The Night Before 30

2.4K 128 4
                                    

Alden's POV
Shit! Anong nangyari? Anong nangyari? Nagulat ako sa ginawa niya! Mas matindi pa sa sapak niya yung pagkabigla ko! Napakaganda niya ng malapitan! Yung smirk niya, shit nakakaturn on! Gusto ko siyang itulak ng lumapit siya sa akin pero gusto ko rin siyang yakapin! Ang bango niya, pamilyar yung Amoy niya! Di ko naalala kung saan ko naamoy ang pabangong yun! Pero shit ng hawakan niya ang labi ko, napipi ako! Literal! Para akong hinigop ng Mata niya! Parang tumalon ang puso ko! Parang may bumaba ng anghel sa harap ko! Shut up, Faulkerson! Gather your thoughts! Hindi lang siya ang nakita mong maganda! Yung iba mas seksi at mas matangkad sa kanya! Pero sa kanya lang bumilis ang tibok ng puso mo, Faulkerson! Aminin! Shit, sino yun? Shit ka talaga, Faulkerson kinakausap mo na naman ang sarili mo! Umalis na siya, hindi ka tuloy nakahingi ng sorry! Nang naalala ko ang lahat ng mga sinabi ko, nakaramdam ako ng malalim na lungkot! Sobrang lungkot dahil nasaktan ko siya... Sobrang inis ko sa sarili ko dahil nadamay pa siya! Pero mas nasorpresa ako sa sakit ng puso ko ng makita ko na umiiyak siya! Parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil ako ang dahilan ng pag-iyak niya!

Nasa sarili pa ring pagmumuni-muni si RJ ng may tumapik sa balikat niya...

"Tangina mo, Faulkerson! Kundi hindi ko lang alam ang mga pinagdadaanan mo malamang nasapak na kita e!" Sabay batok sa akin ni Nico...
"Pasensiya ka na, bro! Kahit ako nagulat din ako sa mga sinabi ko! Pero sa totoo lang, napikon din ako sa kapatid mo! Kaya siguro nagsalubong lahat ng frustrations ko!" Hinging-paumanhin slash paliwanag ko na rin sa kanya... "Ok lang ba talaga siya umuwi mag-isa? Delikado yung daan at isa pa hindi maganda ang pakiramdam niya?" Dagdag ko pa.
"E sino ba may kasalanan nun? Anyways, ngayon ko lang talaga nakita si Mendoza ng ganun! Kalimitan umalis yun o tumatakbo pag nabubully siya! Takot nga kasi sa mga tao! Pero nagulat ako sa ginawa niya! Buti nga hindi mo ginantihan kung hindi hahalik ka talaga sa buhangin ngayon!"
"Hindi, bro! Siguro dahil narealize ko na rin below the belt na yung mga sinasabi ko! Sorry talaga, Bro!"
"OK na ako pare, sabi ko nga sa iyo alam ko kung bakit ka nagkakaganyan e... Kung may maitutulong lang ako sa iyo..."
"OK lang pare!"
"Pero start na ng pagiging atsoy mo bukas! Humanda ka Kay Mendoza! May pagkapraning yun, pero in fairness sa kapatid kong yun, hindi maarte! Anyways, good luck sa iyo, dude! Ako na sasalang sa karera!"

Nang maghiwalay kami ni Nico bumalik na naman sa akin mukha niya... Hayyy... Kawawa naman at kasalanan ko pa! Shit ka kasi, Faulkerson!

