The Accident

2.1K 120 2
                                    

Alden's POV
I didn't hear anything from her for the past couple of days... Maybe she is really not interested on the bet... She was just triggered with everything I said... Oh, how I missed her voice... After hearing her sweet sultry voice over that phone call, it seems that it has been my anchor to sanity in these days of trials... Her laugh and that sexy threat... I can't seem to get that off my mind... When can I talk to her again? I sent her texts asking what's her command everyday but to no avail... Hayyy, Baliw na yata ako! Nasa gitna ako ng pag-iisip nang marinig ko ang cellphone ko! Tiningnan ko yun screen at nagulat ako ng nakita ko ang pangalan niya sa screen ko : Atsoy niya Ako! (Oo, yun ang name niya sa phone book ko! Alaala ng isang gabing bet na naghatid sa akin ng konting liwanag sa madilim Kong mundo! Bawal mag-react, walakayongpake! :b)...

"Oh, Mendoza? Bakit? May iuutos ka ba? Better be worth my time, young lady kundi...." Suplado ng sabi ko sa kanya...
"Si Kuya, si Kuya!" Umiiyak nitong sabi...
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
"Wag na galit ka! Pasensiya sa abala" at ibinaba ang telepono...
Shit, shit ka talaga, Faulkerson! At mabilis Kong idinial ang number niya ulit... Wala nang sumasagot... Shit ka, Faulkerson! Bakit umiiyak siya? At ano nangyari Kay Nico... Patuloy Kong tinatawagan ang number niya pero walang sumasagot... Ano ba talaga nangyayari... Nagsend ako ng text, sabi ko hindi ako galit... Na inaasar ko lang siya... Walang response... Nasira na ang Gabi ko... After an hour, nag vibrate ang cp ko...

"Si Kuya nandito kami Asian Hospital... Nadisgrasya si Kuya... OK na siya... Salamat na lang!"

Ito ang text niya sa akin... Tinawagan ko siya agad-agad...

"Sorry! Ano ba ang nangyari? OK ka lang ba, Mendoza?"
"Bakit ka pa tumawag? Sinabi ng OK lang kami... Salamat na lang!" Medyo pasigaw na sagot niya...
"Sorry na, wag ka na umiyak! Papunta ako dyan, malapit lang ako diyan... Ano ba nangyari Kay Nico? Wag mo ikuwento sa phone, I'm driving over... Hintayin mo ako diyan!"
"Sina--" pinutol ko na yung linya kasi alam ko magtatalo lang kami ni Mendoza.  Baka mas lalo pa siyang nagalit sa akin... Nag aalala din ako dahil umiiyak pa din siya...

Maine's POV
Nakakainis bakit kasi siya pa yung tinawagan ko, pero kasi sabi ni Kuya siya yung pinakamalapit sa lugar namin. Siya ang pinatawagan ni Kuya bago ito nawalan ng malay... Nagulat talaga ako ng makitang kung nagkamali si Kuya ng pagkabig ng sasakyan... Mabuti na lang at mabilis pa rin ang reflexes ni Kuya kaya nakabig niya ito papuntang kaliwa sa may mataas na muhon... Bumangga ito sa gilid ng daan.. Nakita ko kung paano halos mawipeout ang bumper ng sasakyan sa lakas ng impact ng bangga... Nashock ako ng nakita Kong pumalo ang ulo ni Kuya sa manibela... Seconds before the blowbag opened up... Tumakbo agad ako sa sasakyan ka sabay ng mga kasamahan niya... Hinila palabas si Kuya at saka ko nakita ang malaking sugat niya sa ulo... At wala sa ayos ang braso ni Kuya... Nilapitan ko siya sabay sigaw sa iba na tumawag ng ambulansiya...
"Mendoza, tawagan mo si Faulkerson siya malapit dito at mas maasahan yun kesa sa iba! Wala lang ibang tatawagan maliban sa kanya!" Sabi ni Kuya bago nawalan ng malay...

