The Fiasco

2.1K 125 4
                                    

Alden's POV
Nakita ko siya nakaupo sa couch ng lobby... Akala ko talaga aakyatin ko lahat ng floor ng Asian Hospital para malaman ko kung saan ang kwarto ni Nico... Nakita ko na umiiyak siya at parang may tumarak sa puso ko na kirot... Ewan ko kung ano yun pero nilapitan ko siya... Nagulat ako ng yumakap siya sa akin... Gusto ko tumalon sa tuwa Ewan ko kung bakit pero mas lamang yung sobrang lungkot ko dahil hindi niya deserve ito... Hindi bagay sa mga mata niya ang naging malungkot ito! Ang bagay sa kanya ay nakangiti lang lagi... Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak... Kasabay ng pag-iyak niya ang pag-alerto ng senses ko! Despite of her crying, I can help but notice her physical appearance... Her hair on a bun again under her cap, no make-up and her casual short and shirt... V-neck gray boy T-shirt again and white chucks... Her same disguise the first time I saw her... Cute for someone posing as a boy... And her familiar scent, that sexy and innocent fragrance again... I knew I had smelled that scent bit where? Its so inviting... Yung cap niya na medyo nakalihis na kaya nakikita ko ang malalantik niyang pilikmata na nasa na rin dahil sa pag-iyak niya... I would love to kiss those tears away... Her breath on my chest and wishing she can't hear my heart pounding abnormally... Naawa ako sa kanya pero bakit ganun naakit din ako sa kanya at the same time... I am going to kiss her forehead just this once... I just want to know the feel of her skin against my lips... I can still remember how soft her fingertips against my lips... Just this once... Please let me...

"Sino po ang kasama ni Mr. Nico Mendoza?" We heard someone called out...

Shit! Muntik na yun! Naiinis ako na medyo relieve din dahil hindi natuloy... Naiinis kasi nga pagkakataon na db? Medyo relieved din kasi paano ko explain sa kanya kung bakit ko siya kiniss db? Naramdaman ko lumayo na siya sa akin sabay sabi ng thank you... At saka lumapit sa tumawag na nurse.

"Ako po yun!"
"Ano ang pangalan mo at kaano-ano mo siya?"
"Nicomaine Mendoza po, at kapatid ko po siya!"

Ang ganda pala ng pangalan niya, pareho sila ng Kuya niya na may Nico sa name... Nakikinig lang ako sa usapan nila...

"Ano po ba ang nangyari?"
"Pauwi na po kami ng Manila, nagkukuwentuhan ng nawalan ng kontrol si Nico sa manibela at yun po nakabig ng mali kaya po bumangga sa poste!" Sabi niya pero napansin ko na hindi siya komportable... Napansin ko rin yung pag cross fingers niya sa tagiliran niya... Parang alam ko na ang kwento...
"Ganun ba? Maliban sa nalinsad niyang buto sa braso na kailangan i-semento for one month plus putok sa noo, he is somewhat fine... We just need to run a scan bukas to make sure na walang blood clot sa ulo niya... You can now go to his room to see him... Medyo groggy lang siya dahil sa anesthesia during his orthopedic session..."
"OK, salamat poh..."

Umalis na yung nurse at lumapit siya ulit sa akin...

"Pasensiya ka na kung naabala ka, I'll take it from here! Sorry rin medyo nabasa ko yung shirt mo..." Nahihiya niyang sabi sa akin...

Tinitigan ko siya ng gusto at medyo nakalma na rin ako ng makita Kong kalmado na rin siya...
"Alam kong mahihirapan ka kung ikaw lang magbabantay sa kanya... Isa pa friend ko din yang kapatid mo kaya dadalawin ko na rin siya..."
"Pero maaabala ka namin..."
"OK lang, isa pa alam Kong wala kang kapalitan ngayon kasi di pa pwede ipaalam sa magulang mo ang nangyari, tama?"
"Paano mong ---"
"Mamaya na lang tayo mag-usap kapag tayo-tayo na lang... Halika na puntahan na natin si Nico"...
At iginiya ko na siya papuntang elevator... 7th floor room 7-16 yun ang room ni Nico...
Pagsakay ng elevator, tahimik lang kaming dalawa maliban sa pa minsan akin sa ng pagbabanggaan ng tingin namin... Nag pa pakiramdaman kaming dalawa... Nang muling magbangga ang tingin namin nginitian ko siya at sa gulat ko ngumiti rin siya...
Pagbaba ng elevator, naglakad kami habang palinga-linga sa mga room number... Nang makita namin ito, napansin kong dalawang beses siyang huminga ng malalim na para bang nagpapakalma... Naawa ako sa kanya kaya hinawakan ko siya sa kamay, sabay sabing...
" kaya mo yan, dito lang ako!" Sabay ngiti sa kanya...
Nakita ko siyang muling ngumiti sabay bukas ng pinto...
"Kuya, ano nang pakiramdam mo?"

Nakita ko na medyo nagulat si Nico, siguro dahil mag kasama kami ng utol niya... Ngumiti ako...

"O, dude! Anong nangyari? Wrong turn ba?" Sabay tapik sa balikat niya na walang semento ng mahina...
"Nagkamali ng kabig, pare! Kaya ayun, talo na nga nagastusan pa si Mendoza! Mendoza, OK lang ako, wag ka na ngumawa diyan!" Sabay tukso sa kapatid...
"Kuya naman e, nag alala kaya ako talaga sa iyo... Ano ba kasing nangyari?"
"Medyo nadala siguro ako ng excitement kanina... Kaya ayun parang gusto ko paliparin yung sasakyan ko!"
"Pero Kuya sad to tell you this pero warak yung bumper ng sasakyan mo, meaning to say matagal-tagal bago mo mapalitan yun harap nito..."
"Ikaw na bahala, Mendoza! Keep it on my tab!"
"Kuya naman, alam mo ang hirap maghanap ng bumper mo e... Unless papayagan mo na akong iset-up to! Nga pala anong kwento gagamitin mo ngayon?"

Medyo na-OP ako... Medyo naguguluhan ako sa usapan nila... Bakit ipinagkakatiwala ni Nico sa kapatid ang sasakyan niya? Magpapahanap ba ng sales para maibenta yung nasira... Naguguluhan ako... Nagulat ako ng balingan ako ni Nico...

"Pare, dating gawi? OK lang ba sa iyo?
" sige na pare, para makakulekta sa insurance ko! Malaki na talaga utang ko Kay Nicomaine e! By the way salamat sa pagdalaw pare!
" Wag ka na masyado magpaapekto, tol! Kaya natin yan... Basta sundan mo na ang mga sinasabi ko pagdating nila Teodoro bukas ha, lil bro!"
"Hala, Kuya! Oo nga pala, need ko magpalit ng damit kundi magtataka si Nanay bakit ganito getup ko! Hahaha... Baka himatayin yun! Hahaha..." Natatawang sabi ni Maine...

Narinig ko na naman yung tawa niya at parang gumaan na ang pakiramdam ko! Kahit parang left out ako sa usapan nila...

Nagkatinginan ang mag kapatid at sabay silang tumingin sa akin...

Oh! Oh! Ano ang iniisip ng dalawang ito?

DECEPTION.... TO LOVE... TO FOREVER... (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα