♥ 06. No Title

61 4 0
                                    

CHAPTER 6

Cindy's POV

Eto kami ni Ken, naglalakad papunta sa kung saan pero nasa loob parin kami ng timezone.

Habang hawak hawak ni Ken yung kamay ko, syempre di maiwasang kiligin! Nagwawala na tong mga paruparo sa tyan ko. Yung mga taong nakakakita samin, yung iba ngumingiti, yung iba naman ang sama ng tingin, kala mo kakainin na ako. Huh! Mainggit kayo!

Medyo mabagal na yung lakad namin kesa kanina, kala mo may humahabol na kabayo samin. Pero wag kayo! HHWW kami ngayon! Hihihihi!

Tumigil kami dun sa tapat ng catcher. Nanlaki nanaman yung mata ko. Kilala mo talaga ako Kenshiro!

"Hoy Kenshiro," inis nya naman akong tiningnan."Wag mo nga akong tawaging ganyan!" Singhal nya.

"Eh anong gusto mong itawag ko sayo? Ken? Wag na uy! Para kang si Ken, yung partner ni Barbie!"

"Tss. Ang layo ko kaya dun. Mas gwapo ako dun tsaka laruan lang yun!"

Napaisip ako. Kung tawagin ko kaya sya sa ibang pangalan? Ang sweet naman yata nun! Ayiie! Endearment!

"Ano bang pwedeng itawag sayo?"

"Ken."

"Ayoko, mukha kang Barbie. Hahaha!" With matching duro duro pa yan sa muka ah!

"Mas ayoko ng Kenshiro. Parang Japanese tuloy ako. FYI, Purong Pilipino kaya ako!"

"Bakit sakin mo yan sinasabi? Sabihin mo yan kay Tita Janice. Ako ba nagpangalan sayo? Tss."

Ano kayang matawag kay Kenshiro? Hmm.. Kenshiro..

Ting!

Aha! Kung HIRO nalang kaya? Kasi tanggalin mo yung KENS, matitira yung Hiro diba? Nice idea! Galing mo talaga! Hahaha. Nagbubuhat ng sariling bangko.

"Tss."

"Hoy, Hiro nalang tawag ko sayo." Tiningnan nanaman nya ako. Ugh. Yung brown nyang mata! Tinutunaw mo ako!

"Bakit Hero? Ano ako? Super Hero? Thanks but no thanks. Sobra mo naman akong ina-idol nyan."

"Lul. Hiro. As in H-I-R-O. Hindi Hero." Inispell ko pa sa kanya. Nakakahiya eh. Bakit ba ako napapaligiran ng mga taong matatalino?

"Ah.. Kaw bahala," Humarap sya dun sa catcher. "Tss maglaro na nga tayo."

Yes! Pumayag sya! Hiro na tawag ko sa kanya! Kinikilig nanaman pwet ko!

Naghulog sya ng isang token dun.

"Hoy. Para sayo to. Anong gusto mo dito?" Tanong nya bago hawakan yung controler yata yun. Teka? Para sakin daw?! Shit naman.

"A-ah..eh.. sakin?"

"Ay hinde. Para dun sa guard." Note the sarcasric tone ah. Tinuro nya din yung nagbabantay sa entrance nung timezone. Omg. Shit. Para sakin nga?! Ay kennat belib it!

"H-hehehe. Yung Nyanmaru! Gusto ko nun!"

Niliko nya yung controler pa-kanan tapos nung napunta na sa tapat ng nyanmaru ko, pinindot nya yung bilog dun then bumaba na yung kamay na robot. After nyang makuha yung nyanmaru, tumaas na yung kamay na robot. Pero kapag minamalas nga naman ang Hiro ko, nabitawan nung kamay na robot yung laruan ko. Walangyang robot yan, nananadya!

"Kookie ng ina naman oh! Tss. Isa pang try. Tss kainis to oh."

After nyang mag try ulit ng isa, hindi nya ulit nakuha. Nag try pa sya ng isa pa, ng isa pa, ng isa pa, ng isa pa, ng isa pa and ng isa pa.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now