The Favor

2.1K 120 6
                                    

"Menggay!"

Muntik na kaming mahulog dalawa sa kinauupuan namin sa gulat... Mabuti na lang at naalalayan ko si Mendoza...

"Nanay? Tatay?"
"Sino siya? Bakit nakarecline ka pa sa kanya?"
"Nay, ang ingay nyo naman! Natutulog pa yung tao e!" Nagmamaktol na sabi ni Kuya Nico..
"At ikaw Kulas! Bakit hinahayaan mo na ganito dumikit ang kapatid mo sa lalaking ito?" Sabi ni Nanay...
"Mary Ann, hayaan mo muna sila magpaliwanag!" Sabi ni Tatay Dub.

"Nanay, siya po si RJ Faulkerson, kaibigan po namin ni Menggay at siya ang tumulong sa amin..." Sabi ni Kuya...

Walang makakibo sa amin ni Menggay... Dahil pareho kaming nagulat at iniisip kung ano yung pwesto namin at medyo naalarma ang Nanay ni Maine at Nico...

"A, Ma'am pasensiya na po kayo... Magandang umaga poh... " naiilang at natatakot man iniumang ko ang kamay ko para kamayan si Mrs. Mendoza...
Pinagmasdan ako ni Mrs. Mendoza at inabangan ko na ang pang iinsulto pwede ko matanggap o kung ano pa nang masamang salita n pwede Kong matanggap pero nagulat ako matapos ang ilang segundo...
"Magandang umaga din sa iyo, iho! Pasensiya ka na dahil nabigla lang ako... At maraming salamat pala sa pagtulong mo sa b1 at b2 ko..." sabay abot sa kamay ko...
"Nanay....." Sabay na protesta ng dalawa...
Napangiti ako sabay sabing...
"Bananas and pajamas are coming down the stairs..."
Napatingin ng masama sa akin ang dalawa... Kaya hindi ko napigilan na napangiti ng malaki... At napansin ko na napangiti rin ang mga magulang nila...
Parang ang sarap nilang tingnan, parang ang gaan ng buhay nila at parang wala silang ere...
"Pasensiya ka na iho ha? Nagulat lang ako na may isang boy na makakalapit sa b2 ko e sobrang mahiyain at takot sa tao yan e..." Sabi ni Nanay...
"Nanay...." Protesta ni Menggay...
"Hindi basta nagtitiwala si Mendoza kaya alam ko na pwede kitang pagkatiwalaan din iho... At lalong hindi hahayaan ni Nico yan kung wala siyang nakikita sa inyo ng iba!" Sabi ni Nanay...
"Mary Ann, hayaan mo na silang dalawa... Alam nila ang ginagawa nila... Magsasabi rin yan!" Sabat ni Tatay Dub.

Nagtataka ko pareho ni Maine kung ano ang sinasabi nila...
"Hayaan ninyo muna sila Tatay... Darating din sila diyan..." Sabi ni Nico na nakangiti sa amin at nakatingin sa parteng ibaba namin... Napatingin kami pareho at nagulat pa kami na magkahawak ang mga kamay namin!
Bigla kaming nagbitaw, at pulang-pula ang mukha naming dalawa...
"Teka lang, Nay! Ano oras na po ba? Kasi nagbilin ang nurse na i-check ko sa counter kung may isasaksak pang gamot Kay Kuya para sa pain..." Hindi na niya hinintay na pumayag ang mga magulang niya... Lumabas na lang siya ng nakayuko...
Paglabas niya, hindi ko alam kung paano ko itatago ang mukha ko...
"RJ, tama ba ako iho?" Sabi ni Tatay Dub
"Opo, sir" sagot ko...
"Wag mo na akong tawaging sir! Tatay na lang tulad ng pagtawag ng mga anak ko sa akin... Ano ba ang nangyari?"
Mabuti na lang at kahit pa paano, na-orient ako ng dalawa...
"Nagkamali po kasi ng kabig si Nico ng manibela kaya po napagawi sa bangin... Tapos kumabig ng medyo off kaya po dumiretso sa poste..."
"Nicolas, ano ba kasi ginagawa nyo ni Menggay sa lugar na ito? Meron ba kayong business dito?"
"Tatay, wala poh, naimbitahan lang po kami ni Menggay na kumain sa resto nila RJ... kaya napagawi kami dito and since kaibigan namin siya, pumunta kami para suportahan siya..." Sabi ni Nico.
"Opo, ganun nga po... Pasensiya na po kayo kung dahil sa akin nadisgrasya po sila" hingi ko ng pasensiya pero medyo nagi guilty ako dahil nagsinungaling kami... At isa pa, medyo off din kasi palugi na yung resto namin tapos naging "sanhi" kuno ng disgrasya... Hayyy, kawawang resto...
"A, ganun ba? Sige nga iho, Pag may time kami at may business kami pa-south, dadaan kami sa restaurant mo ha? At maraming salamat sa pagsama mo sa dalawang ito... Naku kung si Menggay ko lang, malamang nag breakdown na yun!" Sabi ni Mrs. Mendoza...
Sasagot sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Maine...
"Nay, Tay, may nurse po na papunta Kay Kuya dito, in 15 minutes... May isasaksak daw sa dextrose ni Kuya, pain killers yata.." Sabi ni Menggay.
"Oo nga pala, nagsikain na ba kayo?" Tanong ni Nanay at Tatay sa amin...
"Hindi pa po, Nay! Nagugutom na ako!" Sabi ni Kuya...
"Ahmmmm, Mr. Mendoza, aalis na po muna ako para po makausap nyo rin po ang mga anak nyo!" Sabi ni RJ...
"Ay, iho kumain muna tayo bago ka umalis... Pag hindi ka kumain, hindi ka na makakapunta dito!" Sabi ni Tatay..
"Kasi po nakakaabala na po ako sa inyo!" Dagdag ni RJ...
"Basta.. May pagkain na sa ibaba sa sasakyan, kukunin muna namin ng Nanay nyo!" Sabay alis at wala ng dahilan para sumagot pa...
"Nagkakailangan ang dalawa ng basagin ni Nico ang katahimikan...
"Ang sweet nyo tingnan habang natutulog... May picture ako, gusto nyo makita?" Ngising aso si Nico...
"Nakita mo kami tapos hindi mo kami ginising?!!!" Inis na tanong ni Maine Kay Nico...
"E, kawawa naman kayo, pagod na pagod kayo e... Hayaan mo na, di naman masagwa e... Eto oh!" Sabay harap sa amin ng cellphone niya...

 Eto oh!" Sabay harap sa amin ng cellphone niya

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Oo nga naman, hindi naman awkward... Tamang kaibigan lang ang peg...
Nagtinginan kami at nagngitian para kahit papaano medyo nawala yung ilangan...

"Oo nga pala, may sasabihin ako sa inyong dalawa... Importante ito at kailangan ko talaga ng tulong nyo..." Biglang sabi ni Kuya na seryosong-seryoso...
Kinabahan kaming pareho kaya di namin namalayan na napahawak sa braso ko si Maine at hinawakan ko ang kamay niya!

"May ipapakiusap ako sa iyo, Mendoza at sa iyo din Faulkerson! Magtulungan tayong tatlo..." Panimula ni Kuya Nicolas...

"Eto na yung pagkain... Menggay, halika at tulungan mo akong maganda ng mga ito para makakain na tayong lahat... Iho, bitawan mo muna ang kamay ng Menggay ko..." Sabi ni Nanay.

At sa gulat nakalimutan namin na magkahawak ang kamay namin... Namumulang nagbitaw kami at tumulong na lang ako sa paghahanda ng pagkain kasama nila Menggay...

"Ano kaya ang pabor na hihingin ni Nico at bakit kailangan kasama ako?!!!... Pero in fairness, ang lambot talaga ng kamay ni Maine..." Sa loob-loob ni RJ...

DECEPTION.... TO LOVE... TO FOREVER... (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora