Chapter 64

81.1K 1.5K 368
                                    

Jessielie's POV

"Anong oras kayo uuwi?"-Tanong ni Zig. Andito pa rin kami sa kotse niya at ayaw niya akong paalisin.

"I don't know."-Maikling sagot ko dahil gusto ko lang naman nang makababa dito para mapuntahan ko na ang mga anak ko.

"May dadaanan ako sa office ko, susunduin ko kayo dito sa mall mamaya."-Pag-aalok nito, tumaas ang kilay ko at nilingon siya. 

"May sarili kaming sasakyan ---"

"Get out of here at bantayan mo ang mga anak ko. Huwag na huwag kayong uuwi sa bahay mo instead uuwi kayo ngayon sa condo ko. You'll stay there for this night."-Ma awtoridad na sabi nito.

"Are you nuts!? Hindi ---"-He kissed me to stop me from talking.

"I love you."-He softly said. Ramdam ko ang epekto nito sa akin kaya tumango nalang ako at lumabas tska nito pinaharurot ang sasakyan niya. Napa-buntong hininga nalang ako at tska muling pinuntahan ang restaurant na pinagkainan namin.

Umupo na ako doon tska mapait na ngumiti sa mga kasambahay namin.

***

"Linda, kayo na muna ang bahala sa bahay ha?"-Pagpapaalam ko kay Linda.

"Ate? Siya ba yung tatay nina Zane?"-Tanong nito, tumango naman kaagad ako.

"Jusko! Sabi ko na eh! Magka-mukhang magka-mukha sila, pero saan nga po pala kayo pupunta?"-Tanong naman ni Linda.

"Sa bahay ng ama nina Zane. Painapuwi na ako doon, kasama ang mga bata."-Malungkot na sagot ko sa tanong niya. Nanlaki naman ang mga mata niya pero naging normal din ito tska siya ngumiti sa akin.

"Ate. Darating na talaga ang araw na ganito. Kaya sana, maging matatag ka nalang para kina Zane. Kami na ang bahala sa bahay pero paano pala si papa Gio?"-Kumikinang ang mga matang tanong nito. Napatawa ako ng mahina dahil sa kinilos niya.

"Sabihin mo kay Gio na tawagan niya nalang ako pero huwag mo sanang sasabihin sakanya na nasa poder na ako ni Zig ngayon."-Sagot ko sakanya na agad niya namang ikinatango. Matapos ang ilang minuto, may itim na kotseng huminto sa harap ko at nag-umpisa ng tumibok ng napaka-bilis ang puso ko. 

"Naku ate. Huwag kang matatakot."-Pag-aalo sa akin ni Linda. Bahagya akong ngumiti, tska naman lumabas si Zig mula sa kotse. 

"Where are they?"-Bungad ni Zig nang makababa siya mula sa kotse. 

"Nasa loob ng sasakyan, natutulog."-Mahinang sagot ko. Nag-lakad naman ito papalapit sa akin kaya binuksan ko ang pinto ng van, at bumungad sakanya ang natutulog na mga anghel, napa-ngiti ako nang makita ang mga hitsura nila.

Third Person's POV

Halos paliparin na ni Zig ang kotse makarating lang sa parking lot ng mall upang sunduin ang mag-ina nito at nang marating na nga nito ang kanyang destinasyon, nakita na kaagad nito ang napaka-gandang babae na nakatayo sa harap ng isang sasakyan. Napangiti ito ng maalala ang kanilang mga pinag-saluhan gayundin ang kanilang mga anak. Sabik na sabik na niya itong mayakap, hindi ito makapniwala sakanyang natuklasan. Pagkalabas palang ni Jess mula sa kanyang condo ay agad niya na itong sinundan. At laking gulat nalang nito nang makita niya ang mga batang kasa-kasama ni Jessie. Kumabog ng napaka-bilis ang kanyang puso ng masilayan ang mga ito, nabuhay din sa kanyang dibdib ang galit kay Jessie. Puro mura ang lumalabas sa bibig nito tuwing nasisilayan niya ang mukha ng tatlo. Hindi ito pwedeng magkamali, dahil halatang-halata na dugo niya ang dumadaloy sa mga anak nito. Saw mukha palang, makikilala mo na kaagad kung sino ang ama nito. At hindi naman siya tanga para hindi kaagad maniwala sa naiisip niya. Anak niya nga ang mga ito. Sobrang galit at inis ang bumalot sakanya, tila gusto nitong sugudin si Jessie at sigawan at saktan dahil sa kagagahang nagawa nito. Pero pinigilan niya nalang ito dahil mahal niya ang ina ng mga anak niya. Napapangiti naman ito sa tuwing maaalala niya na tatlo na kaagad ang anak nito kay Jessie. Kaya naman nang makakuha ito ng pagkakataon, pumasok na ito sa restaurant at lumapit sa kanyang mag-iina at sobra ang kaba nito ng malapitan ang mukha ng mga anak, tila gusto nitong umiyak at maglupasay sa sahig dahil sa tuwa. Pero pinigilan niya lang ito at naging seryoso ang dating nito. Nakausap nito si Jessie at ang kanina pang pinpigilang galit ay tuluyan na nitong nailabas dahil sa pag-ddeny ni Jessie. Kaya naman napag-pasyahan na nitong dalhin sa condo niya ang mga-ina para masolo na niya ang mga ito. 

 "Where are they?"-Bungad ni Zig sa napaka-ganda nitong 'soon-to-be-wife'

 "Nasa loob ng sasakyan, natutulog."-Mahinang sagot ni Jessie. Dumiretso naman si Zig sa sasakyan tska nito binuksan ang pinto ng van. Bumungad sakanya ang mga natutulog na anak, at bahagya itong napangiti ng makita ang hitsura ng mga anak. Gustong-gusto na talaga nitong maluha dahil sa nasisilayan niya, hindi siya makapaniwala. 

"Lipat na kayo sa kotse."-Maikiling sabi nito tska binuksan ang likod ng kotse nito. Hindi yung compartment, ano to killer? Haha biro lang. 

Humingi naman ng tulong si Jessie kay Linda upang dahan-dahan silang mabuhat at ipasok sa kotse, unang ipinasok ni Jessie si Zane sa kotse at kasunod naman nito si Lincoln. Binuhat ni Jessie si Clancey na ngayon ay mahimbing na natutulog sa bisig niya.

"Linda, maraming salamat ah. Pero hindi ito pagpapaalam, doon muna kayo sa bahay ko, huwag ka munang aalis doon tska mahirap maghanap ng matitirahan ngayon, kaya doon ka muna."-Nakangiting sabi nito kay Linda. Nagningning ang mga mata niya at mukhang maluluha na. Niyakap nito si Jessie kahit pa buhat-buhat nito si Clancey.

"Salamat ate ah. Sana maging masaya na kayo at sana makayanan mo ang problemang darating ngayon pa't nalaman na ng ama nina Zane ang katotohanan. Salamat muli."-Malambing na sabi nito tska bumitaw, nagpaalam na sila sa isa't isa. Lumapit si Jessie sa kotse ni Zig tska naupo sa shotgun seat, habang kandong-kandong si Clancey. 

Pinaandar na ni Zig ang kotse at panay ang sulyap nito kina Zane at Lincoln, paminsan-minsan din itong sumisilip sa gilid niya kung saan naka-upo ang babaeng anak nito. 

Bahagya itong lumingon kay Jess na ngayon ay mahimbing ding natutulog. Tuluyan ng nanlambot ang ekspresyon nito tska ginilid ang kotse at lumabas. Bumagsak na nga ang luhang kanina pa nito pinipigilan. Sumandal ito sa pintuan tska pinalis ang mga luhang kumawala sa mga mata nito. Nag-labasan ang mga ugat nito, huminga ito ng malalim tska muling pumasok at pinaandar ang sasakyan.

Jessielie's POV

"Zane!"-Pag-sita ko kay Zane ng pinukulan nito si Zig ng isang napaka-samang tingin. Pero si Zig ay mukhang tuwang-tuwa pa sa inaasal ng kanyang anak.

"I don't care who you are or what you are! But if you're my father, you're just wasting your time. You won't get my heart mister!"-Malakas na sigaw nito, nagulat ako sa sinabi nito kaya dahan-dahan akong lumingon kay Zig at kitang-kita ko kung paano nawala ang ngiti sa mukha nito.

"I agree. I am not going to accept my father."-Lincoln said.

"Well. I don't care, I don;t need a father though."-Mataray na sabi ni Clancey na ikinagulat ko. 

Tumingin ako kay Zig at kitang-kita ko kung paano magbagsakan ang mga luha sa mga mata niya. 

He has a soft side and it was only reserved for his kids. And now I saw it.

***

Ipagpapatuloy..

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon