Chapter 68

66.7K 1.1K 159
                                    

Jessielie's Point of View

Pumasok ako sa loob ng mansyon at agad na tinungo ang kwarto ng mga anak ko at doon nakita ko silang mahimbing na natutulog, nakangiti akong pumasok at binigyan sila ng tig-iisang halik sa noo. Dahan-dahan akong lumabas at isinara ang pinto, bumaba ako at nag-tungo sa bandang pool at naupo sa upuan doon. Napatitig ako sa pool hanggang sa bumaba na ang mga luhang kanina ko pa gustong ilabas, ang napaka-simpleng patulo-tulong luha ay napalitan ng hikbi, napa-pikit ang mga mata ko at hinayaan lang silang mahulog, lumakas ang hikbi ko at wala na akong pakialam kung may makakarinig pa sa akin.

"Iha."-Nag-angat ako ng tingin at tumambad sa akin ni Ellis, ina ni Zig. Hindi ko siya pinansin at tumingin sa kawalan tska pinalis ang luha sa mukha ko gamit ang likod ng palad ko.

"Okay ka lang ba?"-Inosenteng tanong niya, napa-irap ako sa ere at nilingon siya.

"I am crying here tapos okay ka lang? Are you nuts Ellis!"-Asar na sigaw ko sakanya na siyang ikinagulat niya. 

"Patawarin mo ako -- k-kami sa lahat ng mga ginawa namin s-sayo."-Naluluhang sabi niya.

"Patawarin? Paano nga kung pinatawad kita ngayon, mawawala mo ba lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, mawawala ba yung lungkot na nararamdaman ko ngayon at babalik ba sa dati ang lahat pero this time maayos naman? Hindi Ellis, maaari ngang mapapatawad kita ngayon ngayon na pero andun parin yung sakit kaya wala rin lang silbi yang patawad mo."-Matapang at matigas na sabi ko dahilan para mapa-yuko siya.

"Alisin mo na ang lungkot at sakit diyan sa puso mo dahil hindi yan makakatulong sayo Jessie, matanda na ako at gusto ko na ring maayos ang pamilyang ito, gusto ko nang mawala ang hatred sa pamilyang ito kaya inumpisahan ko sa sarili ko pero hindi ko akalain na ---"

"Napaka-sama ko na palang tao? Hindi ko alam kung bakit hindi maganda ang pakikitungo mo sa akin noon eh in the first place kayo ang may kagagawan ng kasalan na yan. Hindi ko alam kung anong merong utak ang meron kayo at meron pa kayong ganuong ideya, ginulo niyo ang buhay ko sa napaka-gagong paraan, wala sana ako dito ngayon sa harapan mo, maaaring nagttrabaho ako ng maayos, m-maaaring masaya akong nabubuhay bilang isang normal na tao."-Naluluhang sabi ko, katulad ni Zig, nanlambot ang ekspresyon niya.

"Pero dahil sa kagagawan niyo, nasaktan ako sa anak niyo, hindi lang siya dahil pati sainyo naka-tikim rin ako, nahulog ako sa anak mo Ellis, minahal ko siya at nagpaka-tanga, umaasa na balang araw mahuhulog siya sa isang Jessie na napulot lang sa kangkungan at ipinakasal sakanya. Pero isa nga naman akong assumera dahil nag-mukha rin lang akong tanga, pinag-tulungan niyo ako hanggang sa magmakaawa pero sa huli pinaparamdam niyo sa akin, isa pa rin akong talunan."-Galit man ako sakanya pero hindi ko maitatagging nakikita ko ang sakit, lungkot at awa sa mga mata niya.

"Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganuon ang buhay ko. Napaka-tarantado ng anak mo, napaka-gago niya, napaka-bobo at napaka-inutil ng anak mo pero mas tanga naman ako sakanya dahil hanggang ngayon umaasa pa rin akong mabubuo kami bilang isang masayang pamilya."-Nanlaki ang mga mata niya at napa-takip sa bibig niya.

"Pero hindi naman ako tanga para sundan nanaman ang paasang sarili ko. Palagi kong sinasabi noon na mag-hihiganti ako sa pamilya mo hanggang sa magmakaawa kayo at itigil ko na pero tama nga sila, huwag mag-sasalita ng patapos, nabastos ko na ang pamila mo sapat ng siguro yun. Pero ititigil ko na dahil napag-isipisp ko. Nagagalit ako sa kademonyohan niyo pero ginagawa ko rin naman ang ginawa niyo sa akin noon at alam ko sa sarili ko that I am better than that, I deserve something better, kaya napag-desisyunan kong magpaka-layo layo na. Babalik na kami sa pinanggalingan namin. Kukunin ko ang mga anak ko. Hindi sila nababagay dito."-Diretshang sabi ko habang malalim na nakatitig sakanya, nanlaki ang mga mata niya, sinubukang tumayo mula sa wheelchair niya pero hindi siya nagtagumpay.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon