Chapter 49

71.3K 1.1K 107
                                    

Jessielie's POV

"What happened?"-Callie asked, frowning.

"Hindi pa ba na-kwento sayo ni Gio?"-Tanong ko naman habang pinag-lalaruan ang buhok ni Callie.

"Hindi. You be the one daw to tell the story. Anyway, I'm sorry dahil pinilit pa kitang sumama."-Callie.

"Maganda nga yun eh, yung pinilit mo ako, atleast natapos na, atleast nalaman ko na."-Pag-eexplain ko pero I can still feel like there's a pang on my chest.

"But you're hurt."-Callie.

"That I can't deny."-I honestly said. At nag-umpisa na nga akong mag-kwento tungol sa nangyari doon sa party.
Nilingon ako ni Callie and hugged me, after some seconds, she wipe some tears on my face.

"I am always here Jessie. Palagi lang ako dito sa tabi mo at kahit anung mangyari ako ang tatayong kapatid mo, ayaw ko namang maging mother dear mo dahil masyado pa akong bata atska ang pangit mo kaya, sa ganda kong ito? Magiging anak kita? Over my dead gorgeous body!"

Binatukan ko naman siya while giggling.

"You're mean."-Maarteng sabi ko na may patawa-tawa pa.

Nasa kalagitnaan kami ng asaran ng may nag door bell.

"Nag-order ka?"-Tanong ko.

Umiling siya at nag-prisintang siya ang mag-bubukas.

"Anong ginagawa mo dito?"-Rinig kong sigaw ni Callie. Kumabog ang dibdib ko. Hindi kaya si Zig yun? At dahil isa akong malaking tanga na umaasa, tumakbo agad ako at nakita kung sino ang nasa labas.

"Vanessa?"-Pag-tawag ko sa pangalan niya. Ngumiti siya at kumaway.
Lumapit naman ako at niyakap siya.

"Kumusta ka na Jessie?"-Tanong ni Vanessa. Humiwalay ako sakanya.

"Hmm. No comment haha anyways, why are you here?"-Tanong ko.

Tumingin siya sa akin, kay Callie, sa akin, kay Callie, sa akin, kay Callie and so on, and so forth.

"Okay. Okay. I got it."-Natatawang sabi ko.

"Callie. Labas lang kami."-Pagpapaalam ko sa aking oh so gogeous sister.

"No Jessie. Pinadala siya ng dakila niyang kapatid na si Zienna para saktan ka."-Kung hindi lang seryoso ang mukha ni Callie, malamang ay pinag-tawanan ko na ito.

"Don't worry goegeous sister. I am safe with her."-Natatawang sabi ko, isasara ko na sana ang pinto pero ang loka-lokang si Vanessa ay kunwaring sinasakal ako, dahil sa ginagawa ni Vanessa parang nang-gigigil ako sakanya, kaya naman kinurot ko siya sa pisngi at napa-hinto siya sa kalokohan niya.

"Awch awch!"-Sigaw niya and I released her. Nag-paalam na kami kay Callie na halatang gulat sa inaasal naming dalawa ni Vanessa.
***
"I used to call her gorgeous sister you know?"-Pag-kkwento ni Vanessa while sipping her caramel macchiato.

Andito kami sa starbucks. Haha oo, tinakasan namin si Callie sa condo at alam kong nabagot na iyon.
Anyway, naisip kong tulungan ang dalawa para muli silang maging best of friends. Vanessa isn't that bad anyway.

"Someday you can call her sister. Anyway paano mo nalaman yung condo niya?"-Takang tanong ko.

"I was the one who designed it. Nang malaman kong binili nila tita yun, nag-presenta ako na ako ang mag-ddesign nun, it's the only way that I think para maramdaman kong connected pa din kami sa isa't isa, kahit na noong time na yun ay magka-away na kami."-Vanessa said and sipped another macchiato. Napangiti ako sa kwento niya. Naalala ko tuloy yunf mga napaka-gandang design sa condo ni Callie. Naalala ko pa noong pinatuloy ako doon ni Callie.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon