Meet the Parents

2.4K 118 2
                                    

Maine's POV
Nagulat ako ng pumayag siya sa pakiusap ko na ibili ako ng damit... Hindi ko maiwasan na magbato ng joke sa kanya ng mga oras na yun, ewan ko ba parang at ease at sa kanya... He made me feel comfortable... Kaya nung bigla siyang sumimangot sa joke ko naiilang talaga ako! Ayan, masyado ka kasing assuming, Menggay! Pahiya ka no! Kaya ayun, parang gusto ko na namang magpakain sa lupa, pero nasa 7th floor kami  6 floors muna tatawirin bago yung lupa! Oo na, corny na ako! Batuhin nyo na ako ng corn! Tseee! Kalimutan nyo na, di nga pala tayo close! Going back someday, este going back to my reverie (lalim db? Pambawi ko sa mga nang-aasar, google nyo na), akala ko talaga medyo OK na kami... Kaya ayun si ako, sulking again... Kaya medyo na shock ako ng sabihin niyang nagbibiro lang din siya with matching pa-cute! (Aminin nyo, guwapo lang siya pero mas malala ang kakornihan niya!). Medyo natulala ang Lola nyo ng beri light kaya di ako nakasagot agad at yun na nga nagpanic ang lolo nyo! Hehehe... Cute talaga! Nagdrama na lang ako kunwari at dito idinaan ang pagpapasalamat sa kanya! Asa kayo na kiss ko siya agad, hard to get to uyyy! Hahaha... Pero ano nga kaya? Tseee! Staphhh it, NICOMAINE! Lagot ka Kay Kulas!

Nagpaalam siya sa akin na ngayon na siya bibili ng damit ko tutal maaga pa naman daw, almost 10pm pa lang kaya ayun, umalis na ang loko... Sabi ko kahit sa bangketa na lang basta disente OK na! Tinanong pa ko kung sigurado bang OK lang sa bangketa daw galing damit ko! Ako pa, e lumampas nga lang 2000 yung damit ko nilalagnat na ako e! Totoo yun, hindi ako maluho na tao kahit sabihin mo na may kaya kami... Tinuruan kami ni Nanay na matutong mag-alaga ng pera namin. Isa pa bago kami makahingi ng pera Kay Nanay pinaghihirapan namin yun, para daw matuto kaming magpahalaga ng tamang paggastos.. Binibigyan ko siya ng pera kanina kaya lang hindi niya kinuha or baka nakalimutan lang, ibibigay ko na lang ulit mamaya... Nakaramdam ako ng antok, siguro yung pagod ko sa nangyari, stress at lahat-lahat na kaya napapikit ako... Hindi ko namalayan na nakatulog ako...

Alden's POV
Naiisip ko na umalis muna at bilhin yung damit na gagamitin niya bukas tutal almost 10pm pa lang... Para bukas kahit ano oras dumating parentals nila nakabihis na siya ng tama... Naiisip Kong asarin siya ng sabihin niya na OK lang sa kanya na sa bangketa ko siya bilhan ng damit... Malamang nagbibiro eto kaya babalikan ko siya talaga! Sana wag mapikon! Hahaha... Nakakatuwa din kasi Pag nakakunot ang noo niya sa inis... Nandito ako sa harap ng Star Mall at kasalukuyang namimili ng damit sa bangketa... Nakikita ako ng jumper suit kaya tinanong ko kung magkano... 250 daw... Habang binabayaran ko, nagsisimula na akong ngumiti... Pilyong ngiti... Small price to pay para makita ko ulit yung pagkapikon niya... Naghanap ako ng shirt na ipanloloob niya... At makakita ako ng red lady shirt... Kinuha ko ang medium sized kasi medyo slim siya... 150 lang... Hehehehe... Babawi na lang ako kapag hindi niya isinuot to... Nakaramdam ako ng gutom kaya nag take out na rin ako ng pagkain namin sa McDonald's... My usual and I bought her some fries, chicken and rice... I even bought extras just in case naghanap si Nico ng food paggising niya! After an hour, before eleven bumalik na ko sa hospital and I was kinda relieved when I found her sleeping while sitting on a chair beside Nico...
I cannot stop myself to stare at her... She was too angelic with her eyes close and snoring mildly... Kawawa naman, talagang naapektuhan kanina sa nangyari...
Parang na guilty akong bigla sa kalokohan ko... Naisip ko na babawi na lang ako pagkatapos nito... Tinapik ko siya kasi kailangan niya ring kumain para kahit pa paano makabawi siya sa pagod...
"Maine" (ang sarap sabihin ng pangalan niya, sabihin na nating cute yung Mendoza, pero mas malambing ang dating kapag Maine)...
"Hmmmmm..." Until niya ng makina..
"Maine..." Shit! Ang sexy ng ungol niya...
Dumilat ang Mata niya sabay ngiti...
Damn that smile... Wala akong sakit sa puso pero super bilis ng tibok nito baka atakehin ako...
Nahimasmasan yata pagkatapos ng ilang Segundo...
"Uyyy, Faulkerson! Nakabalik ka na pala... Pasensiya na nakaidlip ako..." Sabay angat ng ulo at punas ng laway (kahit wala naman)...
"Oo nga e, ginising na kita kasi baka mabasa ng laway yung buong Kama ni Nico..." Pang-aasar ko sa kanya...
"Hala! Grabe siya!" Sagot niya pero hiyang-hiya...
Hayyy, cutie pie talaga!
"Eto na nga pala yung damit mo na pamalit... At bumili rin ako ng food para makakain na tayo... Hindi pa rin kasi ako naghahapunan e..."
"Ay! thank you! Pasensiya ka na talaga sa abala ha? At salamat sa damit... Eto nga pala yung bayad..."
"Wag na!" Sabay tulak ng pera pabalik sa kanya..."konti lang naman ginastos ko e...!"
Nahihiya siyang yumuko...
"OK lang ba kung magpapalit muna ako, kasi may mga dugo na yung damit ko e! Sandali lang ako tapos iaayos ko na yung kakainin natin" sabi ni Maine...
"OK, sige! Wait na lang kita dito!"
Dinala niya rin ang tote bag niya, siguro for toiletries...
Iniisip ko kung medyo naiilang na siya sa mga damit na binili ko, malaman kanda ngiwi siya dahil "tatak-buhin" talaga yun... Hahaha... Ano kaya reaksiyon niya paglabas? Nakangiwi? Nakasimangot? Hahaha...
After 30 minutes, lumabas na ang "prinsesa"... Bagay sa kanya yung jumper nag mukha siyang teenager... Yung sneakers niya bagay din sa jumper... At nagulat ako na parang normal lang ang lahat... E mayaman siya db? Marami sa mayayaman ang maarte... Kahit nga ako minsan hindi mapagsusuot ng ganyan... Pero sa parang casual lang... Bakit ganun?
" Buti nagkasya sa iyo yung damit? Hindi ba awkward yang suot mo?"
"Bakit naman awkward? Dahil ba walang tatak? Dahil ba sa bangketa lang ito nabili? Would you believe that I have shorts that was purchased at the market for 3 pairs for only a 100 bucks? Bakit akala mo snob kami no? Hahahaha..." Maine said.
And while she was laughing, I was left open-mouthed in awe... Walang talaga siyang ere!
"Medyo yun ang tingin ko sa iyo kasi parang sobrang pampered ka e! Sorry! Napaka judgmental ko talaga!"
"Buti alam mo! Judgmental ka naman talaga Simula pa lang ng makilala kita e... Hahaha..."
At prangka siya...
Kumain na kami at natuwa ako na paborito rin niya ang fries ng mcdo...
Natapos kami na hindi man lang nagising si Nico... Inayos ni Maine ang pinagkainan namin at sabay kaming naupo sa sofa... Tahimik lang kami nag papakiramdaman... Hindi namin namalayan na nakatulog kami pareho...

 Hindi namin namalayan na nakatulog kami pareho

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nang biglang bumukas ang pinto...
"Menggay?!!"
Bungad ng dalawang matandang mag-asawa ng makita kami...

DECEPTION.... TO LOVE... TO FOREVER... (Completed)Where stories live. Discover now