♥ 47. Wake Up

36 3 0
                                    

CHAPTER 47

Cindy's POV

"Wag mo nang pansinin yan. Hayaan mo sya."

Napalunok ako sa sinabi ni Leaf.

It's been a week since that night pero wala paring improvement. Ni katiting, wala.

February 21 na. Luminga linga ako sa paligid. Everyone's busy. Naghahanda para sa birtday ko bukas.

Napangiti ako ng maliit nang may maramdaman akong kamay sa bewang ko.

"What are your plans for tommorow?" Tanong ni Aki habang pinapatong ang kanyang baba sa aking balikat.

Nag angat ako ng tingin sa dalawang tao sa harap namin. Sweet. They're sweet as always.

Masaya sila. Silang dalawa. Ilang beses kong tinry na kausapin si Ken pero lagi nya akong tinatanggihan, dinedeadma.

"Dito lang. Gusto ko nga sanang magkulong sa kwarto kasama ka--"

"I like that." Nangingiti nyang sabi.

Umirap ako. "Kaso may gang na mag iinuman sa labas kaya kailangan nasa labas din ako."

Inalis nya ang kanyang chin sa akin at tumango tango. "Ilang taon ka na ulit? 17 or 18?"

Hinampas ko sya sa braso dahil sa inis. Sya naman ay tumatawang sinangga ang mga hampas ko.

"Bwisit ka! Anong akala mo sakin? Huh? Gurang--"

"Yeah! Gurang ka!" Tawa nya.

Mas lalo ako nainis kaya kesa magsayang ng pagod para hampasin sya ay nagcross arms nalang ako at ngumuso.

Ramdam ko ang mga matang nakatitig saming dalawa. At alam kong isa doon ang mga mata ng taong mahal na mahal ko.

Nanigas ako nang lumapit sya sa tenga ko at bumulong.

"Of course, I remember. Ikaw pa? Mahal kita eh."

Pumula ang pisngi ko dahil doon. Pagsinasabihan nya ako ng ganun ay nagiinit nalang ang pisngi ko.

"Sows. Korni nyo. Get a room!" Natatawang sambit ni Scarlett.

Nagtama ang paningin namin ni Ken. Tumitig ako sa kanya at ganun din sya. Ngayon lang ulit sya nakipag eye contact sakin. And I missed it. Namiss ko yung mga mata nyang nanghihigop.

Nagiwas nalang ako ng tingin nang niyakap ni Krystal si Ken at ipinulupot naman ni Ken ang kanyang kamay sa bewang ni Krystal. Oh yeah? Ginagawa nya rin yan sakin noon!

Yumuko ako. Yeah. Noon lang.

"Hey, baby." Nilingon ko si Aki. "Are you sleepy? Tulog na ba tayo? Hmm."

Tumango ako. "Let's sleep." At tumayo na. Umakyat na kami ng hagdan at bago ako pumasok sa aking kwarto ay lumingon akong muli sa baba.

Nakatitig ang mga mata nya sa akin. Ngumiti ako ngunit hindi sya ngumiti pabalik.

.

Nagising ako dahil sa may naramdaman akong marahang tumutusok sa aking pisngi. Pagkamulat ko ay bumungad sakin ang isang gwapo at nakangiti ng malaking si Akihiro na bihis na bihis.

Ngumiti rin ako sa kanya.

"What..." Humikab ako. "Why are you still awake?"

"Sorry to bother you but you have to wake up, baby." Aniya at hinila ako paupo.

Nahiya naman ako bigla dahil sobrang bango nya ngayon samantalang ako ay isang dakilang dugyot.

Umayos ako ng upo nang marinig ko sya umubo.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now