♥ 08. Kapatidchers

34 3 0
                                    

CHAPTER 8

Ken/Hiro's POV

"Guys guys! Andyan na si Sir!"

Kinalabit ko yung katabi ko at binalik yung phone nya. "Peram ulit mamaya ah?" Tumango sya at binalik ang tingin dun sa unahan. Tumingin din ako at di ko inaasahan kung anong ginagawa nya dito. Ano sya dito? Don't tell me...

"Hi, guys. I'm Jymmuel Smith. I'm your subject teacher at Science." Nginitian nya kami at nilibot ang tingin. May mga nagsalita naman na mga kaklase namin. Hindi ko sinasadyang marinig kasi may tenga ako eh tsaka ayoko rin makinig.

"Girl, ang gwapo ng teacher natin!"

"Hell yeah! Diba sya yung kapatid ni Prince Ice?"

"Yep. And they really look alike!"

Well, tama, kapatid nga ni Ice yang si Jymmuel. Tropa din namin yan pero di sya nakasama sa Lucky 9.

Dalawang taon lang ang pagitan ni Ice sa kanya. Nagaaral sya ng college ngayon pero hindi ko alam kung anong ginagawa nyan dito. Matanong nga mamaya.

Bumalik ako sa katinuan ng tawagin nya yung katabi ko. "Hey, Cindy!" Kumaway kaway pa sya sa kanya. Si Cindy naman, ngumiti lang.

"Akala ko ba may pasok ka?" Tanong ni Ice sa kanya.

"Teacher nyo ako, okay? Porket kapatid kita kala mo ipapasa agad kita sa subject ko. Kala mo ah." Nagsmirk sya kay Ice. Nairita naman sya dun kaya pinalipad nya ang gitnang daliri nya sa kuya nya.

"Maguusap tayo mamaya." Binaba na nya yung kamay nya. Tapos nun, nagturo na si Jymmuel samin. Kung ano anong pinagsasabi kala mo naman sobrang talino nya.

Natapos na yung oras nya kaya tumungo ako para matulog. Di pa ako nakakatulog ng maayos eh. Tatlong oras lang siguro tinulog ko. Yung katabi ko, nakikipag kwentuhan lang kay Jason. Yung iba naman, pakialam ko ba sa kanila?

"Waaaaah! Nandyan na si Ma'am!" Sigaw nanaman nung isa kong kaklase. Grabe sobrang updated naman nun.

Tumingala ako para makita kung sino yung magiging teacher namin. Pagtingala ko, nakita ko ang isang babaeng halos ilang taon lang din ang tanda samin.

Ano bang ginagawa nila dito?

"Hi. I'm Ms. Jillian Smith. Ahh.. teacher nyo ako sa T.L.E--"

"Pati ba naman ikaw? Ano bang ginagawa nyo dito?! Pucha. Lagot talaga kayo sakin mamaya!" Mukang naiinis na talaga si Ice. Kahit nakatalikod sya alam na alam kong inis na inis na sya. Kasi may magbabantay na sa kanya. Buti ako wala!

Inirapan ni Jillian si Ice. Kawawa. Laging nagaaway yang dalawang yan eh! Sana hindi sumabog tong room pag si Jillian na ang nagtuturo.

Tulad ni Jymmuel, ganun din sya. Dada lang ng dada. Wala naman akong maintindihan. Inaantok ako eh.

.

Nagisising lang ang diwa ko nang nagsitayuan na ang mga kaklase ko para mag goodbye siguro kaya nakitayo narin ako.

"Goooodbye and thank you Miss Curtis! Godbless you!" Pagkatapos nun nagsiupuan na ang lahat at nagtsismisan ulit. Yung ibang babae, pinipicturan pa ako ng patago pero kita ko naman.

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Nagugutom ako. Hindi kasi ako ng breakfast! And kapag minamalas ka nga naman, walang break time dito.

Naputol ang pagmomonologue ko ng tumahimik yung mga kaklase ko. Bigla namang may kumapit sa braso ko. Si Cindy. Hindi rin yata nya maintindihan kung anong nangyayari dito. Kung bakit panay kapatid pa nila-- I mean, namin.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