Chapter Thirty-six

Start from the beginning
                                    

Teenager na siya ng unang tumapak ang mga paa niya dito. Dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang Ina kaya nagawa niyang muling makipaglapit sa sariling ama. Pero sadyang may mga bagay na hindi na kayang baguhin ng kasalukuyan. Mananatili na lamang iyong nakaraan. Nakaraan na hinding hindi na pwedeng balikan. Aminin man natin at hindi may mga sugat s apuso natin na maghilom man at gmaling ay sadyang may kirot pa rin.

Pagkababa niya ng sasakyan, isang matandang lalaki ang nakita niyang nakayuko sa kumpol ng mga halaman, nag angat ito ng tingin. Hanggang sa ngumiti ng ubod lapad. Walang bakod ang paligid. Tanging mga naggagandahang bulaklak lamang ang nakapalibot sa dalawang palapag na bahay.

"Phoebe?"

Nginitian niya ang matandang lalaki. Kilala niya ito. Ito si Tatang Elmo. Asawa ni Inang Corazon o mas kilalang Azon, natatandaan niya kapag gusto niyang kumain ng kamaro ay ito mismo ang nagluluto niyon.

Hindi niya lubos maisip na ang peste sa bukid ay maari palang kainin, kaya kapag nasa pilipinas siya iyon lagi ang hinahanap niya. Isang exotic food na wala sa San Francisco. Saka lang din niya nalaman noon, na ang paborito niyang exotic food ay ginto pala ang halaga kapag kinain mo sa mga fine dinning restaurant sa buong norte at Manila.

"Ikaw nga!" Tuwang tuwang niyakap siya ng matanda. Naging malapit kasi siya rito. Lagi siya nitong binibigyan ng duhat noon.

"Kamusta po kayo?" Sabi niya sa tagalog na salita.

Lagi kasi itong nagrereklamo noon, na magtagalog daw siya dahil nahihirapan daw itong kausapin si'ya. "Aba! Magaling kana managalog ha!" Tawa tawang matanda. Nagpagpag ito ng kamay at saka inakay si'ya papasok ng villa. "Mekeni!"

"Natitiyak kong matutuwa ang Inang mo kapag nakita ka. Lalo na ang daddy mo.. "

Saglit nakaramdam siya ng kirot sa puso. Handa na nga ba talaga si'yang kausapin ang kanyang ama? At nakokonsemsya naman siya dahil, kung hindi pa sa ganitong sitwasyon hindi niya maiisip dalawin ang mga taong naging parte mg masayang kabataan niya noon. Kahit ba may kulang...

Nasa bukana pa lamang sila nang bahay ay amoy na amoy na niya ang aroma ng sinampalukang manok. Alam niya dahil isa iyon sa paborito niya dito sa pampanga.

"Azon.. Azon.." Tawag ni Tatang sa asawa. Lumabas naman ang asawa nito buhat sa kusina. Suot ang isang maputing apron.

"Ku! Ano ka bang matanda ka! May ginagawa naman ako sa loob." Halos, lumuwa ang mga mata nito pagkakita sa kanya. "Mahabagin! Ikaw na ba iyan hija?" Kahit ito ay sadyang nagulat din. Bakit hindi? May ilang taon na rin silang hindi nagkikita kita.

Niyakap siya nito at yumakap din si'ya. "Pagkaganda mong bata talaga! Bakit ngayon ka lang hija?" Sabay yakap muli sa kanya.

"Pasensya na po kayo. Marami lang po akong inaasikaso." Sabi niya sa dalawang matanda na hindi na iba sa kanya.

"Ay siya tara sa kusina... Tamang tama nagluto ako ng paborito mong sabaw." Halata sa tinig ng ginang ang sobrang saya. And she can't afford to spoil her joy and happiness.

Inakay siya nito papasok sa kusina. Hinainan ng paborito niya. Ang gutom na kanina pa nakalipas ay bumalik na naman sa kanya matapos makita ang katakam takam na putahe.

Kumuha siya ng patis at sili. At saka maganang kumain. Heaven!

Napapapikit pa siya sa tuwing susubo siya. "Tiyak matutuwa ang daddy mo kapag nakita ka." Sabi ng ginang na kinatigil niya sa pagkain. Nag ulap ang mga mata niya. Pakiramdam niya hindi pa si'ya handa.

"Hindi naman ho ako magtatagal Inang. M-May kailangan lang po akong itanong sa kanya." Aniya saka nag iwas ng tingin.

"Ganoon ba? Akala ko naman ay mamimirmihan ka dito kahit isang lingo lang." may bakas ng lungkot siya nakita sa mga mata nito.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now