Tinawagan ko siya agad-agad dahil kailangan ko talaga ng karamay dahil talagang natatakot ako sa nangyari kay Kuya. Sobrang takot ko na nga tapos sinigawan ako! Lalo tuloy akong naiyak... Ayoko na talagang kausap ang taong yun... Napakasama talaga ng ugali... Kaya naman pinili Kong wag sagutin lahat ang tawag niya, isa pa mas marami akong dapat gawin dito sa hospital... Inasikaso ko yun mga papeles ni Kuya, inayos ang kuwarto after niya sa emergency kasi sabi ng doktor didiretso na siya sa room.  Hindi naman malala yung pagkakaumpog ni Kuya at bukas siya magpapa scan sa head to make sure na walang clot... Yung sa braso niya, idineretso na siya sa orthopedic section para maibalik yung luminsad niyang buto... Sabi ng doktor, it will take hours for that process but I need to secure a room the soonest possible time para pagkatapos makapahinga siya agad...  Nang maayos ko ang lahat ng kailangan lumipas na ang isang oras... Nang mapanatag ako, umupo ako sa lobby... Pagod na pagod ako... Nakadukdok ang ulo sa mga palad ko habang nakapikit ako... Parang na-drain lahat ang lakas ko... Ganun pala yun... Nang naisipan kong tingnan ang oras... Nakita ko yung unread message kaya binasa ko... Uminit ang ulo ko pero parang ayoko na talagang mainis kaya sinabihan ko na lang na hindi ko na siya kailangan.
Nagulat ako ng biglang tumawag ito... Narinig ko na humingi siya ng paumanhin inaasar lang daw niya ako... Imagine, sa kalagayan ko, inaasar pa niya ako! Sabagay hindi naman niya alam nung una e... Sige, Meng pagtanggol mo pa! Baliw ka na talaga... At mas ikinagulat ko nung sinabi niyang pupunta siya! Sobrang pagod na pagod na ako, ayoko na nang kaaway kaya sinabihan ko siya na ayos na ang lahat... Pinipilit niya yung side niya at sinabi Kong huwag na... Magagalit na talaga ako ng binabaan niya ako ng telepono! Grrrrr! Bastos talaga, kung hindi lang... Ano, Meng tuloy mo? Kakainis talaga tong konsiyensiya ko, nakikisali din! Ewan! Bahala ka sa buhay mo! Sobrang pagod ko, takot ko, taranta ko kaya parang patang-pata ang katawan ko... Hihintayin ko pa si Nico lumabas sa operating room... Naiyak na naman ako ng naalala ko ang nangyari...
Kasalukuyan akong nasa aking sarili ng mundo ng may tumapik sa balikat ko at nang nakita ko siya para bang lahat ng emosyon ko lumabas... Takot, lungkot, saya kaya kusang yumakap ako sa kanya sabay iyak ng walang reservation... Para akong bata na nakakita ng kalaro kaya tuwang-tuwa pero sa sitwasyon ko kabaligtaran... Ang gulo no???!!! A, bata iiyak muna ako ngayon mamaya na ang tanong at paliwanag!

Alden's POV
Nang nakita ko ang text message niya, hindi na ako nag-iisip! Tinawagan ko siya agad at inalam ang nangyari... Nang narinig ko na nasa Asian Hospital sila, hindi na ako nagdalwang isip na pumunta doon... Nang narinig Kong umiiyak siya para akong tanga... Gusto kong pumasok sa cellphone at tumawid papunta sa kanila para makita lang siya! Literal yun! Kung pwede lang... Sinabi Kong pupunta ako at panay ang kontra niya kaya binabaan ko na lang ng telepono at baka kung ano na naman ang masabi ko at mas lalo pa kaming mag-away... Good thing walang trapik at nakarating ako ng hospital ng maayos. Pumasok agad ako at nakita ko siya sa lobby...

DECEPTION.... TO LOVE... TO FOREVER... (Completed)Where stories live. Discover now