♥ 23. Weird

25 3 0
                                    

CHAPTER 23

Red/Aki's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa open field papunta sa-- Saan nga ba?

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at chineck yung oras. 15 minutes pa bago mag eight o'clock.

"San tayo, Labs? Sa room na o sa tree house muna?" Inaayos nya ang buhok nyang nakaipit nang tiningnan nya ako.

"Ha? Sa cafeteria nalang muna siguro. Di ka pa nakain diba?" Tumango tango ako. "Ako din eh. Tara, let's eat!" Hinawakan nanaman nya ang kamay ko at kinaladkad ako papuntang caf.

*Cafeteria

"Ano sayo?" Tinuro ako ni Labs.

"H-ha?" Nataranta ako. Nakatitig kasi ako sa kanya eh. Nakakadistract kasi yung kagandahan nya.

"Anong gusto mong kainin?" Pauulit nya.

"Uhmm.. Katulad nalang nung sayo."

Hinarap nya yung babaeng nagbabantay dun na nakatitig saki-- Wait. Sakin? Pati ba naman sila?

"Ate? Ate?" Gaya ko, nataranta din si Ateng nagbabantay dun. Nagdedaydream sakin eh.

"P-po?"

"Sa susunod, wag mo nang titigan yung boyfriend ko. Sarap dukutin ng mata mo eh." Wha..? Boyfriend? Ako ba yun? Diba sakin nakatitig yung babae?

Napayuko lang yung babae. "Tsaka, paki ayos rin yung trabaho mo. Baka gusto mong ipatanggal kita kay Kuya Kris?" Kuya Kris? Kilala nya si Kuya Kris-- Saglit. Di pa ako nakakamove on dun sa boyfriend na sinabi nya!

"S-sorry po." Lalong yumuko yung babae.

"Aish. Bayaan na." Umirap sya. "Dalawang order ng pancakes at dalawang hot chocolate din." Nagmadaling umalis sa harap namin yung babae. Ako? Nakatulala lang.

"A-ah Aki?" Tiningnan ko sya. "S-sorry ah. Kainis kasi yung babae eh. Ang tagal, nakatitig lang sayo! Ang sarap dukutin ng mata! Gutom na gutom na kasi ako kaya nasabi kong boyfriend kita para maalis yung mata nya sayo." Nagpeace sign sya. "Sorry! Hehehe."

Ouch. Akala ko yun na eh. Gusto na rin nya ako. Ang sakit talagang umasa!

"Ma'am. E-eto na po." Nakayukong inabot samin nung babae yung tigisang tray namin.

"Here." Iaabot na sana nya yung pera nya pero pinigilan ko sya. "Why?"

"Ako na ang mag babayad."

"Eeeh! Ako na! Eto na yung pera eh!" Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa ko tapos ay kumuha ako ng 500 pesos. Okay na siguro to no?

Hoy. Baka iniisip nyong mahirap ako? May kaya ako no.

"Ako na kasi." Pagpupumilit nya.

Ayokong sya ang mag bayad. Nakakatapak kaya ng ego yun. Ako ang lalaki so dapat ako ang magbayad. Ganun yun mga tol. Wag nyong hahayaang babae ang magbayad.

Inabot ko kay Ate yung pera ko at umalis na dun. Ang dami pa kayang nakapila!

"Labs, tara na." Sumunod naman sakin si Cindy. "Uhmm.. Miss! Keep the change!" Oh diba? Dapat may 'Keep the change talaga para mas mag mukang cool.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now