mr. Sandoval. Pabalik na sa lamesa si Gen ng makasalubong naman niya si Cabby. The woman they said na bestfriend ng binata.

"Hi Gen! we've met again!." She glanced down.

Napakasopistikada nito sa suot nitong black gown. Sa tangkad din nito, iisipin niyang isa itong modelo o kaya naman ay beauty queen. Unat na unat din ang mahaba nitong itim na buhok. Walang wala ang buhok niya kung ikukompara dito. Na kung di pa siya naglagay ng hair clip ay iisipin marahil ng iba na tomboy siya.

"I'm Cabby. Cain's best friend. Remember?" Nilahad nito ang kamay sa kanya. May nakaplaster na ngiti sa mga labi nito.

Nag aatubili pa siya kung tatanggapin 'yon. Kamakailan lang ay naiinis siya dito tapos ngayon ay kinakausap siya nito.

"Gen. Gen phoebe. Nice to see you again, Cabby." Ngumiti siya ng ngumiti ito sa

kanya.

"I'm glad I saw you here." Sandaling napalis ang agam agam niya dito. Hindi nya masisi ang sarili. Mataray at masungit ang una niyang pagkakakilala dito. "So, are you two dating?"

Takang tinignan niya ito. "I-Ibig mong sabihin si C-Cain?"

"Yeah?" Na sinamahan nito ng pagtango.

Nahihiyang ngumiti siya saka umiling. "H-Hindi. Mali ang iniisip mo."

"Well, wala namang masama. I don't see any wrong kung magdate kayo. I mean, Cain is certified single. And I guess, you too." Cabby very polite to her. Sa katunayan, panay ang ngiti nito at tawa. Even all the guest na bumabati dito ay nginingitian nito lahat. "Unang kita ko palang sayo alam ko nang iba ka."

"P-Paanong iba?" Nagtatakang tanong niya.

Nagkibit balikat ito. Cabby fanned herself with her slim black leather pouch.

"Binabanas ako dito. Tara doon tayo." Sabay turo nito sa madilim na parte ng garden. It is far from the crowd at madalang daanan ng mga tao. Sumunod siya. Wala naman masama kung makikipagkaibigan siya dito. And besides, if there is someone who very close to Cain si Cabby yon. Maybe she could get a little details from her.

May swing malapit sa gazebo. Sabay silang umupo doon at tumanaw sa kalawakan. Tila nagpapaligsahan ang mga bituin sa kanya kanyang kinang.

"You're different dahil ikaw palang ang tinanggap ng pamilya nila. Well, Cain dated a lot of women before pero ikaw palang ang nakita kong tinanggap ng mga magulang niya." Pag uumpisa ng babae. She got her curiousity kaya naman tumingin siya dito.

"H-Hindi pa ba siya nagkakagirlfriend noon?" marahan niyang tanong. Gusto niyang malaman kung kilala ba talaga nito ang binata.

Cabby laughed. "Silly girl. Of course nagka-girlfriend na si Cain noon. At hindi ko na bibilangin kung ilan. But the only serious relationship he had ay napakatagal na rin. Pero ang alam ko ay hindi gusto ng mga magulang niya ang girlfriend niya. Well, she's a probinsyana pero mabait naman."

Si Claire ba ang tinutukoy niya?

"Naging kaibigan ko rin ang girlfriend niya noon. Monica was kind and cool. Masayahin at palabiro." Tinambol ang dibdib niya. Si Claire nga ang tinutukoy nito.

Monica Claire.

"Halatang mahal na mahal ni Cain si Monica pero niloko siya ng Girlfriend niya."

Doon siya natigilan. "N-Niloko? Paanong niloko?"

"Well, have you experience the Long distance relationship?" umiling siya.

"Hindi 'yon natagalan ni Monica. Naghanap siya ng iba. And sadly, nabuntis siya. Hindi kay Cain ang batang ipinagbubuntis niya noon. She got impregnated with a married man."

