♥ 48. Goodbye

37 3 0
                                    

CHAPTER 48

Cindy's POV

Kinabukasan ay nagulat ako nang makatanggap ako ng text mula kay Ken.

From: Kenshiro De Guzman

Meet me at the park later at 4 pm. Sharp.

Napangiti ako. Gusto nyang makipag kita sa akin!

Nang dumating ang 3 pm ay mabilis akong naligo. Kakagaling ko lang kasing practice sa school at ayaw kong mangamoy sa pagkikita namin ni Ken kaya naligo ako at nagbihis.

Napaisip ako. Anong susuotin ko? Jeans or dress? Dress nalang kaya? Gusto ko kasing maging maganda sa paningin ni Ken.

Sa huli ay napili ko nga ang doll shoes, dress na black and white at pumunta na sa park malapit sa school. Nang makita ko na si Ken doon na nakatalikod ay ngumiti ako.

"Ken!" Ngumiti ako at kumaway habang tumatakbo palapit sa kanya ngunit hindi sya ngumiti pabalik.

Dahan dahan syang sumalubong sakin at nagulat ako nang hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit.

"Ken.." Pumiglas piglas ako sa pagkakahawak nya pero masyado syang malakas. Hinila nya ako palayo sa mga tao at saka lang binitawan ang braso ko.

Agad kong hinawakan ang braso ko at nakitang namumula iyon. Nagtubig ang mga mata ko.

Anong ginawa ko? Bakit parang galit sya sa akin?

"B-bakit, Ken?" Tanong ko at nag angat ng tingin sa kanya. Natakot ako nang makita ko ang galit nyang mga mata.

"Why did you do that?" Mariin nyang tanong.

"A-ang alin?"

"Fuck! Wag ka nang painosente! Putangina lang kasi. Ano bang nangyayari sayo?! Nagkapasa sya!"

Oo, alam ko kung sino yung tinutukoy nya. Syempre si Krystal yun pero anong kinalaman ko kung nagkapasa sya? At bakit naman sya nagkapasa?

"Ano bang sinasabi mo?"

Tumawa sya ng sarkastiko at sinabunutan ang buhok nya.

"Damn. Diba sinampal mo sya?! Tangina, may pasa! Sa sobrang lakas ng pagkakasampal mo ay nagka pasa sya!"

Ano? Ako? Sinampal ko si Krystal? Fuck. Eh sya nga yung nanampal eh!

"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Sinampal ko si Krystal?" Tumawa ako. "Eh ako nga yung nasampal eh! Dalawang beses pa!"

"Sinungaling!"

Huminga ako ng malalim. "Ken, you know me. Hindi ko kayang gawin yun."

"Yeah. I know you. Pero sa tingin ko ay hindi na kita kilala ngayon." Dismayadong sambit nya.

Yumuko ako. "Sya yung nanamapal. Ako yung nasaktan!"

"What? Alam mo, wag ka nang magpaawa sakin. Kasi hindi kita magugustuhan! Kahit anong gawin mo, hinding hindi kita magugustuhan!"

That's it.

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. How'd he know?

"K-ken?"

"Hindi, Cindy. Tandaan mo. Si Krystal yung gusto ko. Wala akong gusto sayo. Tumigil ka na." Aniya habang nakapikit ng mariin.

Okay, Cindy. Sa kanya na nanggaling. Wala talaga syang gusto sayo. Kahit katiting, wala!

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now