Chapter Twenty-three

Começar do início
                                    

Nagulat na nag angat siya ng tingin.

"My God Tobby! Aatakihin ako sayo sa puso!" Bulaslas niya nang makita si Tobias sa likuran niya habang salubong ang kilay.

"So tama nga ng hinala ko.. Ikaw nga ang nakita kong kasama ni Cain ng dumating siya." Nagyuko siya ng ulo. Nahihiya siya kay Tobias. Dahil sinuway na naman niya ito.

Parang kapatid na ang turing nito sa kanya. Pamangkin na sa pinsan ito ni General Protacio. At ang mommy niya ay kapatid sa labas ng Tatay-tayan niyang si General Protacio. So technically, hindi basta magkaibigan lamang ang mommy niya at ang tatay Ric niya. They're siblings at sila naman ni tobias ay halos magpinsan na.

"I'm sorry! Hindi ko kasi akalain na dito kami pupunta." Hinging paumanhin niya dito na may kalakip pa rin na pagsisinungaling. Hanggang kailan ba siya magsisinungaling sa mga taong malalapit sa kanya?

Hinawakan nito ang kamay niya.

"I want to spank you right now. Napakatigas kasi ng ulo mo. I already warned you. Pero talagang makulit ka. Now, tell me.. Anong pwede kong gawin sa'yo?"

Nahihiya na talaga siya rito. "I'm sorry talaga."

Matagal na siyang sinasabihan nito na wag na makipag ugnayan kay Cain. Kaibigan nito ang lalaki at tila nararamdaman nito ang pakay niya kaya palagi siyang pinag sasabihan.

"Bakit hindi mo pa kasi tigilan ang ginagawa mo? I am not defending him pero matagal ko nang kilala is Cain. I don't think he is capable of doing such crime."

Hindi siya agad nagsalita. Wala pa rin naman kasi siyang nakukjuhang malinaw na ebidensya na pwede talagang mag ugnay sa binata at sa kapatid niya.

"Gaano mo na ba siya katagal na kilala?" Tanong lang niya.

Tila nag isip at inalala muna ni Tobias ang lahat. "We were first meet sa intership naming. Doon kami nagkakilala. But I knew his brother first. Kami ni Abel ang unang naging magkaibigan because were from same university."

Ang gusto lang naman niyang tuklasin ay paano at saan nagkakilala sila Claire at Cain. Baka kasi doon masagot ang mga tanong niya. "Nakilala mo ba si Claire noon?"

Umiling si Tobias. "I never met her before. Basta ang alam lang ko ay may binabalik balikan si Cain sa probinsya. That there's a promdi girl na doon niya nakilala. I'm sure his brother knows about it."

"Naging suspect si Cain sa pagkamatay ni Claire pero hindi napatunayan. Walang nagyari sa kaso dahil walang matibay na ebidensya. Malinis ang pagkakapatay kay Claire at walang naiwang bakas miski na ano. Ang gusto ko lang naman ay malamn ko ang totoo at don lang ako mtatahimik." Aniya.

Hinawakan ni Tobias ang palad niya. "Naiintindihan kita, Gen. pero ako na ang nagsasabi sayo. Imposible na patayin ni Cain ang kapatid mo. From what I heard, mahal na mahal ni Cain si Claire and I still not conviced na kaya niyang saktan ang babaing mahal niya."

Siya nga kaya? Talaga nga kayang walang kinalaman si Cain? "But I know someone na pwede mong tanungin."

Pagbibigay pag asa ni Tobias sa kanya. Agad siyang nabuhayan ng loob. "Sino?"

Nagpalinga linga si Tobias ats aka may itinuro sa kanya. "That woman."

Kumunot ang noo niya. Kilala niya ang babaing itinuturo nito. Unang nakita niya ang ababe sa bahay na ding ito. Noong bumisita siya ay eksaktong dating niya. Maganda na ito noon pero bakit parang mas maganda pa ito ngayon? she suddenly felt insecure. She has a long shiny hair at ang mga kalalakihan ay nahahatak nto ang atensyon.

"Cain's friend?"

"Cain's bestfriend." Pagtatama ni Tobias. "Baka siya ang makakasagot sa mga tanong mo."

"How do you mean?"

"They're childhood friend. Inseperable ang dalawang iyan at alam lahat ni Cabby ang mga nangyayari kay Cain mula noon. Ang alam ko ay kilala ni Cabby si Claire. If I am not mistaken, cabby was the one who introduced Cain to your sister" Bigay impormasyon ni Tobias sa kanya.

Napaisip siya dahil sa sinabi nito. "Pero bakit hindi ko nabasa yan sa imbestigasyon?"

Napailing naman si Tobias dahil sa tanong niya. "I don't know. Basta ang alam ko lang ay sabi ng mga imbestigador. Wala sa bansa si Cabby nang maganap ang krimen. Have you ask tito Ricardo about this?" Tukoy nito kay General Protacio.

Umiling siya. "Hindi. Alam mo naman na magagalit iyon kapag nalaman niya itong mga ginagawa ko. Lalo pa't suspendido pa rin ako hanggang ngayon."

"You should tell him about it. Mas delikado para sayo kung sinosolo mo ang undercover investigation na ginagawa mo." May pag aalala sa tinig ni Tobias.

"Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko. At isa pa naniniwala ako na malapit ko nang malutas ang kasong ito. Konting tiis nalang." May kompiyansa niyang saad.

Tinapik lang siya ni Tobias sa balikat at yumakap bago nagpaalam sa kanya. He may be a dangerous and asshole pero malaki ang respeto at pag galang niya rito. Tobias is a kind of man na papangarapin ng lahat ng klase ng babae. At kung sino man iyon, maswerte siya. 

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Onde histórias criam vida. Descubra agora