Maine's POV
Malayo na ako pero ang kabog ng dibdib ko at hindi pa rin makapaniwala na magagawa ko yun! Imagine nagawa Kong titigan siya at lumapit sa boys ng nang ganun palapit at ka-intimate! I had crushes at school but I'm not that comfortable when they accidentally brush the side of my hand or any part of my body... I cringed... But with this guy, I don't know I can't explain why I was able to do that... I even touch his lips! My god, Menggay! Nagawa mo yun! Siguro sa inis ko at way ko para kahit paano hindi mag alala sa akin si Kulas... Ah, Ewan bukas ko na lang iisipin ang lahat... Pagod na din ako, dalawang kotse ba naman ang patakbuhin kong parang daredevil e..
Pero may part talaga sa elated ang pakiramdam ko... Nagawa kong nanalo sa isang race na iniisip ko lang noon na dream lang! Ever since kasi na matuto akong mag drive, gusto ko nang sumali sa ganitong laro! Yung bilis ng sasakyan at yung pagkontrol dito at parang freedom sa akin... Nakakawala ako pansamantala sa mundo! Ang paghampas ng hangin, the exhilaration when the car starting to gain speed... Naging parang sikretong mundo ko ang pagmamaneho at pag-aayos ng sasakyan! Eto ang mundong kahit papaano napapansin ako! Yung mundong walang magsasalita ng hindi maganda Laban sa akin... Pero may isang bully na naman! Hayyy! Naku, Menggay ang kulit... Bukas mo na lang isipin yun!
Nang makarating kami sa stop light sa San Fernando, bigla Kong naalala yung pera na napanalunan ko!
"Kuya Rene, eto po bumili kayo ng pasalubong sa pamilya nyo at "overtime" nyo na rin poh... Salamat po ha sa pagdadala Kay yellow bell" sabi ko Kay Kuya Rene...
"Ang galing mo dun, bata! Sanay na sanay ka na talaga magpatakbo at magkontrol ng sasakyan! Parang parte na ng katawan mo ang sasakyan kung patakbuhin mo!" Natutuwang sabi ni Kuya Rene...
"Salamat po, pero mas magaling pa rin si Kuya!" Nahihiya Kong sagot Kay Kuya Rene...
"Malamang konting praktis na lang mas magaling ka na sa Kuya mo! Wag ka maingay ha? Baka mapagalitan ako ni Bossing Nico!" Natatawang sabi ni Kuya Rene...
Natawa na lang ako, at maya-maya pa nagpababa na sa SM San Fernando si Kuya Rene... Dun na daw siya sasakay pauwi...
Ilang sandali pa, nakabalik na ako sa gasolinahan at isinauli sa "secret door" si yellow bell... Gamit ang Fortuner service ni Tatay, umuwi na ako...
Nang makarating sa bahay, nagpahinga ako ng konti bago naligo... Dating gawi... Inabot na naman ako ng isang oras... Pasado ala-una nang narinig ko na bumukas ang back door sa dirty kitchen... Kasalukuyan akong nasa kusina at kumakain ng ice cream... Hindi na siya nagulat ng nakita ako!
"Mendoza, penge naman ng kinakain mo?"
"Oyyy, konti na lang to, kumuha ka ng sa iyo sa ref" sabi ko sabay tawa...
"Bukas na nga pala magsisimula ang pagkakaroon mo ng "atsoy" ano? Ano pakiramdam mo?"
"Bwisit siya Kuya! Ayoko na yata siyang makita kaya lang Pag hindi ko ginawa ang kasunduan sasabihin niya takot ako sa kanya... Hindi niya ako pwedeng matalo... Lalaki ang ulo nun!" Nakasimangot Kong sagot...
"O, cool ka lang! Sinabi ko lang bukas ang start dami mo nang sinabi dyan! Pwede ko bang malaman kung ano balak mo?" Nakangisi niyang tanong...
"Nag-iisip pa ako! Pero lintik lang ang walang ganti, Kuya!" Sagot ko.
"O siya, sige! Bahala ka na, pag-aari mo siya ng 30 araw! Aakyat na ako! Nga pala ang galing mo kanina! Mukhang tatalunin mo na ako! Proud of you, baby sister!" Sabay nagmamadaling umakyat ng hagdan papunta ng kwarto niya... Habang ako, napatulala sa sinabi ni Kuya na "pag-aari" ko si Faulkerson ng 30days!

DECEPTION.... TO LOVE... TO FOREVER... (Completed)Where stories live. Discover now