Chapter Thirty-five

Start from the beginning
                                    

"Wag kang mag alala puro pinoy dish na ang mga yan at hindi exotic." Sabi ni cain na tila na halata ang pag aalinlangan niya.

Pamilyar naman siya sa mga pagkaing nakikita niya. May crabs and shells at tuna. Halos lahat ay lalo lamang nagpapatakam sa kanya. Kaya naman ng lagyan ng binata ng kanin ang pinggan niya ay hindi na siya nagpaawat na kumuha ng putahe na gusto niya. Magana siyang kumain at nakalimmutan niya panandalian na kanina lamang ay napatikim siya ni Cain ng uod.

Masasabi bang nagbabago na siya kung sasabihin niyang masaya siya sa presensya ng binata? That she suddenly forget everything that surrounds her. Na hindi man niya maipaliwanag pero bakit ang gaan ng pakiramdam niya kapag kausap na niya ito at sa bawat sandali na nag kukwentuhan sila ay tila mas lumalalim pa iyon?

"Magkakasundo kayo ni Mama pagdating s apagkain ng seafoods." Puna ng binata s akanya habang tawa tawa na pareho silang nakakamay kumain.

"Alin? Yung pagkakamay?" sabay tawa naman niya. "Alangan namang gamitan ko pa ito ng kutsara at tinidor?" aniya sa hawak na alimango.

Napangiti naman si Cain dahil sa sinabi niya. "Silly. Pero hindi yan ang tinutukoy ko. Mom loves vinegar. Hindi ko alam na hilig din mo palang isawsaw ang pagkain sa suka."

Niyuko ni Gen ang daliring ang sawsaw sa suka na may bawang at sili. "Paborito kasi naming ni Mommy ang ganito. Lalo na kapag maanghang na maanghang."

Hindi napigilan ni Gen na maalala ang ina niya. Tila may mumunting alaala ng kabataan niya na biglang sumingit s aisip niya at ang iwan ng mumungting ngiti s alibi niya. Ngiti di dahil sa lungkot ngunit ngiti na nagpapaalala sa kanya na habambuhay na nasa puso niya ang ina saan man ito naroroon ngayon.

"You must love your mom that much." Komento ng binata sa kanya.

Tumango naman si Gen. ang nanay niya ang nag iisang tao na pinilit mabuhay makasama lang siya. Pero talagang hindi na nito panahon kaya ang Panginoon na mismo ang nagtakda kung hanggang saan na lamang ito.

"I love her so much. Nag iisa lang siya at hindi siya kayang palitan ng kahit na sino." Sa gilid ng mga mata niya ay sumuungaw ang isang butil ng luha na pinigilan niyang maglandas sa pisngi niya.

Alam niyang matagal na pero ang sakit pala niyon ay nakaukit na. anghihintay na lamang ng tamang panahon kung kailan tuluyang maglalaho at mapapallitan na lamang ng mga masasayang alaala. Naramdaman niya ang palad ni Cain sa ibabaw ng kamay niya. And then she felt the warm sincerity came from him.

"Wherever she is right now. Alam ko nakabantay lang siya sayo at ginagabayan ka. Wag mo sanang kakalimutan yon." He said softly.

Tama siya. Her mom must be in heaven right now. Pero hindi naman ito tuluyang nawala dahil nasa mga daal pa rin niya ito. And she'll remained in her prayers forever.

"Cain?"

Agad nahila ni Gen ang palad nang marinig nila ng binata ang pamilyar na tinig na iyon. Nang sabay silang lumingon ay nakita nila si Cabby.

"Cabby!" Uamangat sa pagkakaupo si Cain upang humalik sa ppisngi ng kaibigan nito. "What are you doing here?"

"I was in the second floor. I had a meeting with someone then I saw you." Plaiwanag ng babae.

Cabby is indeed a gorgeous one. Off-shouldered dress ang suot nito at strappy sandals. Isang pares naman ng mahabang tassel earnings ang nasa tenga nito. Pasimple niyang tinignan ang sarili. Maroon polo shirt at denim pants lang ang suot niya. Magmumukha nga siyang tomboy sa mga mata ng kahiit na sinong makakakita sa kanila lalo pa't maikli ang buhok niya.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Where stories live. Discover now