♥ 04. Mysterious Red

71 5 0
                                    

CHAPTER 4

Cindy's POV

"San tayo?" Tanong ni Andrei habang nagaayos ng gamit nya.

Kami nalang ang natira dito sa loob ng classroom. Lahat ng kaklase namin ay nasa cafeteria na.

"Mall? Game kayo?" Patanong na sagot ni Arelle.

Sya lagi ang nagdidisisyon kung saan kami gagala.

"Paalam kayo kay Keycee." Ani Mj.

"Wag na. Okay lang sa kanya to." Mahinang sambit ni Ken.

"Wait, anong gagawin natin dun?"

"Obviously, Cindy, maggagala tayo." Masungit na irap sa akin ni Andrei.

"Ah. Sige, una na kayo sa parking. Sunod nalang kami ni Jason. May sasabihin lang ako."

Magsosorry ako sa kanya. Nakakakonsensya din eh.

"Oh? Nadamay pangalan ko dyan? Ano ba yung sasabihin mo?" Malamig na tanong ni Jason.

Pinanlakihan ko sya ng mata, na parang sinasabing 'makisakay-ka-nalang-kundi-susuntukin-kita-look'.

"Sabi ko nga may sasabihin sya." Napakamot nalang sya sa batok nya.

"Ge. Intayin namin kayo. Bilisan nyo ah. Iiwan namin kayo." Sabi ni Ice.

Naglakad na sila palayo. Naiwan na kaming dalawa ni Jason.

Ako ---- AWKWARD ---- Jason

"Ah..eh..ih--"

"Oh, u? Alam ko yang mga yan. Vowels yan. Ginawa mo naman akong kinder-- Aray!"

Binatukan ko nga. Pilosopo eh.

"Baliw. Magsosorry lang ako tungkol dun sa kanina."

Napatingin sya sakin tapos inakbayan ako at nagsimulang maglakad.

"Okay lang. Kahit sobra mong sinaktan yung feelings ko."

Nagpout pa ang loko. Paputukin ko yang labi mo eh.

"Tss. Oo na. Sorry na nga diba? Ang OA mo naman."

Pagkalabas namin ng corridor, alam nyo na, fangirls alert.

Nagbulungan na naman sila. Mga baliw. Di nalang namin sila pinansin. Kailangan kong damhin tong time na to no.

"Cindy?"

"Problema mo?"

Liningon ko sya. Eh dahil nga nakaakbay sya sakin, ang lapit ng muka nya!

Napatigil kami sa paglalakad at napatitig sa kanya. Ganun din sya. Pero umiwas agad sya ng tingin at bumaling nalang sa sahig saka itinuloy ang paglalakad habang naka akbay parin sakin.

Ohmaigat. Grabe yun.

"Ahh.. libre mo kami mamaya sa Mang Inasal ah?"

Pucha. Yun lang pala. Paasa.

"Okay."

Hanggang sa makarating kami sa parking, ganun parin ang posisyon namin.

"Oh? Bati na kayo?" Tanong ni Mj.

"Hindi ba halata? Magkaakbay na sila eh. Common sense naman Mj!"

High blood yata si Andrei ngayon?

"Naninigurado lang naman." Sabat ni Mj sabay irap kay Andrei.

"Pats, ang bakla mo." Sabi ko kay Mj na ngiting-ngiti.

I missed them!

"Ang gwapo kong bakla." Sabi nya naman sabay pogi sign.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now