♥ 17. Aircon sa Park

27 4 0
                                    

CHAPTER 17

Red/Aki's POV

Where the hell is she?! Ugh! Aalis nalang bigla! Hindi manlang nagpapaalam sakin!

Teka. Bakit naman sya magpapaalam sakin eh ka-ano ano ba nya ako? Tss. Right. D*mmit.

"Ice, hindi ba nagsabi sayo?" Naiinis na tanong ko. Kahit hindi nya ako ka-ano ano, hahanapin at magaalala parin ako sa kanya.

"Tsk! Sabing hindi eh! Ano ba?!" Nahalughog na namin ang buong ospital pero hindi parin namin sya nakikita. Wala din sa rooftop. Hala. Baka naman nakain lang?

Umupo ako sa sofa ng kwarto ni Mj. Nakakapagod naman. Nandito kaming lahat sa loob. Nakakatamad naman kasing lumabas. Ang init kaya! Wait. Bakit parang wala si Mysterious Prince? Baka naman umuwi na.

Bumukas bigla yung pinto. Napatingin kaming lahat dito nang iniluwa nito si Labs na may malaking ngiti sa labi.

Lalapitan ko na sana sya nang may nauna nang yumakap sa kanya. Tsk. Kenshiro.

"Where have you been? F*ck it. We've searched you everywhere!" Nagaalalang sabi nya kay Labs. Nagtakip ito ng tenga nya.

"Aray Hiro! Wag mo naman akong sigawan!" Bumukas nanaman yung pinto at si Mysterious Prince naman ang pumasok. Magkasunod sila?

"Ikaw. San ka galing?" - Skye.

"We just hangout." Hindi ko inaasahang sasagot sya. Ang dapat lang na isasagot nyan ay isang napaka gandang shrug.

"We?!" Sabay sabay naming sabi. Hindi naman yan sumasama kahit kanino eh. Samin lang talaga.

"Yeah. Almira." Ngumiti pa ito samin. Did he just..? F*ck.

"Hala Black. Anong nangyari sayo? Okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Flame.

"I'm perfectly fine." Mas lalo akong nagulat nang sumagot nanaman sya. Diba dapat hindi na nya yun papansinin?

"Bakit ka ngumiti?" Kusang lumabas iyon sa bibig ko. Hindi ko na napigilan eh.

Tiningnan nya ako. "Why? I'm just happy." Ngumiti nanaman ito at tumingin kay Labs. Ngumiti sya pabalik kay Mysterious Prince.

"Sya ba yung kasama mo kanina kaya ka nawala?" Tinuro ni Joshua si Mysterious Prince.

"Uhm. Kasi kanina, bad trip ako kay Ice kaya di muna ako dumeretso dito. Napunta ako sa isang park at dun ako nakita ni Black then kumain kami at kung ano anong pinagusapan. The end." Nakangiti nyang sabi. Nabigla ako nang tumingin sya sakin at ngumiti. Umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Anong ginawa ko?! Chance na yun para makipagtitigan eh!

"...." Wala ni isa samin ang nagsalita. Grabe. Pati si Mysterious Prince, napaamo nya.

"Ah.. Mj? Okay ka na?" Lumapit sya kay Mj na nakahilata sa kama nya.

"Ice na." Nagthumbs up pa sya kay Labs.

Umingay nanaman ang paligid. Close na ulit sila-- What I mean is, nagtatawanan sila sa pambababara nila sa isa't isa. Laging nagaaway. Tsk.

Naglakad si Labs papunta sa akin. Hala! Anong gagawin ko?! Okay. Act normal.

"Huy." Umupo sya sa tabi ko. "Serious ah?"

"I'm always like this."

"Ang taray naman neto. Tsk." Aalis na sana sya nang hablutin ko yung braso nya.

"Kasama mo talaga si Mysterious Prince kanina?" Hindi ako makatingin sa kanya. Why am I being like this? Ugh!

Hinarap nya ako ng nakangiti. "Si Black Montefalco ba?" Tinanguhan ko sya. "Yep." Umupo ulit sya sa tabi ko.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now