♥ 43. First

34 3 0
                                    

CHAPTER 43

Cindy's POV

Pinakiramdaman ko ang hanging humahampas sa akin balat. Malamig na ngayon dahil November na. Hmm. Ang bilis ng araw no? Parang kahapon lang ay first day of school palang nang biglang mag pop ang message ni Pula sa fb ko noon.

Iminulat ko ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay hindi nya parin ako pinapansin. Cold parin sya hanggang ngayon. Si Andrea ay patuloy lang sa pagkulit sa kanya at patuloy naman si Aki sa mga babae nya.

Si Hiro naman. Mas lalo kaming nagiging close. Close na talaga kami. Pero kita ko parin na lagi nalang syang may katext.

Ang gang... ayun. Going strong. June ko nakilala ang dalawang group. Ngayon ay November na. 5 months na kaming magkakakilala.

May isa akong kaibigang babae na palagi ko nang nakakusap sa Skype. She's my childhood best friend back then kaso lang ay bigla nalang syang naglaho. These days lang ulit sya nagparamdam pero close parin talaga kami hanggang ngayon. Sya kaya ang pangalawa sa kaibigan kong pinaka kaclose ko! She's like my twin sister!

Her name is Jane. Jane Sarmiento. Ang ganda nya. Super! Dyosa talaga!

"Hi..." Kinilabutan ako nang may marinig akong matinis na boses sa likod ng punong ito. Nasa park kasi ako at nakasandal sa puno.

Ang gang? May mga dinadalaw. Undas ngayon eh.

Naramdaman kong may tumabi sakin sa pagkakaupo ko. Nilingon ko iyon at nakita ko ang nakangiting si Andrea.

Ano to? Close kami?

"Hello, Cindy..." Tinanguhan ko lang sya. Tss. Etong babaeng to ang dahilan kung bakit nag iba si Aki at ang dahilan kung bakit muntik na akong mamatay.

"M-may sasabihin lang ako sayo." Tumikhim sya. "Alam kong galit kayo sakin dahil simula nang dumating ako dito ay nagkagulo gulo kayo."

Tumango ako. Tama sya. Gumulo nga.

"Kaya ako bumalik ay para balikan si Red. Mahal ko kasi sya simula pa nung first year. Kaya ko nagawang ipasagasa ka ay dahil gusto ko sakin lang talaga si Red." Ngumiti sya.

"Pero last week, kinonfront na nya ako. Sabi nya ay tigilan ko na daw sya dahil may mahal na syang iba. Mahal na mahal nya ang babaeng iyon. Sabi ko sa isip ko, 'Wow. Ang swerte naman ng babaeng yun.'"

Hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin kung sino ba iyong nagugustuhan ni Aki.

"Para akong nagising sa katotohanan sa sinabi nya. Parang, BOOM. May ibang mahal si Red kaya tigilan mo na sya." Humalakhak sya. "Actually, nagsasawa narin talaga ako sa muka nya. Nagsasawa na akong habol habulin sya kaya napagdesisyonan ko na tigilan na sya."

Nanlaki ang mata ko. Titigilan na nya si Aki?

"Meron na rin kasi akong ibang nagugustuhan." Nahihiya nyang sabi.

"Ha? Iba? Sino yan ha? Galing ba yan sa gang natin?" Nanunuya kong sabi.

Nabigla sya sa sinabi ko. What? May nakakagulat ba sa sinabi ko?

"Gang... natin?"

Tumango ako habang nakakunot ang noo. "Oo. Gang natin. Bakit?"

"Kasama ako sa gang nyo?" Masaya nyang sabi.

Natawa ako. Yun lang pala! Malamang ay kasama sya sa gang! Lagi na kaya syang nakakasama sa mga lakad ng buong gang.

"Oo naman. Kasama ka no."

"Oh em gee. Salamat!" Sigaw nya at niyakap ako. Gaga tong babaeng to. Kala nya ay nakalimutan ko na ah!

"Hoy babae!" Sigaw ko at bumitaw na sa yakap.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now