Chapter 7

113K 1.9K 95
                                    

Jessie's Point of View

Tinitignan ko lang sila, tumingin sa direksyon ko si Zig, pero inalis niya din ito na parang hindi kami magkakilala.

Umalis na din agad ako at nagpunta sa room ko.


ANDITO ako sa hospital, diba ngayon kami magkikita nila mama, kinakabahan ako. 

"Miss, s-saan ang room ni Elle Mendoza"-Tanong ko sa may nurse station.

"Kaano ano niyo po ang pasyente?"-Nurse.

"Anak niya po ako."- Sagot ko. Sinabi niya ang room, at ngayon papunta na ako. Kinakabahan talaga ako, pagkataos kasi nung sagutan namin ni mama, parang nahihiya ako lumapit, lalo na ngayon, na alam ko na ang dahilan kung bakit niya ginawa yun.

Nasa tapat na ako ng room, hinawakan ko yung door knob, tska huminga ng napaka-lalim at binuksan na yung pinto, at sakto ang paglingon ni mama, napaluha ako ng makita kong madami ang nakakabit sa kanya.

"J-jessie."- Mahinang sabi ni mama, sapat na para marinig ko at umiiyak na din ito. 

Nang makita ko ang kalagayan niya, tila isang bulang nawala ang galit ko. Naiintindihan ko ang dahilan ni mama, aalisin ko na ang inis ko, dahil siya ang nag-alaga sa akin at alam kong mahal niya ako kahit pa man hindi ako nito tunay na anak. 

Lumapit ako sakanya at bigla ko siyang niyakap. Puno ng pag-aalala, pagkamiss at pagmamahal ang yakap ko.

"I'm sorry."-Sabi ni mama, pero mahina ang boses niya, parang hirap siyang magsalita.

"Ma, okay na po sa akin ang lahat, sorry po sa pagsigaw ko sainyo, gagawin ko yung pagpapakasal para sainyo, para gumaling kayo, kahit hindi niyo ako anak, ginawa niyo padin ang tama para sa akin, para sa kinabukasan ko. Salamat ma."-Sabi ko.

Ilang minutong katahimikan, binasag na ni mama.

"P-pagod na ako."-Pabulong na sabi ni mama. Nakaramdam ako ng takot at kaba dahil sa sinabi niya. Kinausap ko pa siya at naghihintay ako na may sumagot pero wala. Pikit matang umalis ako sa pagkakayakap, palipat lipat ang tingin ko sa monior at kay mama.

Nag-umpisa nanaman akong mag-luha.

"Ma naman! Gising ka ma! Magsalita po kayo, bakit hindi ka gising o mag salita man lang! Buhay pa yung monitor oh!"-Paiyak kong sabi.

"Miss okay ka lang?"-Lumingon ako sa likod, yung nurse!

"Nurse. Y-Yung mama ko po. H-Hindi po siya nagsasalita, bigla po kasing ---"

"Huh?"-Nurse. Lumapit siya at chineck ang mama ko.

"She's okay miss, don't worry, okay ang signs ng heartbeat niya, tumalab lang yung gamot na pinainom kanina."-Nakangiting sabi nung nurse. Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa sinabi niya, masyado pa ang nag-react. Nagpasalamat na lang ako sa nurse, tska hinarap si mama. 

"Ate?/Ate baliw?"- Napalingon ako sa likod at bumungad ang dalawa kong kapatid. Mas lalo akong naiyak nang makita ko sila.

Tumakbo sila at yumakap sa akin

"Ate baliw! Andito ka,  paano ka nakalabas ng mental? Na--"-Pau.

"Aray!"- Binatukan ko nga. 

"Ikaw ah?! Anong mental?!"- Natatawang saad ko. 

"Joke lang po! Saan ka pala nanggaling ate?"-Pau.

"Wala. Sa ano-- S-sa province lang."- Sagot ko. Hindi ko din naman pwedeng sabihin ang totoo, dahil hindi din nila ito maiintindihan. 

"Ahh. Akala ko ate inabduct ka na ng mga men in black."

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon