♥ 42. Birthday

37 3 0
                                    

CHAPTER 42

Cindy's POV

"Ice..."

Nanatiling ganun ang pwesto namin. Tinitigan ko ang mga mata nyang punong puno ng mga emosyon.

Ngumiti nya. Malungkot na ngiti.

"Hey. I'm just telling you. Wag mong dibdibin. I just want you to know na gusto kita. Yun lang. Kahit... wala kang sabihin."

Tumitig parin ako sa nga mata nya pero panay ang ngiti nya sakin.

Oo, gusto ko si Ice, pero dati yun. Crush. Paghanga lang. Napunta kasi lahat ng pagmamahal kay Hiro. Nalipat sa kanya lahat.

"Ice.." Pumikit ako at pagkatapos ng ilang segundo ay iminulat ulit ang mga mata ko. "I admit. Crush kita dati pero hindi na ngayon. You see--"

Natigil ako sa pagsasalita nang nilagay nya ang index finger nya sa harap ng muka ko.

"Hep. Wag ka nang dumakdak. Wag ka nalang magsalita. Sinabi ko lang yung nararamdaman ko para hindi mo maramdaman na nagiisa ka." Aniya at tumayo na sa pagkakaluhod nya saka umupo sa tabi ko.

"Ha? Nagiisa? Eh ang dami dami nyo nang nakapaligid sakin eh." Tawa ko.

"O'nga no?" Kinamot nga ang ulo nya. "Basta. Tandaan mo. Gusto talaga kita. Kahit wag mo akong bigyan ng chance eh ayos lang basta maparamdam ko iyong pagmamahal ko sayo." Bumuntong hininga sya. "Wag ka sanang mailang matapos neto. Natakot rin kasi ako dating umamin sayo dahil baka mailang ka tapos hindi mo na ako pansinin."

Ngumuso ako sa sinabi nya. "Bakit naman? Friends parin naman tayo-- Bestfriends, actually." Tawa ko.

"Aww. Na bestfriendzoned ako." Halakhak nya. Medyo okay na sya ngayon pero halata parin sa muka nya na malungkot sya.

"Hmm. Ganto. Malapit na birthday mo, diba?" Tanong ko nang may maisip akong idea.

Tumango sya. "Dapat maganda regalo mo ah."

Humalakhak ako. Magandang maganda. Magandang maganda ang regalo ko.

"Ayos lang ba kung..." Sumulyap ako sa kanya. "Kung hiramin muna kita sa inyo? Sa buong gang? Sa family mo? Ayain sana kitang magdate sa birthday mo eh."

Nanlaki ang mata nya at umawang ang bibig. Natulala sya at ilang sandali pa ay hinawakan nanaman nya ang aking mga kamay.

"Talaga? Niyayaya mo akong magdate? Aba? Ikaw pa ba ng tatanggihan ko? Sure naman! Date lang pala eh!" Tumaas ang kilay nya. "Paano kung hindi pumayag ang gang? Yung kambal? Si Ken?"

"Magpapaalam ako kay Hiro."

"Okay! Then, we're settled! It's a date! Hehe. September 1, 6 am. I'll pick you up."

"Huh? Hindi ba parang ang aga naman yata nun, Ice? Tsaka wala pa akong plano sa date natin. Mahi--"

"Ako ang bahala." Kindat nya sakin. "Basta ah. Date, Cindy. DATE."

Nakangiti syang naglakad pabalik sa loob habang ako naman ay natatawa. He's happy. Ang babaw nya.

Umiiling akong pumasok sa loob. Naabutan ko silang nanonood nanaman sa Cartoon Network sa sala. Unang dumapo ang tingin ni Aki sakin pero umiling ako at nag iwas ng tingin. Bumaling nalang ako kay Hiro na naka kunot noo sakin.

"Bakit masaya yung unggoy, Cindy?" Tanong nya habang inaalalayan akong umupo sa tabi nya.

"Hmm. I'll tell you later." Tumayo ulit ako at hinarap ang gang. "Uuwi na kayo? Exotic 8? May finals pa kayo bukas." Pagpapaalala ko sa kanila.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon