Chapter 82

40.7K 627 45
                                    

Zienna's POV

Mabilis akong tumakbo hanggang sa narating ko na ang area kung saan gaganapin ang proposal. Napangiti ako nang may nakapalibot na puting tela na nag-mistulang tent, marami nang tao rito kahit ala-sinko palang, marahil lahat sila ay naghahanda na para sa gagawin ni Zig mamaya. 

Pumasok ako sa loob pero walang laman dito, para inilalapag pa lang nila lahat ng mga kakailanganin nila, parang set up muna nang mga gamit. 

Nakita ko kaagad si Zig na nakikipag-usap sa isang babae, naaalala ko siya! Siya si Anica, yung dinala ni Jess sa area namin para mag-breakfast. Agad ko silang nilapitan at nakipag-kamustahan.

"So Zienna, dapat mong ilayo si Jessie dito okay?"-Tanong sa akin ni Anica, tumango ako at nag thumbs up. Nag-usap usap pa sila hanggang sa napag-desisyunan na namin ni Zig na lumabas muna, dahil mamayang six pa naman ang proposal, hindi ko alam kung bakit gabi, siguro may gagawin si Anica na mas babagay kapag gabi.

"I am so excited!"-Pumapalakpak na saad ko tska kumapit sa braso ni Zig. "Kinakabahan ako." Kung gaano ang saya ko ganuon rin ang ikinakakaba niya. 

"Tss. Huwag kang kabahan, mahal niyo naman ang isa't isa eh. Tska alam ko namang sasagutin ka niya, ang hinihintay ko nalang ay ang oo niya para maikasal na kayo." Nagkangitian kami tska na kami pumasok sa loob. 

Zig's POV

Ang bilis ng oras. Ala sinko na at maya maya, dadalhin na rito si Jessie. Sobra akong na-eexcite, sa buong buhay ko, ngayon ko lang naman kasi gagawin ang ganitong bagay. Hindi ko ito nagawa sakanya at kahit kailan hindi ko pa ito nagawa sa isang babae. Wala akong kaalam-alam sa mga ganito. 

Pero sa kabila ng kaba na nararamdaman ko, nakakaramdam rin ako ng sobrang tuwa, isipin ko pa lang ang ngumingiting mukha ni Jessie, tumatalon-talon na ang puso ko. Tumingala ako sa kalangitan, at napangiti nang maalala ko ang ginawa kong video. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganyan-ganyan eh pero pinilit ko talaga para kay Jessie. Para naman makita niya yung effort ko. 

Napa-pitlag ako nang mag-vibrate ang phone ko, nag message na si ate na malapit na raw sila. Kaya agad kong sinabihan sina Anica. Pumasok na sila sa loob at muling chineck ang lahat tska kami lumabas at pinatay ang lahat ng ilaw, at dahil mag-didilim na, in-on na rin nila ang mga kandila na nasa magkabilang gilid na daanan, na papasok sa tent na maya-maya ay iilaw kapag dumating na siya.

Naging madilim ang banda rito, at ang mga staff ay umalis na rin para maging peaceful ang paligid. Tinanguan ako ni dad at nag thumbs up pa sa akin habang matamis na nakangiting umalis. Tinapik ako ni Anica tska matamis na ngumiti.

Sobra ang tuwang nararamdaman ko para sakanya. Sobrang laki nang naitulong niya para sa akin. Tumango ako tska na sila umalis. 

Naiwan akong nag-iisa rito hanggang sa masilayan ko ang aking Jessie na naka piring ang mga mata, naka-suot ng white maxi dress at lugay ang napaka-haba niyang buhok na hanggang bewang. Nilipad ng hangin ang suot nito pati na rin ang buhok niya kaya s apaningin ko ay ang ganda-ganda niya. Well, palagi naman. 

Kinindatan ako ni Zienna nang naka-lapit na sila sa akin. Tahimik akong ngumiti pabalik. 

"Ikaw Zienna ah! Kapag sablay itong pakulo mo, sasabunutan talaga kita."-Natatawang saad ni Jessie habang naka-kapit sa braso ni Zienna.

"Tss. If I know, babatukan mo ako sa saya kapag natapos ito. Oh siya, iwan na muna kita dito."-Saad ni Zienna, tumango si Jessie at unti-unting binitawan si Zienna. Umalis na si ate kaya tahimik na ang paligid.

Pinag-intertwine ni Jessie ang dalawang kamay nito sa harapan niya tska napa-kagat sa labi. Napangiti ako dahil sa simpleng asal niya.

Nag-tungo ako sa likod niya at unti-unting tinaggal ang piring.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon