Chapter Twenty-three

48.6K 1.2K 26
                                    

Chapter Twenty Three

Nakaupo sa isang mesa si Gen habang kausap ang mga bago niyang nakilala. Si Amanda na asawa ni john na kaibigan ni Cain. Si Daphne na asawa naman ni lex na pinsan ni John at si sheine na kanina pa tahimik. Ito ang date ni abel na kapatid naman ni Cain. She saw her arrived with abel earlier. Napapansin pa nga niya ang pananahimik nito at hindi pagsali sa usapan. O marahil hindi lang ito palakwento gaya ng mga kasama nila. Kahit papano ay nalilibang siya dahil madaldal si Daphne. Doctor pala ito. Si Amanda naman ay parang napaka anghel. Pino kung tumawa at napakapino ng bawat galaw. At si Cain naman. Hindi pa niya ulit ito nakikita matapos siyang pabayaang sumama sa ina nito at ipakilala sa buong angkan nila. Narinig niyang tumawa si Daphne sa sarili nitong joke. Nakisabay na rin siya sa tawanan. Hanggang sa komportable na siyang kausap ang mga ito.

"For sure makakarelate si Phoebe dito." Baling ni daphne sa kanya. "pulis ka diba? I'm sure kilala mo si Cardo." Matagal bago niya nakuha ang ibig nitong sabihin.

Tumingin siya kay Amanda. "Sakyan mo nalang yan." Aniya habang pinipigil ang tawa.

Saka niya naalala ang isang high rating action teleserye ngayon na siyang sikat at miski ang tatay niya ay super fan. "Oh! Si Coco Martin!"

Nguniti si daphne sa kanya. "Alright ganito kasi yan. Si Cardo I mean Coco Martin, ang tagal na niya sa Manila. Ang ibig kong sabihin is sa manila na siya nakatira. Probinsyano pa rin ba siya?"

Amanda was laughing so hard. Siya naman ay kumunot muna ang noo. Matagal bago niya na pick up ang joke nito. And then, she remembered his teleserye. The Ang Probinsyano who played by FPJ before.

Hindi na rin niya napigilang mapahagalpak ng tawa. It was really fun that she met them. "Hindi ko alam na super joker ka pala." Aniya sa babae.

Sumimsim muli ng wine ang doktora bago muling nagsalita. "Ganyan kasi kaming mag asawa sa bahay. Minsan feeling ko nga nagiging OA na yung mga jokes ko. Buti nalang mabenta parin sa mister ko."

Tumango tango siya. Ganyan din sina General Protacio at ang asawa nito kapag nauwi siya sa bulacan. Panay pa tawa kasi ang tatay ric niya lalo na kapag na sa hapag sila. Nang magpaalam sandalis is shenine ay naiwan silang tatlo sa mesa.

"So, where's your parent Phoebe? May mga kapatid ka ba?" Amanda asked.

Hindi niya alam kung paano agad sagutin ang tanong na yon. Tama ba na magkwneto siya o bigyan ang mga ito ng ideya tungkol sa kanya? But both of them are sincere. Until she found herself sharing the most painful part of her life.

"Patay na ang biological mother ko. Died in cancer." She paused.

Amanda and daphne both stared at her. Parehong nakikisimpatya. "we're sorry to hear that."

She smiled after and continue. "Yung nag iisa kong kapatid. S-she died year after my Mom died. She was murdered."

Si Amanda ang unang napasinghap. "Oh my God!"

"Pero tapos na ang mga yon ngayon. i know wherever they are now ay masaya sila para sakin." Nasabi nalang niya.

Pero alam niyang hindi iyon ang katotohanan. Claire wouldn't get happy wherever she is by now lalo't alam nitong nakakalat pa ang taong dahilan ng kamatayan nito. Alam niyang hindi parin natatahimik ang kaluluwa ng namayapa niyang kapatid.

"We're going to pray for their soul. At para din sayo. I also know how it feels, I mean ang mawalan ng pamilya." Sabi naman ni Amanda sa kanya.

Ngumiti siya at nagpasalamat sa mga ito. Naputol ang pag uusap nilang tatlo ng magsilapit ang asawang mga ito at ayain sa dance floor. Magalang naman na nagpaalam ang dalawa sa kanya. Naiwan siyang nag iisa sa mesa. Nakayuko siya sa kopitang hawak nang may kamay na dumantay sa balikat niya.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now