Chapter 18

76.2K 1.3K 219
                                    

Jessie's POV


"Hindi tumigil ang pagdudugo ng paa at kamay niya, dahil naka-baon ito nung mga oaras na gumagalaw siya which she shouldn't moved, but anyways she's okay, nalinisan ko na ang mga wounds niya, na bondage na din ito, papalitan nalang ito. And.. take this, anjan na ang mga kailangan when you will change her bondage, anjan na din ang mga kailangan niyang gamot para hindi magka-scar yung mga sugat.."

"Yes. Thank you po tita."

At narinig ko ang pag-sara ng pinto.

Minulat ko na ang mga mata ko, at napansing ito ang room namin ni Zig.

Nilingon ko kung kaninong boses ang naririnig ko.

"S-Sierra?"-Pagtawag kaya agad naman itong lumingon.

"Okay ka na ba? Gusto mo ng tubig?"-Tanong niya at binibigay ang bottle ng tubig.

"Salamat. A-Ano palang ginagawa mo dito?"-Tanong ko.

"D-Damon called me at sinabi ang nangyari."-Sierra.

"Your husband?"-Tanong ko.

Tumango siya at sinabing isa ito sa matalik na kaibigan ni Zig, nang maalala ko ang nangyari sa amin ni Zig, naalala ko nanaman yun sakit at lahat ng nangyari, kaya napayuko ako, na napansin ni Sierra.

"Sorry ha? pinag-tangol mo ako, pero hindi man lang kita naipag-tangol nung araw na yun, nandon ako sa likod mo, malapit kay Damon, nakita ko ang lahat, yung sakit na nararamdaman mo, kahit gusto kitang tulungan, hindi ko magawa, mas lalong lalaki ang guslo kapag tumulong ako."-Pag eexplain niya.

"Okay lang. Ikaw ba nag-alaga sa akin nung tulog ako?"-Masayang tanong ko.

Tumango siya na parang isang batang gusto ang naitanong sakanya at um-oo siya. Ngumiti ako at nagpasalamat. Hindi ko na tinanong si Zig, bakit ko pa siya itatanong kung hindi niya ako mahal, at bakit ko pa tatanugin ang taong wala sa tabi ko na dapat ay meron.

"Nakita ko lahat diba? Ano ang nararamdaman mo?"-Malungkot na tanong ni Sierra.

"Sobrang sakit Sierra. Nung umalis ako doon, halos hindi ko naranasan ung gutom at uhaw, yung sakit na ginawa ni Zig ang tanging nararamdaman ko. Binastos pa ako ng mga kaibigan niya at si Vanessa, kahit sabihin niya man lang na tumigil sila, okay na sa akin yun. Pero wala, panghuhusga pa ang mga sinabi niya."-Malungkot na kwento ko.

"Mahal mo siya ano? Becasue if you don't love him, you wouldn't be affected like that."-Malungkot na sabi ni Sierra.

"Wala na ang mama ko. Kaya pwede na akong umalis, pero hindi pwede kasi nagkaroon ulit ako ng pangalawang rason kung bakit hindi ko siya kayang iwan."-Nakayukong sabi ko.

"Mahal mo siya?"-Tanong niya.

Tumango ako at agad na niyakap siya, doon tumulo ang luha ko pero agad ko din itong pinunasan at hinarap siya ng pilit na ngiti.

"Letche talagang pag-mamahal yan. Mahal mo siya at isa siya sa mga kasiyahan mo, kaya kahit sinasaktan ka niya, okay lang, kumakapit ka parin, hindi ka umaalis kasi alam mong siya ang kasiyahan mo, kaya bakit mo siya iiwan."-Makahulugang sabi ni Sierra, nararamdaman ko ang nararamdaman niya.

Niyakap ko siya muli, sa sakit na nararamdaman ko kay Zig, atleast binigyan ako ng isang kaibigan na hahawak sa akin kapag malapit na akong mahulog.


Zig's POV

Andito ako sa university sa hideout, kasama ang barkada at prinsesa. Si Vanessa -.-

"Bakit andito ka?"-Bunagd ni Damon na kakapasok lang.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon