Chapter 69

62.1K 986 125
                                    

Jessielie's POV

Tatlong araw! Tatlong araw nang hindi nagigising si tita!

"Kasalanan mo to eh! Kasalanan mong lahat to! Kung hindi sana malaki ang pride mo, hindi manyayari ito!"-Malakas na sigaw sa akin ng ate ni Zig. Hindi ko na siya sinumbatan pa dahil nakatitig lang ako kay Ellis. Ramdam ko naman ang pag-lapit ni sakanya at ang matatalim nitong tingin sa akin. 

Nakakatawa lang isipin, na tatlong araw akong nasa hospital, binabantayan siya kahit na pilit nila akong pinapaalis, hindi umuuwi dahil inaantay kong makita ang pag-gising niya, hindi na nag-abalang umuwi para magpahinga at magpalit ng damit pero ano naman ngayon? Ni hindi man lang nila sinasabi sa aking umuwi na ako, kundi sinasabi pa sa aking, umalis na ako at huwag ng babalik.

May cancer si Ellis, stage 2, and now she's lying here on the bed, walang malay. Nabagok daw ang ulo niya, nahulog sa pool and was drowned for 1 hour. Kung siguro ay nilingon ko siya nung time na narinig ko ang tubig na iyon ay hindi sana siya naka-ratay rito ng dalawang araw. Oo, aware ako sa mga pinag-gagagawa ko pero hindi ko inaasahang hahantong ako sa ganito, una ay ang ate ni Zig, pangalawa ay ang ina ni Zig. Nabalik ako sa realidad ng may humawak sa braso ko, pag-tingin ko ay walang iba kundi si Zig, kinaladkad niya ako papunta sa veranda ng room ni Ellis, nang marating namin yun, marahas niyang binitawan ang braso ko dahilan para maramdaman ko ang pagtama ng railings sa veranda, napa-ungol ako sa sakit pero ipinag-sawalang bahala ko ito at napa-yuko nalang. 

"Sa unang yugto ng buhay ko sa piling mo ay kawawa na ako pati ba naman sa huli?"-Nakangising sabi ko tska tumingin sakanya, at the age of 26, nararanasan ko na to? Nakakatawa."-Pag-dagdag ko, hindi nagbago ang ekspresyon ni Zig at titig na titig lang siya sa akin. pero ang sandaliang moment na yun ay naputol nang biglang marinig ang flat line na nagmumula sa monitor na ansa tabi ni Ellis. Nanlaki ang mga mata ko at ganuon din siya, pinuntahan namin si Ellis at nakita ang flat line na nasa monitor ni Ellis, napa-takip ako sa bibig ko at hindi alam ang gagawin. Hinihingal na lumapit si Zig at may pinindot na kung ano, kung saan agad-agad na nagdatingan ang mga doctor at nurses. Napahawak ako ng mahigpit sa railing ng kama. 

"M-Mom! N-No! Come'n mom, mom."-Umiiyak na daing ni Zig, hindi ko alam kung ano ang mga pinag-sasaksak sakanya, hindi ko alam kung ano yung nilalagay sa dibdib niya, hindi ko alam kung ano ang mga pinag-sasabi nila, hindi ko alam kung ano ang mga pinag-pipindot nila, wala akong alam sa ginagawa nila! Dahil ang alam ko lang ay ang dahilan kung bakit siya nandito. Naramdaman ko ang pag-tulo ng luha mula sa mga mata ko.

"T-Tita! I'm s-sorry!"-Malakas an sigaw ko habang umiiyak, pero isang napaka-lakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko dahilan para mapagilid ang mukha ko.

"Sir!" rinig kong awat ng ilang nurses pero ang mga doctor ay tuloy pa rin sa pag-salba sakanya. Malungkot kong tinignan si Zig, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot, salit at sakit. Dinuro niya ako. "Alis." Matigas niyang sabi at napailing ako.

"No. H-Hindi ako aalis ---"

"LAYAS!"-Malakas na sigaw niya. "PALAYASIN NIYO YANG MAMAMATAY TAO NA YAN! KUNG HINDI NIYO YAN PAPAALIS, TATANGGALAN KO KAYONG LAHAT NG TRABAHO!"-Malakas na malakas na sigaw niya sa aming lahat, napa-yuko ako at napahagulgol, inakbayan ako ng nurse at dahan-dahan kaming lumabas ng room.

"P-pasensya na ma'am. A-Ayos lang ho ba kayo?"-Utal an tanong niya. Tumango ako habang umiiyak, kinapa ko ang calling card na nasa bulsa ng pantalon ko tska ibinigay sakanya.

"T-Tawagan mo ako parang awa mo na."-Nanginginig na saad ko, tinaggap niya ang calling card at tumango, humikbi ako at tumalikod pero nagulat ako ng sunod-sunod na nagtakbuhan ang mga nurses at doctors na may dalang crash cart tska sila pumasok sa loob ng room ni Ellis. Napa-hawak ako sa bibig ko at napa-upo sa bench malapit sa akin.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon