♥ 39. Ruining

31 3 0
                                    

CHAPTER 39

Cindy's POV

"Yo, mga early birds!" Bati ni Leaf na bagong dating lang.

"Early birds, huh." Sambit ni Hiro na nakaupo sa tabi ko. "Early birds talaga kami dahil isang oras na kayong late."

"Chill lang Hir-- este Ken. Nu bayan!" Humalakhak sya. "Yun nga, chill lang. Wala pa naman sila Taenaga eh."

"Pati sila Kian." Poker face na sabi ni Arelle na nasa tabi ko.

Nandito na kami ngayon sa sala ng mansyon. Gabi na at ang Emerald Royalties nalang ang wala pa dito. Tuloy nga kasi yung punta nila Takenaga.

Speaking of. Dumating na ang mga hari't reyna.

"Thank God! Napaka tagal nyo! Isang oras kayong late!" Pagod na sigaw ni Leaf. Wow ah. Kala mo naghintay talaga sya ng isang oras. Tss.

"Bakit ikaw hindi? Kakadating mo lang rin naman diba?" Walang emosyong sabi ni Winter.

"Late ka rin naman pala tol eh." Pangaasar ni Kian.

"FIFI. WHERE'S THE FOOD? I'm soooo hungry na to the max level." Naiiyak nyang sabi. Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko nang alog-alugin nya ako.

"Stop it." Mariing sabi ni Hiro.

"Hehehe. I said nga. I'm gonna tigil na. Really." Tumakbo na sya papunta sa dining. Umiiling akong tumayo.

"Cindy." Tawag sakin ni Scarlett. Lumapit sya at bumulong. "How are you and Red? Pinapansin ka na ba nya?"

Medyo naguusap na kami ngayon nila Masie at Scarlett. Kailangan ko din ng babaeng makakausap no.

"Sa tingin ko hindi. Ang cold parin ng mga tingin ni Red eh." Sabi ni Masie.

Ayoko ng pagusapan yan. Kasawa na eh. "Tara na nga! Nasan na ba sila Hinata?"

"Nandito na kami!" Umalingawngaw ang sigaw ni Hinata sa buong sala. Lumingon ako at nakita ang nakangiting si Hinata at Takenaga at si Hikaru na nakapoker face.

Naramdaman kong may tumabi sakin at nakita kong si Hiro yun. Ngumisi ako dahil sa hindi malamang dahilan.

"Tagal ah! Gutom na ako!" Reklamo ni Leaf at nagmartsa na papuntang dining.

Lumakad na din kaming lahat papasok sa loob. Sobrang dami namin kaya kailangan namin kumain sa long table.

Habang naglalakad ako eh sumabay si Takenaga sa paglalakad ko.

"Hi." Kahit nakatingin ako sa unahan ay ramdam kong ngumingiti sya.

"Hey." Nilingon ko sya.

"Nice place. Ang laki." Inilibot nya ang mata nya sa loob ng mansyon.

"Salamat." Ngumiti ako. "How are--"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay pinutol na ni Hiro iyon. Aish. Nasa tabi ko nga pala sya.

"Fuck off." Mariing sabi nya.

"Dude, oo na. Tss. OA ah." Inirapan ni Takenaga si Hiro at lumayo na samin. Ehh! Kausap ko pa sya eh!

"Over protective." Pangaasar ko sa kanya habang umuupo sa upuan. Nakarating na kami sa dining at nagsiupuan na silang lahat.

"Sorry naman." Natawa ako sa sagot nya habang nililibot ang mata ko.

Nanlaki ang mata ko ng umupo si Aki sa left side ko. For real! Nasa tabi ko sya!

Lumingon sya sakin at sandali akong tiningnan gamit ang walang emosyong mata saka binalik ang tingin sa mga nakahain na pagkain.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now