♥ 28. I Miss You

27 4 0
                                    

CHAPTER 28

Cindy's POV

"Ano bang meaning ng Fifi?" Pinunasan ko ang luha ko. Kanina pa kasi ako tawa nang tawa dahil sa mga lalaking kasama ko. Sila Nathan, Cloud, Zeke, Kian at Jerville. Pwera lang kay Eros na sobrang serious.

"Friend." Kinuha ni Kian yung phone nya. "Fifi ang tawag nya sa mga kaibigan nyang mga babae." Tinuro nya si Patty na bakla gamit ang nguso nya. "Fafa naman sa aming mga lalaki."

Humagalpak ako sa tawa dahil sa last sentence nya. "Lumiko ka." Utos ko kay Cloud na syang nagdadrive ng kotse ko. Seryoso. Hindi ko talaga alam kung paano kami nagkasya dito sa kotse ko. Take note ah. Eleven kami.

Malapit na kami sa mansyon at sa tingin ko ay 7:30 pm na ngayon. Kanina pa natawag sila Hiro sakin pero pinatay ko nalang ang cp ko at nakipag tawanan sa kanila.

Sa loob ng kalahating oras na kasama ko sila sa buong byahe ay feeling ko ay close na talaga kami. Medyo nalaman ko na rin ang mga ugali nila.

Si Kian Mendoza ay may pagkaserious minsan pero may jolly side din.

Si Cloud Mendoza naman ay tahimik pero okay naman ang ugali. Hindi sya tulad ni Black na sobrang cold. Sya yung tipong warm lang.

Si Warren Lopez. He's so manyak ko the max level. Hindi naman yung manyak talaga. Mahilig lang syang magpantasya sa mga katawan ng babae. Eww. Sana hindi ako kasama dun.

Scarlett Henares. She's the bitchy Princess sa grupo nila. Mataray sya at maarte pero mapagtatyagaan naman yung ugali nya.

Si Masie Scott. Dalagang Pilipina. Medyo mahinhin sya minsan pero kung makatawa eh kala mo hindi babae. Maganda sya. Actually, parehas sila ni Scralett na maganda. Pero mas maganda si Scarlett ng konti.

Flint Nathan Villegas. Sya ang nagla lighten up sa grupo nila. Sobrang saya nya kasama. As in. Yung ngiti palang nya eh, mahahawa ka na or mapapatawa ka na agad.

Zeke Austria. Medyo may pagkabad boy sya. Para syang pinagsamang Warren at Nathan sa ugali nya. Manyak sya ng konti at masaya din sya kausap. Familiar rin yung surname nya sakin.

Patty Ramirez. Nalaman ko na Patrick pala ang tunay nyang pangalan. Tawa ako nang tawa nang malaman ko yun. Okay. Btw, mabait yang si Patty ng konti pero mapanglait yan. Kanina ay yung bawat makikita nyang tao ay nilalait nya. Medyo conyo syang magsalita pero keri naman-- Aish! Nahawa na ako!

Eros Abellano. The Walang Pakialam sa World. Ilang beses ko na syang tinry na kausapin pero hindi parin nya ako pinapansin at nakatingin lang sya sa kawalan. Ni hindi nya ako pinag aaksayahan ng oras na tingnan.

Drake Jerville Motereal. Nakwento sakin ni Masie na badboy daw yan sa school. Snob sa mga babae. Hindi daw yan namamansin ng kahit sinong babae pwera lang sa kanilang dalawa ni Scarlett. Miracle nga daw na may kinaibigang babae si Jerville kasi sila Kian lang naman daw ang nagpakilala kay Masie at Scarlett. First time daw na si Jerville yung unang nagpakilala sa babae. So, Lucky na ba ako kung ganun?

"Inatayin nyo lang ako dito, ipapark ko lang tong kotse ko." Utos ko sa kanila. Pinababa ko na sila dun sa may front gate kasi baka bigla nalang manuntok sila Hiro kapag nakita nila sila Jerville.

Tinanguhan lang nila ako except kay Cloud, Scarlett at Eros. Pinagbuksan ako ng gate ng mga guards at pinark ko na yung kotse sa parking lot.

"CINDY!" Napatalon ako sa gulat pagkalabas ko sa loob ng kotse ko. Nilingon ko kung sino yung mga tumawag sakin at ayun, ang buong gang.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now