♥ 10. Truth or Dare

30 3 0
                                    

CHAPTER 10

Cindy's POV

Tinext ko si Ma'am kung anong susuotin ko pag pasok dun. Linggo ngayon ng gabi at hindi ko pa nasasabi kila Jason yung tungkol sa Ruby Acad. Humahanap ng timing eh.

*toot toot*

From: Ma'am Vergara

School uniform natin. Pero pagdating mo dun, may ibibigay sayo yung isang teacher dun na uniform nila. Sige, goodluck nalang sayo.

Ano daw? Para namang may mangyayaring masama sa goodluck nya. Tss. Pabayaan mo na.

Plano kong sabihin yun sa kanila ngayon. Kaya tinawagan ko si Tanda para tawagan narin yung iba.

Tanda Calling..

Nakaka pitong ring palang, sinagot na nya ito.

"Oh? Napatawag ka?"

"Uhh. Movie marathon tayo? Tanong mo kung free sila."

"Ayos. Kasama ko na yung lima. Aayain ko lang sila Ken tapos maghanda ka na dyan. Andyan na kami in twenty minutes."

"Okay. Thanks." Binaba ko na yung tawag at nagpatulong sa isa kong kasamang yaya na magpakuha ng mga snacks at drinks. Inayos ko nalang yung mesa sa kwarto ko at inintay yung pagkin. Saktong twenty minutes ng dumating sila. Nagsiupuan sila sa sofa ko na kala mo sa kanila tong bahay.

"SA WAKAS! BUTI NAG-AYA KA!" Napatakip ako ng tenga sa sigaw ni Mj.

"Hoy Mj! Tangina wag ka ngang sumigaw!" Oh? Si Matsumoto.

"Anong papanoorin natin?" Tumabi sakin si Ice at Hiro.

"Ano bang gusto nyo? Horror? Comedy? Drama? Love story? Action? Suspense Thriller?" Sunod sunod kong tanong sa kanila.

"Hmm? Love story?" Patanong na sagot ni Jason.

"Ge. Yun nalang." - Andrei

Sasabihin ko na ba? Sige na nga. Habang maaga pa.

"Guys.." Nakuha ko ang atensyon nilang lahat. "I'm going to study on Ruby Academy in 5 days." Lumaki ang mga mata nilang lahat.

"WHAT?!" Sabay sabay nila sigaw.

"Darn it. Bakit?" Napasabunot na si Hiro sa buhok nya. Halata mong galit talaga sya. Hala! Bakit sya galit?

"Tanda nyo ba nung Friday na napa guidance ako? Ayun lang naman yung papagawin nila sakin eh."

"Lang?! Shit. Argh!" Naiinis ding sabi ni Joshua.

"Teka? Bakit ba parang galit na galit kayo? Ano bang meron dun?" Nagtataka kong tanong.

"W-wala wala. Kailan start mo?" Mahinahong tanong ni Andrei sakin. Buti pa to.

"Bukas na."

"ANO?! BUKAS?!" Napatakip na ako ng tenga dahil sa sobrang lakas ng sigaw nila. Abot na sigurong guard house ng subdivision yun.

"Ano ba kayo?! Bingi ba kayo??"

"Papacancel ko nalang kay Keycee." - Hiro

"Ha? Bakit?"

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now