♥ 37. Sleep

23 3 0
                                    

CHAPTER 37

Cindy's POV

"Nangyari dun?" Tanong ko matapos kong kaladkarin si Hiro pabalik sa upuan namin kanina.

Nag shrug si Andrei. "Sundan mo. Ikaw ang problema nun."

"Ha? Ako?" Nagsalubong ang kilay ko.

"Tss. Bilisan mo nak!" Pilit ni Mj. Tiningnan ko muna ang nag aalalang muka ni Hiro.

"Sundan ko lang si Aki ah?" Aalis na sana ako nang hinablot nya ang braso ko at hinalikan ang noo ko.

"Take care." Nilayo na nya ako sa kanya at bumalik na sa upuan nya. Parang na-semento ang paa ko sa lupa pero mabilis akong kumaway sa kanila at sinundan na si Akihiro.

Oh my gosh? Anong nangyari? Hinalikan ni Hiro ang noo ko sa harap ng gang! Ugh!

Nilibot ko ang buong lugar nila Skye pero hindi ko parin sya makita. Sure akong nandito pa si Aki sa mansyon nila Skye.

Isa nalang ang hindi ko napupuntahan. Sa may pool side?

Pagkarating ko doon ay naabutan ko syang nakasandal sa puno habang nagsisisindi ng yosi nya. Woah. He smoke?

Bago pa nya iyon mahithit ay pinalis ko na ang kamay nya. Hindi nya nabitawan ang stick ng sigarilyo at nanatili iyon sa kamay nya.

Tiningnan nya lang ako gamit ang walang emosyon nyang mata.

I raised my right eyebrow. "Don't smoke."

Hindi nya ako pinansin pero tinapon naman nya yung sigarilyo at inapakan iyon. Good boy.

Pumikit sya at bumalik sa pagkakasandal nya sa puno. Tumabi ako sa kanya at sumadal din sa puno.

Matagal na katahimikan ang bumalot samin kaya binasag ko na iyon.

"Wag mo idamay yung gang." Napamulat sya sa sinabi ko.

"What?"

Umirap ako. "Diba ako lang dapat yung iiwasan mo? Nasabi kasi samin ni Hiro na sinabihan ka nya na layuan mo ako para hindi na ako guluhin ni Andrea--"

"Do you really think na ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganto?" Nagsmirk sya. "Wag kang assuming."

Nanlaki ang mata ko. Anong nangyayari kay Aki?

"S-sabi sakin ni Hiro--" Napatigil ako nang marinig ko syang bumuntong hininga.

"Mian. I have to do this. Makisama ka nalang." Tumayo sya ng maayos. "Te Quiero."

Naglakad na sya palayo. Mian? Bakit sya nagsosorry? Te quiero? Aish. Hindi ko malaman laman kung anong ibig sabihin nyan.

"Tsk. Te Quiero?" Naglakad narin ako pabalik sa party. Weird na talaga si Aki.

Napatigil ako sa paglalakad nang may maisip ako. Baka naman kasi umamin na sya dun sa nagugustuhan nyang girl (♥ 33. Inlove) tapos nareject sya? Hala. Kawawa naman. Baka emo sya ngayon kaya nagkakaganyan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may makasalubong akong lalaki. Tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil narin ako. Nakatitig lang sya sakin kaya tinitigan ko rin sya.

"Chelsea?" Dahan-dahan syang lumapit sakin. "Hey, Babe. I'm sorry. Please, let's talk."

"Huh?" Napatigil sya sa paglalakad palapit sakin. Chelsea? Kailan pa naging Chelsea ang pangalan ko?

"I'm sorry. Hindi ko sya girlfriend. Please. Nagsasabi ako ng--"

"Wait nga lang." Hinarap ko sa muka nya yung palad ko para tumigil sya. Umayos ako ng tayo at nagtaas ng kilay. "Pwede ba. Sino ba yung Chelsea? Sino ka? Hindi ako yang Chelsea na yan no! Dinadamay mo pa ako sa away nyo!"

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now