Gusto niyang mapasinghap. Hindi niya akalain na ganoon ang nangyari. Pero imposible! Mabait na bata ang kapatid niya. Oo lumabas sa autopsy nito na buntis ito nang mamatay. Pero alam niyang hindi magagawa ni Claire na pumatol sa may asawa!

"Ito namang si Cain. Binalikan lang ni Monica hayun! Handang akuin ang bata kahit hindi kanya. Maybe that's the reason kung bakit hindi nagustuhan ng mga magulang ni Cain si Monica." Tumayo ito sa pagkakaupo sa swing. Tumanaw ito sa kumpol ng mga tao sa gitna ng maluwang na bakuran.

Her mind blurred with so much emotion. Tama ba ang mga naririnig niya kay cabby tungkol sa kapatid niya? That Claire had an affair with a married man? Pero hindi ganoon klaseng babae ang pagkakakilala niya dito.

"K-Kilala mo yung lalaki?" She was asking about her sister's lover.

Tumingin ito sa kanya na tila kabissdo ang lahat. "Oh! You mean Gregory Lopez? Who wouldn't know about that guy? Maraming pera, successful at gwapo." Sabay tawa nito. "But unfortunately, married."

Alam niya ang tungkol doon. That Lopez is a married guy. Pero hindi niya inaasahan ang matutuklasan na nakarelasyon nito ang kapatid niya.

Kaya ba namatay si Claire?

"P-Paano mo nalaman ang mga tungkol doon?" Maingat na tanong nia kahit pa nga halos kinakapos na siya ng hininga.

"Well, Cain is my Bestfriend and Monica was my friend too. Matagal nang gusto ni Monica na makipaghiwalay kay Cain. Pero ayaw pumayag ni Cain. Sabi niya handa niyang panagutan ang baby kahit hindi pa iyon sa kanya. But Monica was obsessed with Gregory. Pumunta siya sa lalaki at sinabi ang kondisyon niya. Pero hindi naniwala sa kanya si Gregory. Hindi daw nito anak ang pinagbubuntis ni Monica."

Hindi alam ni Gen kung maniniwala ba siya dito o ano? Wala naman siyang nabalitaan na ganoon pero base sa pagkakakwento ni Cabby sa kanya ay tila alam na alam nito ang kabuan ng ma nangyari noon sa kapatid niya.

Mabilis nitong hinawakan siya sa balikat. "Palaging nagtatalo noon sina Cain at Monica. Monica tried everything she can para makipaghiwalay kay Cain pero ayaw pumayag ni Cain. Sobra niyang mahal ang babaing iyon na lahat kaya niyang gawin para lang wag itong mawala sa kanya. At kahit ngayon, pala isipan parin kung si Cain nga ba ang pumatay kay Monica."

Nais niyang maliyo sa mga sinasabi ng kausap niya. May bahagi niya nab aka ito na ang sagot sa mga tanong niya. Na baka nagawa ngang patayin ni Cain ang kapatid niya dahil sa labis na pagmamahal nito na humantong na sa kabaliwan. Pero bakit may bahagi niya na ayaw maniwala sa mga posibilidad na iyon? Na baka hindi iyon totoo?

"B-Bakit sinasabi mo sakin ang mga ito?" Nagtatakang tanong niya. Natatakot siya na baka totoo ang mga 'yon. Oo at hustisya ang gusto niya para kay Claire pero ang isipin na baka totoo ngang si Cain ang pumatay dito ay tila di niya kakayanin. Pero hindi ba't ito naman ang gusto niya talagang malaman? Ang katotohanan? Katotohanag ipinagkait sa kanila para sa hustisya.

"Hindi ko siya sinisiraan sayo but I am his best friend. And I know him more than you do. At sa tingin ko, hindi masamang malaman mo ang mga iyon." At saka ito bumugtong hininga.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon