♥ 12. Akihiro De Guzman

38 3 0
                                    

CHAPTER 12

Cindy's POV

Pagkatapos ng pagpapakilala nila sakin, nagdaldalan nalang kami.

"Ilan taon ka na ulit?" Tanong sakin ni Leaf.

"Fifteen." Bored kong sagot. "Uhh? Hindi pa ba tayo babalik sa room?" Ilang oras na kasi kaming nandito sa loob eh. 3 hours na yata?

"Mamaya nalang after lunch." - Air

Nilapitan ko si Red para makapag usap kami. Grabe. Hindi talaga ako makapaniwalang kasama ko na sya dito. Nakakausap ko na sya in person!

"Hoy Pula." Tawag ko sa kanya.

"Oh Labs why?" Tumigil sya sa pag babasa ng libro para sagutin ako.

"HA?! ANO YUN?!" Malakas kong tanong sa kanya. Tumawa nanaman sya ng mahina. "HOY IKAW PULA WAG MO AKONG IDAAN SA TAWA MO AH!" Hindi kami pinapansin nung mga kasama namin sa loob. Si Leaf lang yata ang nakatingin samin eh.

"Pfft. You're really such a cutie, LABS." Talagang sinigaw nya yung dulo ah! Tiningnan ko lang sya ng masama. Nagtaas lang sya ng dalawang kamay nya. Yung parang sumusuko na. "Labs means, labanos. Cause you're skin is sooo white like a radish. And that's what I'm going to call you. You'll call me Pula and I'll call you Labs, alright?"

"Psh. Wag sa public."

"No. I can call you Labs where ever I want."

"Tae ka."

Natawa nanaman sya sa sinabi ko. Tinap nya yung tabi nya. Naka upo kasi sya sa sofa at pinapaupo yata ako sa tabi nya. Ako naman, sumunod na parang aso. Inakbay nya sakin yung kaliwang kamay nya.

"Tanggalin mo yan kung ayaw mong mabalian ng buto." Tinanggal nya agad yung kamay nya sa balikat ko.

"Any questions 'bout my friends?" Tanong ni Pula sakin.

"Ahh. About kay Black." Bulong ko sa kanya. Baka kasi marinig eh. "Bakit di yan nagsasalita?"

"Why don't you ask him? Do you like him?"

"Nagtatanong lang naman! Patayin kita dyan eh." Aambahan ko sana sya ng suntok nang biglang magring yung phone ko.

Hiro calling...

"Ah.. eh.. Labas muna ako." Tumango lang sya habang nakatingin na dun sa libro nya.

Bumaba ako ng hagdan at naglakad lakad papuntang field. Pagkalayo ko sa tree house nila, saka ko lang sinagot.

"WHAT THE F*CK CINDY! BAKIT NGAYON MO LANG SINAGOT?!"

"Wag mo nga akong sigawan!"

"Aish. I'm sorry. What took you so long to answer it? Did something happened?"

"Wala naman. Nagditch lang naman ako ng class kasama yung mga ugok na toh."

"Ditch?! Sinong mga kasama mo?"

"Hoy ikaw ah. Taga dito nga pala si Red kaya ayaw mo akong papasukin dito. Seriously, nakita ko na sila ngayon."

"....."

"Hiro? Hiro? Nandyan ka pa ba?"

"Y-yeah yeah. So, kamusta sila? Okay ba yung ugali?" Umupo ako dun sa ilalim ng puno sa may field. Konti lang ang mga tao dito. Siguro mga 10+ lang. May klase pa kasi eh.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now