♥ 29. Motor Bike

28 3 0
                                    

CHAPTER 29

Ken/Hiro's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na galing sa bintana na tumatama sa muka ko.

Bumangon ako at nilibot ang tingin. Fuck. Nasa labas na silang lahat.

Anong oras nga ba ako nakatulog? 3am? 4am? Halos mabaliw kasi ako kakaisip kung may nagawa nanaman ba akong hindi maganda kay Cindy.

Galit sya sakin and hindi ko alam kung bakit.

Bumangon ako at lumabas sa kwarto. Pumunta muna ako sa banyo nila at naghilamos. Pagkatapos ay pumunta na ako sa dining area kung saan maraming nagiingay.

Dumako agad ang tingin ko kay Cindy na pinaglalaruan ang pagkain nya. Kumuha ako ng isang upuan at itinabi iyon sa kanya. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Goodmorning Cindy.." Bati ko. Nagulat ako nang inalog nya ang balikat nya para matanggal ang ulo ko doon.

"I'm done." Tumayo na sya at umakyat na ulit sa kwarto nya.

"Bad mood yata sya ngayon eh." - Air.

"Kanina, nung binati ko sya, inisnob lang ako. Tss." - Jason.

"Ano bang nangyarin dun? Kahit ako, hindi pinansin eh." Kinamot ko ang ulo ko. Damn. What the hell is her problem?

"Si Red lang ang kinausap nya eh. Selos nga ako." Nagpout si Leaf at uminom ng tubig.

"Si Red?" Nilingon ko si Red. Poker face lang syang nakatitig sakin. "Ano daw problema nya?"

"I don't know." Tumayo sya at umalis narin. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa pagkainis. Si Red, pinapansin nya tapos ako, hindi?!

"FIFI AND FAFAA! WE'RE BACK!!" Tumayo na ako. Nandyan na pala yung mga sampid.

"Aish. Ang bilis nyo naman?" Tanong ni Air nang makapasok na sila Kian ba yun?

Nahagip ng mata ko yung lalaking magkaiba ang kulay ng mata. Hindi sya nakatingin samin. Lagi lang syang nakatingin sa kawalan. Mas mysterious pa sya kay Black.

Umakyat ako papunta sa kwarto ni Cindy. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto nya.

"What's your problem?" Umpisa ko.

Hindi nya ako pinansin at naglakad na pababa. Fuck. That's new.

Pumasok ako sa kwarto nya at pumasok sa walk in closet nya. May mga damit kasi ako dito dahil nga dito ako natuloy minsan.

Jersey shorts at isang black tshirt lang ang sinuot ko. Matapos kong maligo ay nagpunta na ako sa pool nila Cindy.

Naginit agad ang ulo ko nang makita kong naguusap sila Cindy at Red dun sa isang cottage nila. Huh? Si Red ba ang mas gusto nya?

Umupo ako dun sa side ng pool at binabad ang paa ko sa tubig. Pinakinggan ko lang silang dalawa. Bale nasa likod ko lang sila kaya medyo naririnig ko yung pinag uusapan nila.

"Actually, hindi ako makatulog kagabi." Narinig kong sabi ni Cindy. "May naalala lang kasi ako."

Hindi sya makatulog? Eh bakit kaya nya ako sinungitan kagabi?

"Hmm? What is it?" - Red.

"Basta. Wag ka na ngang magta-- Hala. Ayan si Eros. Dadaan sa harap natin." Di mapakaling sabi ni Cindy. Eros? Sino yun?

Lumingon ako para makita kung sino iyon and, tama nga ako. Sya yung may matang color purple at red.

Dere deretso lang sya sa paglalakad na kala mo pagmamay ari nya tong mundo. "Fuck. Ang yabang nya." Bulong ko.

Lucky Girl (Completed) (Editing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat