♥ 44. Good

31 3 0
                                    

CHAPTER 44

Cindy's POV

Napapikit nalang ako. Oh damn. What's this? Eto na ba yung feeling ng nasa langit?

Dinama ko ang mainit nyang labi pero maya maya ay dahan-dahan nyang kinalas ang aming mga labi.

Dahan-dahan nya ring iminulat ang mata nyang kanina pa nakapikit. Ngumiti sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"I'm sorry, okay?" Ngumiti muna sya sakin bago naglakad palayo.

Naiwan akong tulala doon. Napahawak ako sa aking labi. Totoo yun diba?! Totoo yun!

Malakas ang kalabog ng dibdib ko dahil sa nangyari. Shit. Hindi manlang nya sinabi na hahalikan nya ako!

Bumalik ako sa loob ng club ng may malaking ngiti. Kumunot ang noo ng mga kaibigan ko sa akin.

"Fi, nakadrugs ka?" Seryosong tanong sakin ni Patty.

"Gaga! Di ba pwedeng masaya lang?" Humalahak ako. Nagtama ang mga mata namin ni Aki. Kaninang umpisa ng party ay masaya ang kanyang mga mata pero ngayon ay malungkot na ang mga iyon at mukang pagod. Nagiwas ako ng tingin at umupo nalang sa isang sofa.

Oh my God! Hiro just kissed me! Sa lips! He's my first kiss!

.

Sa mga sumunod na linggo ay napansin kong matamlay si Hiro at hindi sya masyadong namamansin. Bakit kaya? Dahil ba dun sa kiss?

"Hiro." Tawag ko sa kanya. Nag angat sya ng tingin sakin. "Can we talk?"

Tumango sya. "Sure."

May pulong ang buong gang dahil may pinaplano silang kung ano ngayong pasko. 1 month nalang kasi, pasko na.

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at sumandal doon. Nakatuon ang kanyang pansin sa phone nyang hawak na hindi na mawala sa kamay nya.

"Bakit parang iniiwasan mo kami?" Panimula ko. Sumulyap sya sakin. "Dahil ba to dun sa kiss--"

"Fuck!" Napatayo sya sa pagkakaupo sa sofa sa kwarto ko. "Don't ever mention that again!"

Nanigas ako. Okay. That's it. Ayaw nya sakin. Wala syang gusto sakin. Kinakahiya nya ako dahil nahalikan nya ako.

"W-what?"

Bumuntong hininga sya at lumapit sakin. Hinawakan nya ang magkabilang braso ko at nakaramdam ako ng kuryente doon.

"Cindy, I want to be alone. Walang kinalaman to dun sa kiss na yun. Gusto ko lang mapagisa dahil may gumugulo sa isip ko. Please. I just want to be alone."

Nakahinga ako ng maluwag. He just want to be alone. Saglit lang. May iniisip kasi syang kung ano kaya ayun. Gusto nya munang mapag isa.

Tumango ako at umalis na sa pagkakaharang ko sa pinto.

"Okay, Hiro." Nginitian nya ako at lumabas na. Ngumuso ako habang nilalock ang pinto at mabilis na kinuha ang laptop ko. Dumapa ako sa aking kama habang nagpipipindot sa laptop.

Nang makita kong online ang babaeng hinahanap ko ay napangiti ako.

"Cindy!" Bati nya at kumaway kaway.

"Jane!" Ngiti ko.

Remember? Si Jane Sarmiento? Yung childhood bestfriend ko na nasa New York? Sya kasi yung madalas kong napagsasabihan ng problems ko nitong mga nakaraan. Halos araw araw na nga kaming naguusap sa Skype eh.

"Kamusta?"

Tumango ako. "Hmm. Ayun. Kaka kausap ko lang kay Hiro."

"Nu bayan." Ngumuso sya. "Away parin kayo ng Hiro na yan?"

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now