♥ 27. Another Group

28 3 0
                                    

CHAPTER 27

Cindy's POV

"GOODMORING, WORLD!" Sabi ni Jason pagkalabas na pagkalabas nya sa kwarto na tinulugan nya. Nag-unat unat pa sya habang naglalakad papuntang dining area.

"Morning, Noona." Bati sakin ni Ash habag nagkukusot pa nga mata nya. Aww.

"Morning, Cutie." Bati ko rin dito. Nginitian nya ako at naglakad na papuntang dining.

6:30 am na ngayon. Kanina, paglabas ni Aki ng kwarto ko ay naligo na ako. Kinatok ko narin yung mga kwarto ng gang para makakain na. Hindi ko alam kung san pumunta si Aki eh. Baka nasa isang kwarto dun sa guestroom.

"Yo! Miss Cindy." Nakipag high five sakin si Skye.

Nasa sala lang ako. Nakain ng lomi habang nanonood ng Yokai Watch. Favorite ko tong anime eh.

Lahat ng nadaan na member ng gang ay binabati ako. Nakadaan na silang lahat, si Hiro at Aki nalang ang hindi.

"Goodmorning, Cindy.." Matamlay na bati sakin ni Hiro at umupo sa tabi ko.

"Morning." Sabi ko habang nakatutok parin sa tv.

"Musta tulog?" Sabi nya habang niyayakap nanaman ako mula sa gilid. Ayan! Nawala tuloy ang concentration ko sa panood!

Pinatong ko ang mangkok na may lamang lomi sa mesa dito sa sala pagkatapos kong sumubo ng isa. "Okay lang. Ikaw?" Hinarap ko sya at muntik ko nang maibuga ang laman ng bibig ko sa muka nya.

"What the fuck?! Anong nangyari sayo?!" Hindi mapakali kong tanong. Sobrang laki kasi ng eyebag nya! Muka talaga syang panda!

Hinawakan nya ang pisngi ko at pinagdikit din ang noo namin gaya nung ginawa ni Aki kanina.

*dug dug dug dug

Omg. Hindi ko to naramdaman kay Aki kanina diba? So meaning, special talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Hihihi.

Ipinikit nya ang mga mata nya. "I'm sleepy. Hindi pa ako natutulog." Lalo akong nataranta. Ang lapit ng muka namin! Ang lapit din ng lips namin! Huhubels!

"Ha? Hays. Matulog ka na nga. Hindi tayo papasok ngayon." Tinanguhan nya ako at binitawan ang pisngi ko. Haish.

Nagulat ako nang humiga sya sa lap ko. Tsk. Hiro naman! Bakit ka ba ganyan?! Bakit ba lagi ang sweet mo sakin?! Diba si Krystal yung gusto mo?! Sasaluhin mo ba ako pag nalaman mong may gusto ako sayo?!

Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong balak sabihin sa kanya yung tungkol sa nararamdaman ko. Okay lang sakin yung ganto. Na sweet sya. Pag sinabi ko ba sa kanyang may gusto ako sa kanya eh, magiging sweet pa kaya sya sakin? Mas okay na to diba? Mas masaya ako kahit kaibigan lang ang tingin nya sakin.

"Problem?" Nakapikit parin sya habang nagsasalita.

"Ako? Wala wala. Matulog ka nalang dyan. Sasabihan ko lang sil-" Tatanggalin ko na sana ang ulo nya sa lap ko nang bumangon na sya.

"Mamaya nalang ako matutulog. Tara na. Gutom na ako eh." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na ako papuntang dining.

*dug dug dug dug

Ano ba yan. Ang bilis nanaman ng heartbeat ko. Para pa akong nakukuryente sa kamay nya! Ganto din yung naramdaman ko dati kay Blake...

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Si Blake.

"Cindy? Okay ka lang?" Hinawakan ni Hiro ang magkabilang balikat ko.

Tumango ako at nginitian sya. "Ice lang. Naalala ko lang si Blake."

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now