♥ 01. Meet Her

128 9 0
                                    

CHAPTER 1

Cindy's POV

"Cindy, anak? Gising ka na ba? Kanina pa kita ginigising!" Sigaw sakin ng isang nilalang dun sa may labas ng kwarto ko.

"5 minutes pa po." Antok kong sambit.

"Kanina ka pa 5 minutes ng 5 minutes eh! Malelate ka na sa first day mo!" Sigaw nanaman nung tao sa labas.

"Okay." Sabi ko sabay balik sa tulog.
Ah. Yun lang naman pala.

Napabalikwas ako sa higa ko tapos tumingin sa alarm clock ko. 7:30 na! 8:00 ang klase namin eh!

Nilingon ko ang alarm clock ko kung saan ito nakalagay pero wala na ito doon. Napasulyap ako sa sakin at ayun, wasak ang alarm clock.

Hindi ko nalang yun inintindi at naghanda na ng isusuot ko.

Habang naglalakad ako papuntang walkin closet ko, bigla namang tumunog yung phone ko.

May nagtext siguro.

Pagtingin ko, may nagtext nga.

Napangiti ako ng mabasa kung sino ang nagtext.

From: Icy

Annyeong! Good Morning! Wala ka pa sa school ah? I guess maliligo ka palang? Hahaha. Nandito na ako sa school, wala ka pa dito.

Agad naman akong nag tipa ng reply para sa kanya.

To: Icy

Hi. Nandito pa nga ako sa bahay. Actually, kakagising ko lang at nagmamadali ako. Kaya kung pwede, wag ka muna mang istorbo kasi nangmamadali pa po ako.

Binalik ko ang tingin ko sa aking walkin closet. Tiningnan ko din ulit ng maigi ang uniform naming bago.

Yung blouse nya ay kulay puti. Yung palda naman namin ay checkered na kulay black, white, red.

Mini skirt dapat talaga to, kaso lang, pinili ko talaga yung pinaka mahaba at ang pinaka mahaba naman nila ay mga 3 inches below the knee lang.

Masyadong mahaba pero wala akong magagawa.

Umiling-iling nalang ako tsaka naalala yung oras kaya nagmadali akong pumuntang divider ng mga sapatos ko.

Kinuha ko agad yung converse na black and white. Syempre nakakuha narin ako ng undergarments ko saka nilagay ito sa may sampayan sa may banyo namin at naligo na agad.

After 10 minutes nagbihis agad ako at hindi na nagsuklay. Para san pa yun? Masisira rin naman yung ngipin ng suklay sa buhok ko eh.

Kumuha ako ng cap na nakasabit sa likod ng pinto ko at nagipit ng buhok. Tumingin ako sa salamin kung may muta ako (wala naman) pero bago ko sya makalimutan, patakbo akong pumunta sa phone kong nagchacharge sabay alis sa saksak nun saka tumakbo pababa ng hagdan.

Nakita ko sa kusina si yaya na nagkakape. Sya yung tumatawag sakin kanina. Wala po akong kasama sa bahay kundi ang lima kong katulong, limang driver, limang body guard. Wala naman silang masyadong ginagawa pero sinusweldohan parin sila ni Mama ng tama lang. Hindi ko alam kung magkano kasi hindi naman ako yung nagpapasuweldo sa kanila.

Nasa Korea sila Mama, Papa and Kuya. Nandun nga kasi yung business ekek chuchu nila whatsoever. Hindi ako interesado sa mga ganun. Tas si Kuya naman, nandun kasi isa syang sikat na model doon.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt