Chapter Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

"She saved your life. Baka nakakalimutan mo 'yon. And mukha namang okay lang kay Gen na dalawin ka. You have no girl friends na pwedeng dumalaw sayo." Naningkit ang mga mata ng binata.

"So that's why, you're finding me a girl friend who could visit me when I am home? I don't need girl friends masyado na kong maraming kaibigan."

Napapatingin nalang siya sa dalawa.

"Son, It's been years since you last had a serious relationship. Maybe Gen wouldn't mind kung magkakalapit kayo. Right Gen?" Napatanga siya ng bumaling ang ginang sa kanya.

"P-Po?"

"Single ka diba?"

"O-Opo."

Ngumiti si Mrs Sandoval. "Bravo! Edi mas---."

"Mom Stop!" Saway ni Cain sa ina.

Binubugaw ba niya ang anak niya sakin?

Saka lang niya napagtanto na may ugnayan nga si cain sa kapatid niya. Mas lalo tuloy nabuo sa isip niya na dapat talaga siyang mapalapit dito para mas malaman niya kung gaano talaga kalalim ang naging ugnayan nito sa kapatid niya.

Monica Claire sino sino ba itong mga taong pinapasok mo sa buhay mo?

Umalis siya sa lugar at hinyaan tangayin ang isip niya ng mga bagay na naglalaro doon. Palabas na siya ng ospital when Gen dialed Kennedy's moble number.

"I need your help." Mabilis niyang sabi dito.

Kennedy didn't answer back but she heard his deep sighed.

"Ken? Are you still there?" Sabay ikot ng mga mata nya. Mukhang bingi bingihan ang kaibigan niya. "Nariniig mo ba ako?" Ulit niya.

Bumugtong hininga muli ang kaibigan niya. "What do you need this time?" Tanong ni Kennedy sa kanya.

Siya naman ang napabugtong hininga. "Pabor sana. Kung okay lang?"

"Spill it. Baka kaya ko."

"Kailangan ko malaman ang kompletong address ni Gregory Lopez." Deretsong saad niya.

Tumahimik si Kennedy. May ilang minute bago ito muling nagsalita. "Matigas talaga ang ulo mo ano?"

"Ken, alam ko naman na naiintindihan mo ako diba?" Aniya sa may malamboit na tinig. Iyon ang kahinaan ng kaibigan niya. Ang biglang pagpapaawa niya dito.

Pero taliwas sa inaasahan niya. Kennedy didn't buy her drama. "Stay out of this, Gen." He firmly said.

Napahawak siya sa Noo. "I need the imformation right now, Ken." Matigas niya ding sabi.

"Pero hindi ko ibibigay sayo. At kapag ginawa ko 'yon parang ako na rin ang naglagay sayo sa peligro." Nuunawaan ni Gen ang pag aalala ni Kennedy sa kanya pero parang di nito nauunawaan ang pinaglalaban niya.

"Salamat sa pag aalala mo pero may mas malahaga akong misyon na kailangan kong matupad." Pagpapaalala niya sa kung ano nga ba talaga ang ipinaglalaban niya. Alam niyang suportado pa rin siya nito ano man ang mangyari.

"Pero hindi sa ganyang paraan. Ano ka ba? May batas tayong kailangan sundin." Ani muli ni Kennedy sa kanya. Nagtagis ang mga ngipin ni Gen.

"I need the address now!" She said once again. "Look Ken, Hindi ko lang ito ginagawa para sa sarili ko. I am also doing this for Mr. Sandoval."

"May mga pulis nang umaayos sa kaso ni Mr. Sandoval hindi mo na kailangan makialam pa doon." Mabilis na sagot muli ni Kennedy mula sa kabilang linya.

GENTLEMEN Series 1: Cain Sandoval (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon