♥ 38. Miss

33 3 0
                                    

CHAPTER 38

Cindy's POV

"Goodmorning." Saktong pagkamulat ko ay bumungad sakin ang nakangiting muka ni Hiro. Magkadikit ang noo namin at amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga.

Nahiya naman ako. Ang gwapo gwapo ng nasa harap ko kahit bagong gising palang sya at ang bango pa ng hininga. Eh ako? Magulo ang buhok, may muta pa, mabaho ang hininga at hindi ko alam kung may panis na laway pa yata ako.

Napahawak ako sa gilid ng labi ko dahil baka meron nga. Nagpasalamat ako dahil walang panis na laway doon. Chineck ko din yung mata ko kung meron. Ayun. Meron talaga. Nakakahiya!

"I like your morning face." He chuckled. "You look very hot every morning."

Naginit ang pisngi ko. Ayokong magsalita dahil baka mabaho ang hininga ko!

Wait. Pamilyar to. Pamilyar na pamilyar.

"Nga pala Aki--" Hindi ko na rin naituloy yung sasabihin ko at tinakpan ang bibig ko. Baka mabaho!

"Ha? Ano yun?" Umiling ako bilang sagot.

"Ano nga yun?" Ulit nya.

Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig ko. "Mabaho ba hininga ko?"

"Hindi mabaho ang hininga mo. Ang bango nga eh. Amoy strawberry."

Natauhan ako nang pinisil ni Hiro ang ilong ko.

"Bangon na tayo. 6 am na. Baka malate pa tayo." Bumangon na sya kaya napa pout ako. I wanna cuddle with him!

.

"Tara na! Late na tayo!" Sigaw ko sa kanya habang tinutulak sya papasok sa Vios ko.

"Don't panic. Ayos lang kahit maging late tayo." Natatawa nyang sabi.

Medyo naging okay na ang school sakin. Wala nang masyadong nang bubully sakin. Si Hiro naman ay nasasanay na magsalita sa school at ganun din ang mga fangirls nya. Sanay na silang nangiti, nagsasalita at natawa si Hiro.

Halos liparin ko na ang corridor dahil sa late na kami ng 10 minutes. Si Hiro naman ay natatawa lang sa ginagawa ko.

Buti nalang ay sabay lang kami ni Sir Bakla pumasok sa loob ng room.

"Hey." Bati ni Jason nang makaupo ako sa tabi nya.

"Kailangan mo?"

"Wala." Nagshrug sya. "May announcement yung teacher."

Announcement? Si Bakla?

"Okay. Class. Alam nyo naman siguro kung ano yung ia-announce ko diba?" Naghiyawan yung mga kaklase ko. Anong meron? Pumasok naman ako kahapon ah?

"Ano yun?" Bulong ko sa sarili ko.

"Intrams." Simpleng sagot ni Hiro.

Oh! Intrams! August na nga pala. Diba ang intrams ay tuwing July? Na-delay na yata.

"Ang intrams nyo ay sa August 19 at 20 na." Umpisa ni Bakla. "Sa 20, Saturday, ay yung nga lalaban lang sa finals ang papasok. Pwede rin daw pumasok yung mga magch-cheer."

"So ang representative ng section natin sa basketball ay ang Lucky 9." Tumingin si Sir Bakla samin at mukang nagpacute yata kila Ice. "Sa badminton ay si Blah blah blah blaah blahh.."

Hindi ko pinansin yung mga pinagsasabi ni Sir. Ano namang kinalaman ng buhay ko dyan?

"Boring." Bulong ko na ikinatawa ng gang.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now