Chapter 81

43.3K 682 41
                                    

Zig's POV

"Ken will be arranging the flowers while Krista will be arranging the designs for the venue. Pero ikaw kung gusto mong may idagdag ka."-Ngumiti ako tska ibinigay sakanya ang isang flash drive.

"Gusto ko sanang i-play niyo iyan."-Turo ko sa laman ng flash drive. "Makaka-asa ka Zig."-Anica uttered. Tumayo na kami tska nag-kamayan bago sila umalis. 

I rested on the couch, at nakaramdam ng kakaibang saya. Oras na kasi para mag-propose ako sakanya, hindi ko na papatagalin pa ang ganitong set-up, gusto ko na siyang matawag na asawa. Ngayon nga ay mag-p-propose na ako sakanya at sa tulong ni Anica, alam kong magiging perpekto iyon. At ang balak nina Anica ay sa susunod na araw na ito gaganapin, pero walang problema sa akin iyon. 

Mahal na mahal ko talaga si Jessielie at ayaw kong sayangin ang kada, segundo, minuto, oras at araw na daraan. Mahalaga siya sa akin, sobra. 

Mula sa pagkaka-upo, tumayo na ako at lumabas sa restaurant kung saan kami nagkita-kita nina Anica. Anica is a very nice girl, napaka-swerte ni Kurt sa asawa nito, pero kahit maaga itong umalis at least naramdaman niya na makasama ang katulad ni Anica. Kakaiba ang kwento ng dalawa, doon mo malalaman na mahalaga ang oras para sa isa't isa. Nang dahil sa kwento nila, parang maiisip mo nalang bigla na mahalin ang asawa mo o kaht hindi mo asawa dahil makikita mo sa kwento nila na ang oras ay napaka-halaga. 

Saktong pag-labas ko naman ay nakita ko na ang aking pamilya. Sina Jessie at papa. Napangiti ako habang pinapanuod sila tska ko sila nilapitan. Agad akong niyakap nina Clancey.

"Daddy I love you!"-Napa-kunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Clancey. Oh come'n she wants some chocolate again. 

She pouted with he puppy eyes, begging. "I want chocolates daddy." Pero bago pa man ako makapag-salita, kinurot na ni Jessie si Clancey sa cheeks. "Clancey! Ganyan ka pala ha, kaya ka palaging pinag-bibigyan ng daddy mo eh. But now I saw you my little Clancey, no chocolates for you. Okay?" Saad ni Jessie pero napa-hagikhik nalang kami dahil nag-simula na itong umiyak. Kaya pinag-hahalik ko ang mukha ng little princess ko kaya agad siyang tumahan.

"Masisira na kasi yung ngipin mo baby, bahala ka wala ng magkakagusto sayo. Aray!"

Pag-lingon ko sa bumatok sa akin, nakita ko ang mga nanlilisik na mata ni Jessie. "Ang bata bata niya, yan kaagad ang sinasabi mo! Upakan kita gusto mo?"-Tska niya pinagkukurot ang tagiliran ko. But I just stuck my tongue out and I started to run, agad niya akong hinabol. Pero si Clancey ay todo ang saya at sumsigaw pa ito na bilisan ko raw at hinahabol kami ng zombie, si Lincoln ay kasama ang mom niya at hinahabol kami, at si Zane naman ay kunot noong naka-tingin sa amin hanggang sa umirap ito at napailing-iling. Napatawa ako sa asal niya dahil nakuha niya talaga sa akin iyon. 

"Daddy! The zombies are coming!"-Natatawa na saad ni Clancey habang naka-turo sa likod namin. Mas binilisan ko pa ang pag-takbo, si Jessie ay hinihingal na pero anduon yung saya sa buong mukha niya, makikita mo sakanya na parang natupad na ang pinapangarap niya.

Pero ang hindi niyo naitatanong, isa ito sa mga napanaginipan ko. At hindi ko akalain na mangyayari. 

'Masayang tumatakbo sa dalampasigan kasama ang pamilya mo.'

Zienna's POV

Nagkatinginan kami ni dad at nagka-ngitian. "Look how happy they are." Saad niya at ang mga mata nito ay may namumuong luha. 

"So happy dad. Pero yung isa doon naiinip na."-Natatawang saad ko tska nginusuan si Zane na naka-upo sa buhangin at may hawak na stick habang nag-ddrawing sa buhangin. Napa iling iling si dad habang naka-titig kay Zane. "Lapitan mo na."-Pag-uutos ni dad. Tumango ako tska nilapitan si Zane at naupo sa tabi niya.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon