♥ 46. Mahal Ko Sya

31 3 0
                                    

CHAPTER 46

Cindy's POV

"HA? Uuwi ka na? Oh my Ghad. Kailan ba yan?"

Ngumisi sya sa akin. "February 14 or 15 I guess?"

Pumalakpak ako. Uuwi na si Jane! Malapit na! Ilang weeks nalang ay makikita ko na ulit sya at maipapakilala ko pa sa kanya yung buong gang and si Hiro!

"Dapat nga ay sa March pa pero dahil excited si ex-love ko, minadali na namin. Gustong gusto ko na syang makita ulit eh. Pero dahil mahilig ako sa surprise ay hindi ko sinabi na ngayong Feb ang uwi ko. Ang alam nya kasi ay March pa."

Ngumisi ako. 10 days nalang ay nandito na ulit sya. Yup. February na ngayon.

Nung new year ay mas lalong bumongga yung countdown namin. Wala naman masyadong nangyari nun.

Kami ni Hiro ay okay na ulit. Bumalik na sya sa dati pero napansin ko lang ay medyo mas naging sweet sya sakin. Pero madalas ko parin syang makitang may kausap sa phone nya.

Si Akihiro naman ay masyado syang sweet. Lagi nga kaming inaasar ng gang eh. Nasanay narin naman ako. Showy kasi sya sa kanyang feelings para sakin.

.

"What? Mas uunahin mo pa yan? Birthday ko na Cindy oh! Tapos uunahin mo pa yang kung sino man yan." Inis na sambit ni Hiro.

It's February 14. Valentine's Day, Birthday ni Hiro, Birthday ni Aki and ang pagdating ni Jane dito sa Pinas.

"Ganto nga kasi yun. Gusto ko kayong maipakilala sa kanya. Sya kaya yung girl bestfriend ko nung bata pa kami." Paliwanag ko. "Susunduin mo kami dito ngayon. Isama mo yung buong gang. Then pag uwi natin ay magsecelebrate na tayo."

"Ehh! Ayoko! Dapat pagkatapos ko kayong sunduin ay magdedate tayo. Yung tayo lang." Yaya nya.

"Oo na, oo na. Basta dapat masundo natin si Jane." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Luminga linga ako para mahanap si Jane. Kanina pa sya naghahanap sakin. Kaso lang ay kakarating ko palang ngayon.

"Cindy?" Nanlaki ang mata ko ng makarinig ako ng isang boses ng babae.

Dahan dahan akong lumingon at nakita ko kaagad ang malaking ngiti ni Jane.

"Ghaaad! I missed you!" Sigaw nya at niyakap ako.

"Hindi lang ikaw no. Namiss rin kita."

Hmm. Ngayon nalang ulit kami nagkita sa personal after 4 years? Nung grade 5 pa yata yun eh.

Pero ano! Excited na talaga akong ipakilala si Hiro sa kanya! Hihi!

Ken/Hiro's POV

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now