♥ 13. Street Foods

33 4 0
                                    

CHAPTER 13

Red/Aki's POV

"What are we doing here? Are you on drugs?! That's dirty!" Sigaw ni Air kay Labs.

"Kung ayaw nyong kumain, edi wag. Dun nalang kayo kumain sa malapit na resto dyan." Bored nyang sagot.

"Tara na!" Sigaw nanaman ni Air.

"Go on. Let's just meet on Acad after lunch break." Bored ko ring sagot at umupo sa tabi ni Labs.

"At saan ka kakain?"

"Here."

"What?! Gusto mo bang mamatay?!" Nilingon sya ni Labs nang naka poker face.

"Ang OA mo Hangin. Pustahan tayo kapag namatay si Aki dito bibigyan kita ng isang million. Pag hindi naman sya namatay, ikaw ang magbibigay sakin nun. Okay ba?" Ang yaman talaga neto. Psh. Rich kid.

Nakita ko yung mga mata ng kasama kong halos lumawa na ang mata sa sobrang laki.

"Grabe naman isang million?! Fine. Dyan kayo kumain pero hindi nalang ako kakain." Umupo sya dun sa ilalim ng puno malapit dito sa isang stall na iniihawan ng street foods.

"Aki?" Tanong nilang lahat except kay Mysterious Prince na walang paki alam sa mundo.

"Yeah. She's my Labanos. Labs for short." Sabi ko sa kanila. My..

"O-okay." Sabay sabay ulit nilang sabi pwera nanaman kay Black. Wag na kayong umasang magsasalita yan. Magsasalita lang yan pagimportante na yung sasabihin.

Tiningnan ko si Labs at nakatingin din sya sakin.

"Ice lang ba sayo?" Tanong nya sakin.

"What?"

"Yung ihaw ihaw?"

"Yeah. I wanna try it with you." Nakita kong nagblush sya. Baka naman imagination ko lang?

"Guys? Kakain kayo?" Sumigaw sya dun sa mga kasama namin. Tumango lang sila. Ang putla nila ah? I think it's not dangerous naman. Ang arte lang talaga ni Air.

Tumayo sya at lumapit kay manong na nagiihaw. Sumunod ako sa kanya. "Manong, magkano lahat yan?" Huh? Lahat?

"E-eh.. Miss Cindy, kayo na po bahala." Napakamot sa batok si manong. Mukang suki na dito si Labs. Alam na nila yung pangalan eh.

"Okay okay! Bilhin ko lahat yan manong!" Nagliwanag yung muka ni manong at nagsimula nang mag ihaw. Nakatayo lang kami ni Labs sa harap nung ihawan kaya nauusukan kami. Tumabi nalang muna kami ni Labs kay manong na nagiihaw. Yung mga kasama namin ay nakaupo na dun malapit sa ihawan na inupuan namin kanina ni Labs. Si Air, ayun, nandun parin sa ilalim ng puno.

**

Konti palang ang naluluto ni manong, mga 10 pieces palang bawat isang kind ng pagkain sa stick. Pero yung isang weird na kulay orange, siguro sa bahay na nila yun ginawa kaya hinain na namin ni Labs yung mga naluto na nila manong at manang. Yep dalawa na sila. Medyo matagal kasi pag isa lang.

"Okay guys, ayan na lahat. Uhmm.. isang tao muna ang magtry kainin toh *turo dun sa bulateng nakatusok sa stick* tapos sabihin nyo kung masarap ba o nakakamatay yung lasa. Sinong gustong mauna?" May isang nagtaas ng kamay samin. Si Green.

"Noona! Me~!" Winave pa nya sa ere yung kanang kamay nya.

"Sige sige. Ikaw Ash-- este Green pala." Hmm. Siguro nakikita nya si Ash kay Green. Tss kahit ako rin eh.

Kinuha ni Green yung isang stick nung bulate at sinawsaw dun sa malapot na kulay brown na medyo orange na sawsawan yata. Lahat ng mata namin nakatutok sa kanya. Lahat as in lahat. Kahit si Mysterious Prince na walang pakialam sa mundo nakatitig rin kay Green. Curious talaga kasi kami sa lasa ng street foods.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon