♥ 05. Fun Time

48 4 0
                                    

CHAPTER 5

Andrei's POV

Ang kulit kulit talaga nung babaeng yun. Hays sabing wag na makipagkita kay Red pero namimilit parin.

Mukang takang taka na sya dun kay Red. Ang kaso lang naman, ayaw namin syang makipagkita kay Red kasi baka maulit yung nangyari noon.

Nag vibrate bigla yung phone ko. Nagtext nanaman si Laimer.

From: Laimer

Hey bro. Uuwi ako dyan next next month ah. Namiss ko na si Baby Cindy ko. Tell that to her. Kung bakit kasi ayaw mong ibigay number nya eh.

Isa pa tong patay na patay kay Cindy. Casanova din to dati eh, napatiklop naman ni Cindy. Ewan. Di alam ni Cindy, maraming nagmamahal sa kanya, ang manhid nya lang.

Nagreply ako kay baliw.

To: Laimer

Bakit ba kailangan mong umuwi? Alam na ba ni mommy? Hanggang kailan ka dito? Wag kang umasang makakarating yun kay Cindy.

We're twins. Actually, dalawa kaming may mga kambal sa grupo. Ako at si Ken. Si Ken, mas matanda si Red sa kanya ng exactly 1 minute. Ako, mas matanda ako kay Laimer ng 32 seconds.

Laimer is planning na dito na sya magaaral. Ang ingay ingay nyan eh. Madadagdagan nanaman ng isang idol ang Amethyst Academy nyan.

From: Laimer

Alam na ni mommy. Naayos na nya yung mga papeles ko para makapasok dyan sa school nyo. May Visa at Passport narin ako. Ako nalang ang kulang.

Damn. Bahala sya.

Nilagay ko na yung phone ko sa bulsa ko at naglakad na.

Ano kayang mangyayari pagdumating yung Laimer na yun? Kawawa naman si Cindy.

Cindy's POV

Hinahanap ko si Jason para makapag basketball na kami. Kahit si Ken ang Captain ng varsity namin, si Jason nalang ang inaya ko. Sawa na akong laging nanalo kay Ken eh.

Nandun sya sa may coin dozer, naghuhulog ng piso, using his unusual poker face.

Nilapitan ko sya at kinulbit. Tiningnan naman nya ako.

"Basketball tayo." Aya ko.

"Sure, c'mon."

Nagpunta kami dun sa basketball-an. Naghulog kami ng dalawang token at sabay naming pinindot yung bilog saka lang bumaba yung harang at gumulong yung nga bola.

Sunod sunod akong nagshoot. Nilingon ko yung score nya. 68 agad! Sakin 43 palang. Di na ako nagtaka kung bakit sya kasama sa varsity ng school.

*shoot shoot shoot shoot*

Dumadami na ang nanonood sa battle naming dalawa. Daig pa namin yung nagsasayaw dun sa Just Dance. Paano ba naman, lahat ng hinahagis namin shoot. Kaso lang yung kay Jason, mas mabilis kaya mas mataas yung score nya.

.

At dahil ng sobrang yabang nya, malamang sya panalo. Chumamba lang yan. Tinatamad kasi ako ngayon eh.

At dahil panalo nga sya, magyayabang nanaman yan.

"Oh, pano ba yan? I won. Kiss ko?" Inakbayan nanaman ako.

Feeling ko, sobrang pula na ng muka ko.

Sinampal ko naman ng medyo mahina yung pisngi nya.

"Kiss mo muka mo. Ewan ko sayo. Nasan ba si Ice?"

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now